Part 61

2.6K 7 0
                                    

Ino's P.O.V.

Lumabas ako ng pinto kasama ang kapitana na nakakapit sa kaliwang braso ko, tila ba lubos siyang nasiyahan sa nangyari.

Sa labas ng silid ay naroon si Ysla na kasalukuyan pang nagsusuot ng kaniyang pantalon, mukhang kakatapos lamang nilang gumawa ng milagro kasama si Sarhento Yatko.

"Kumusta? Nagkakilala ba kayo ng maayos?" Tanong ni Kapitana Fiña sa dalawa.

"Yes ma'am, napakasarap ho pala nitong si Ysla." Ani Sarhento Yatko bago halik-halikan ang leeg ni Ysla at lamasin ang dibdib nito.

"Mabuti kung ganon." Ani Kapaitana Fiña.

"Ma'am nakadaong na po tayo sa Isla." Bungad ng isang tauhan sa labas ng pinto.

"Oh siya paano ba yan, tayo na sa labas." Anyaya sa amin ni Kapitana.

Nagsunuran kaming lahat sa kaniya at biglang tumabi sa akin si Ysla.

"Bakit parang malungkot ka ata?" Tanong ko kay Ysla nang makitang matamlay siya.

"Nabitin lang, ang bilis labsan ni Sathento Yatko." Ani Ysla.

"Magaling naman ba?" Usisa ko.

"Hmm, sakto lang naman." Sagot ni Ysla tila ba wala talaga siyang kagana-gana.

Nang makaabot kami sa labas ay naroon ang mga pasahero ng barko, nakahanay sa maayos na paraan.

"Magandang hapon sainyo, dito tayo magpapalipas ng gabi sa Islang ito, may sapat tayong pagkain para sa lahat na kayang tumagal ng mahigit isang isang buwan para sa lahat. At kung magkulang man iyon ay maari tayong kumuha ng makakain sa isla at sa dagat. Nais kong ipaalala na sinomang lumabag sa batas habang tayo'y naririto ay mapapatawan ng kaukulang kaparusahan. Kasama ko ngayon si Sarhento Yatko na siyang magpapanatilo ng kaayusan sa barko. Pati na rin si Ino Makapagal at Ysla Paraiso." Salaysay ni Kapitana Fiña sa mga tao.

Naghiyawan ang mga ito lalo na nang mabanggit ang pangalan ni Ysla, mayroon ding mga kababaihan na sinisigaw ang aking pangalan.

"Ngayon, sino ang gustong sumama sa Isla?" Tanong ni Fiña sa kanila.

Ysla ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon