CHAPTER 6

74 8 11
                                    


"ANONG problema mo? Kanina kapa nakatingin sa pagmumukha ko." Nanlaki ang mga mata ni Yhuki ng may maisip. "H'wag mong sabihing natitibo kana? Hoy, Jazz! Hindi tayo talo no!"

Binatukan naman siya ng lukaret.

"Baliw ka talagang babae ka. Hindi ko talaga maintindihan kung paano ka naging agent kung utak bulinaw ka naman." Umiling pa ito.

Inirapan niya ito. "Grabe ka naman sa'kin. Matalino kaya ako, hindi ngalang halata." Aniyang nakangise sa kaibigan.

Umiling-iling si Jazz sa kalukohan niya.

It's her day off. Sinadya siya nitong pinuntahan sa inoupahan niyang maliit na apartment na isang malakas na lindol nalang magigiba na. Mula ng maging PA siya ni Patricia hindi na siya umuuwi sa apartment niya kung saan magkapitbahay sila ni Jazzy. May mga dalang rekados si Jazz. Mukhang ipagluluto siya nito. As always, dahil wala naman siyang alam sa pagluluto.

Nag-isang linya ang kilay ni Yhuki nang mapansin ang pananahimik ni Jazz, panay ang buntong-hininga nito at kanina pa patingin-tingin sa kanya.

"I know you've got something to tell me. C'mon spill it out." She encourage her to talked.

Jazz bit her forefinger. That's her mannerism whenever she's nervous or hiding something from her.

Bumontong hininga ito ng malakas saka seryosong tumitig sa mga mata niya. "What if magkita na kayo ng pamilya mo or kahit na sinong naging parte ng buhay mo dati, what will you do? Are you gonna tell them what happened to you and what you become?"

Naguluhan naman siya sa tanong nito. "What made you think to ask those kind of questions, Jazz?" Naalala niya ang binatang nagkausap niya noong isang araw. Nagtatanong ito kung anung nangyare sa kanya.

"Just answer my questions, will you!?" Jazz hissed at her.

Bahagyang umosod pa-atras si Yhuki, palayo sa kaibigan. Jesus Christ! Mainit ang ulo ng babaita. Mahirap na, masakit pa naman itong mangurot. Napansin naman ni Jazz ang paglayo niya kaya pinandilatan siya nito ng mata. Ikiniling nito ang ulo at tiningnan ang pwesto kung saan siya nakaupo kanina.

Napakamot siya ng mukha. Parang maamong tupa na umosod siya palapit dito. Mahirap ng mawalan ng instant chef, masarap pa naman magluto ang kaibigan baka hindi na siya nito dalhan ng pagkain. Food is her weakness.

"Baka pwedeng magluto ka muna? Mamaya ko nalang sasagutin 'yang tanong mo." Nag-aalangan pa siyang sabihin 'yon. Nakakatakot kasing tumingin si Jazz.

Umigkas ang kamay ni Jazz, nahawakan nito ang talong nasa loob ng plastic at ibinato sa kanya. Mabuti nalang kaagad niya itong nasalo.

"No! Hindi ako magluluto hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko!" Kinuha pa nito ang isang talong at ibinato ulit sa kanya.

This time hindi na nasalo ni Yhuki ang pangalawang talong na ibinato nito sa kanya. Sapol ang noo niya!

"Hep!" Sigaw niya ng makitang may hawak na naman itong talong. Hanep na babaeng 'to. May stocks ng unlimited talong. Ang dami namang lamang gulay ang plastic bakit talong pa ang napulot nito?! Naalala na naman niya ang live porn na nakita nila ni Lynne. "Sasagutin ko na!" Aniyang nakaharang ang braso sa mukha.

Kumalma naman si Jazz. "Okay, sagot!" She said like a strict pre-school teacher. Hindi pa rin nito binibitawan ang hawak na talong.

"Ano ulit ang tanong mo?" Pasensya na nakalimutan niya ang tanong nito.

Jazz glared at her.

"Geez ito na." Bumontong hininga siya at seryosong nagsalita. "Hindi na nila kailangang malaman. Ayoko silang madamay sa gulo ng trabaho ko ngayon. Mas mabuti ng wala silang alam tungkol sa'kin." Pinulot niya ang talong na tumama sa noo niya. Namumula ang mukhang pinandilatan niya ang kawawang talong.

Yhuki Midnight Aragon : The UndercoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon