"Pinakikiusapan ang lahat na manatiling kalmado at maghintay sa ating pagdaong, saglit na panahon lamang ito habang isinasaayos ang sira ng barko." Ani ng babaeng kapitana sa speaker ng barko.
"Ihahanda ko lang ang mga gamit ko." Paalam sa akin ni Ysla bago maglakad papalayo.
"Mag-iingat ka Ysla." Paalala ko sa kaniya, ngunit nagderetso na lamang sa paglalakad ito.
Hindi na rin ako masyadong nag-alala dahil bilang isang artista ay minsan nang sumabak sa maaaksyong pelikula si Ysla, kaya naman kampante akong kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.
Dumako na rin ako sa aking kuwarto upang maghanda, pagkapasok ko pa lamang sa pinto ay kaagad ko itong ikinandado at isinilid ang mga napamili kong pagkain sa ref.
Agad ko ring hinanap ang nabili kong itak mula sa isang islang tinigilan ng barko kamakailan lang, upang aking magamit na sandata kung sakali mang magkagulo na ang mga tao sa loob ng barko.
Tok~ tok~ tok~
Malalakas na mga katok ang bumulabog sa katahimikan sa loob ng kwarto.
"Buksan mo 'to Ino, si Ysla to." Ani Ysla na siya palang kumakatok sa labas ng pinto.
"Saglit." Sabi ko rito mula sa aking kinatatayuan.
Dali-dali ko naman siyang tinungo at pinagbuksan ng pinto.
At ang unang mg salitang mga lumabas sa bibig ko ay, "Ano yang mga dala mo?" Matapos kong makita ang sandamakmak na bagaheng tangan niya, bukod pa ang mg maleta sa ibaba na siya ring kaniyang hila-hila.
"Mga damit, pagkain, tubig, gamot, at armas." Ani Ysla.
"Armas?" Tanong ko rito.
"Nandito sa loob ang pana ko." Aniya bago ipakita ang isang itim na suitcase.
"Paano mo naman naipasok yan sa barko?" Nagtataka kong tanong.
"Pinayagan ako ng Kapitana, matagal na kaming magkaibigan." Ani Ysla.
Bumukas ang T.V. at ipinalabas ang isang seksing kapitana, na siya sigurong tinutukoy ni Ysla na kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Ysla Paraiso
FantasyIsang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isang misteryosong isla kung saan kailangan nilang manatili upang mabuhay. Kasama ang iba pang seksing...