Walang ni-isa ang nagkusang sumama sa isla, mukhang takot ang mga pasaherong bumaba ng barko.
"Wala bang gustong sumama sa akin?" Tanong ni Kapitana Fiña.
Nang marinig iyon ng ilang kalalakihan ay nagtaas ng kamay ang mga ito, mukhang nadala sa magandang cleavage ng Kapitana.
"Boys~? Don't you wanna cum with me~?" Malanding pang-aakit ni Ysla sa mga ito.
At doon na nagtayuan ang halos lahat ng mga lalaki.
"Sisiguruhin kong ligtas ang sinumang sasama." Ani ko sa mga pasahero.
Nagtayuan ang ibang mga babae roon at napansin ko ang isang pamilyar na pagmumukha, si Chef Katya mukhang sasama siya at kaniyang mga tauhan.
"Kung ganoon, ay ihanda ninyo ang inyong mga kagamitan. Bababa na tayo sa Isla." Ani Kapitana Fiña.
Naiwan ang ilang tauhan ng Kapitan upang bantayan aming barko, samantalang ang dalawampung pasahero kasama na kami ay nagtungo na pababa sa mga baitang ng barko.
Bitbit ang aming mga bag na naglalaman ng sariling mga kagamitan, naglakad kaming lahat sa ibaba hanggang sa pagbuksan ang pintuan ng barko palabas.
"Whoa~" Ani Ysla matapos tumambad sa aming harapan ang pinong puting buhangin sa dalampasigan, kulay kristal na tubig, at mga sariwang luntiang halaman ng islang iyon.
Tila ba isa itong resort na hindi pa napapasyalan ninoman.
Unang humakbang ang kapitana palabas. "Tayo na, hindi tayo maaring abutin ng dilim." Ani Fiña.
Sumunod ang sarhento kay Fiña, bago sumunod si Ysla at ako, hanggang sa sumunod palabas ang lahat ng aming mga kasamahan.
At Pagkatapak ko pa lamang sa buhangin ay may nadama na akong kakaiba sa islang iyon, bukod sa napaka-sariwa ng hangin at namumutawi ang nakabibinging katahimikan.
Mukhang napuna rin ito ng Kapitan at binubot ang kaniyang maliit na pistola.
"Huwag maghihiwalay ang lahat, manatili lamang kayo sa aming likuran." Ani Kapitana Fiña, at doon na lumitaw ang isang anino ng nilalang mula sa mga kakahuyan.
BINABASA MO ANG
Ysla Paraiso
FantasyIsang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isang misteryosong isla kung saan kailangan nilang manatili upang mabuhay. Kasama ang iba pang seksing...