CHAPTER 27

1 1 0
                                    


NAPATAYO si Tyxe nang marinig ang sigaw ni Chief Samonte kay Jazz. Kaagad siyang pumasok sa opisina ng lalaki.

"Jazzmine, track her phone now! Magpapakamatay na yata itong kaibigan mo. Akala niya siya si Black Widow, susugod kahit kulang sa tao!"

Malutong itong nagmura nang biglang mawala ang kausap. "What a brat! Pinatayan ako ng telepono." Bumaling kay Jazz. "Did you track her phone?"

Napalunok si Jazz, dahan-dahang umiling. "No, Chief."

"Why the hell not?!" He shouted. Hinimas nito ang dibdib. Para itong aatakihin sa puso. Namumula ang mukha nito, parang may imaginary smoke na lumalabas sa ilong. Kanina pa mainit ang ulo ng may edad na lalaki. He even shouted at Tyxe when he found out that Tyxe let her leave.

"Someone's blocking me, Chief." Jazz seems frustrated. Her expert fingers doing wonders on the keyboard but still couldn't track her friend.

Even his brothers men had the same answer as her. Ang sabi ng mga itinalaga niyang bantay sa kasintahan ay nawala daw ang dalaga somewhere in metro. Pati ang GPS tracker sa sasakyan ni Jazz ay hindi nila ma-trace. Where the heck is she?

"Pasaway talaga ang batang 'yon! Mana sa amang matigas din ang bungo." Hinihingal na turan ni Chief Samonte.

The twins, Nasser and Neozon fake a cough.

Jazz cleared her throat. "Hindi ba nagmana sa 'yo, Chief?" Patay malisyang tanong nito. Ang mga mata ay nakatutuk parin sa laptop.

Matalim ang matang bumaling ito kay Jazz. "Bakit semelya ko ba ang nakabuo sa batang 'yon?!" Singhal nito sa dalaga.

Inosenting nagtaas ng mukha si Jazz saka umaktong na bigla. "Ay, akala ko sa 'yo, Chief, halos magkapareho kasi kayo ng ugali."

Hindi napigilan ni Tyxe ang matawa sa pag-uusap ng dalawa.

Napasugod silang lahat ng NBI headquarters nang hindi ma-trace ni Jazz at ng mga tauhan ni Kyiv ang kasintahan. They are all worried. Galit na umalis ang kasintahan. He knows her, she does reckless decision moves when mad.

"Shut up!" Humahangos na umopo ng swivel chair ang matanda. Pinakatitigan si Jazzmine. "May alam ka bang kaibigan o kakilala ni Midnight, Jazzmine?"

Mabilis na umiling si Jazz. "May mga bagay siyang hindi sinasabi sa 'kin, Chief."

"That brat!" Muling sigaw ni Chief Samonte.

Napakamot ng tainga si Tyxe. Hindi ba napapagud ang matanda kakasigaw?

"Tell the agents to standby.
You know her, basta nalang iyong tatawag at uutusan tayong puntahan siya sa kung saang lupalup ng mundo para magpasundo." Utos ni Chief Samonte sa mga tauhan.

Ni hindi na magawang magtanong ni Tyxe sa opisyal dahil para itong leon manlalapa ano mang oras.

Tahimik na nakaupo si Tyxe sa cubicle ni Yhuki. Tinitingnan ang mga papel na nakalagay sa mesa. It's alright 1 am. Still no call from Yhuki. At nag-aalala na siya. Walang natutulog sa kanila. Lahat ay alerto, naghihintay sa tawag ng kasintahan.

Ang kambal naman ay nasa opisina ni Chief Samonte. Kinukulit ng dalawa ang matanda, na ikinaiinis naman ng huli. Kung pwede lang pagbabarilin ang kambal ay baka ginawa na ng opisyal.

Pagpatak ng alas 4 ng madaling araw ay nabulabog ang buong building. Lahat ng available agents ay kanya-kanyang takbo at sumakay ng sasakyan.

Kaya napatayo naman si Tyxe at tumakbo papuntang opisina ni Chief Samonte na nasa ika-apat na palapag ng gusali.

"What happened?" Hinihingal pa siya. Hindi niya magamit ang dalawang elevator dahil puno lahat!

"Tumawag na si Yhuki. She's in Cross Medical Hospital. Damn that kid. Ano na naman kaya ang ginawa no'n. Kaya pupunta kami do'n. Kayong tatlo, dito lang kayo." Ani Chief Samonte sa kanila ng tatlo ng kambal.

Yhuki Midnight Aragon : The UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon