CHAPTER 30

5 2 0
                                    


THE general invited her to stay for days in his beautiful house. Doon nakilala niya ang ina ni Keenu na hindi pinoy ang hitsura. Pero ayon sa matandang babae ay purong pinoy raw ito. Talagang singkit lang ang mga mata nito. Keenu's mother like to cook Filipino dishes. Matagal na pala itong naninirahan sa China kaya miss na raw nitong kumain ng pagkaing pinoy.

She excitedly cook Filipino foods at si Yhuki ang unang pinapatikim nito. Panay naman ang arte ng Heneral, kesyo nagseselos na raw ito sa kanya. Habang si Keenu naman ay naaalibadbaran sa kaartihan ng amain ay lumayas nalang bigla.

Napagpasyahang lumabas ni Yhuki. Pupuntahan niya ang matagal na niyang pinangarap na makita ng personal. Hindi kasi siya nabigyan ng pagkakataon na makita 'yon noon dahil sa puspusang training. Now, she will grab this chance to go there.

Pero may malaki siyang problema. Wala siyang pera!

Napakamot ng ulo si Yhuki. Puro peso bills lang ang nasa wallet niya at nasa five thousand lang ang laman. Hindi nga niya alam kung paano makakauwi. Mabuti sana kung may lahi siyang wakwak, lilipad nalang siya pauwi ng pinas.

Napatili siya nang makita ang makakalutas ng problema niya.

"What the hell is wrong with you?!" Singhal ni Keenu sa kanya. Natapon ang cake na nasa platito nito sa gulat.

Nasa harap ito ng nakabukas na double door refrigerator halos kasing tangkad rin nito. Mukhang maghahanap ito ng maiinum.

"May gusto akong puntahan."

Parang baklang tumikwas ang kulay nito. "So?"

Ngumite siya. "Wala akong pera kaya sasamahan mo ako."

"Fine, I'll give you money pero hindi kita sasamahan."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Mas masaya kapag may kasama. Kaya sasamahan mo ako o isusumbong kita sa Mama mo?"

Nalukot ang mukha ni Keenu. Nang makakuha ng tatlong canned beer ay padabog nitong isinara refrigerator. Padaskol na inilapag ang platitong walang laman at ang canned beer sa mesa.

"Where do you wanna go?" Masama ang loob na tanong ni Keenu.

Napangise siya. Sa apat na araw niyang pananatili sa bahay ng magulang ni Keenu ay napapansin niyang lahat ng utos ng mama nito ay walang ingay itong sumusunod.

"Great Wall of China."

Nanlaki ang mga mata ni Keenu. "No way! Have you forgotten? We're here in Shanghai, it'll take two trips before we get to that damn historical wall."

"Alam kong nasa Shangai tayo pero hindi ko alam na dalawang sakay pa pala bago makarating ro'n." Pilosopo niyang sagot, napakamot ng mukha. Aba, malay ko. Hindi naman ako tagarito.

Lukot ang mukhang hinila ni Keenu ang high chair saka umupo. Binuksan ang isang lata ng beer at ininum. Nang maubos ang laman ay muli itong nagbukas ng bago at ininum ulit.

"Ang aga-aga alak agad ang laman ng tiyan mo. May problema ba?" Puna niya. Umupo siya sa katabing silya, tinitigan itong maigi.

Pagak itong natawa. May luha pang pumatak sa mga mata. "He's dead."

Sandaling natigilan si Yhuki. She already saw that coming. Ngunit, bakit malungkot pa rin si Keenu. "Bakit malungkot ka? Nakaganti ka na."

Galit na pinahid ni Keenu ang luha. "Dahil hindi pa ako kuntinto sa pagpapahirap sa kanya. Tatlong araw palang siyang pinahirapan bumigay kaagad siya... " Nagtagis ang bagang at muling uminum. "...my wife suffered in his hands for one month. One fucking month! What do you expect? Matuwa ako? Ni hindi pa nga nangalahati ang paghihirap na dinanas niya kesa sa asawa ko!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yhuki Midnight Aragon : The UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon