CHAPTER 55

182 5 15
                                    

Liam's POV

Napatingin ako kay Jin nang may iniabot siya sakin.

"What is this??"

Tanong ko naman sa maliit na box na ibinigay niya.

"Your suppressants."

"Eh bat nakabalot na parang pang christmas gift???"

Mabilis na reak ko.

"Bat di mo na lang tanggapin ng payapa??"

Bigla naman siyang naasar. Ang baba talaga ng pasensya, bilis maasar.

"By the way, Dad will go home later!"

Mabilis naman akong napatingala sa kaniya at napatigil sa ginagawa kong pagbubukas sa box na binigay niya.

"Huh??"

Parang nabingi yata ako saglit sa sinabi niya.

"Dad will go home, and we will having dinner with him later!"

Ulit niya.

"Ah ok! So dito lang ako? Ayus lang naman sa akin, ayaw ko ding makadisturbo ng family gathering!"

Sabi ko naman at itinuloy ang pagbubukas ng box.

'Bat ba kasi nakabalot pa to, gamot lang naman ang laman??'

"What do you mean? Sasama ka sakin mamaya!"

"Ehh?? Hindi ayus lang ako dito promise!"

Mabilis namang tanggi ko, pero mukha atang di nagustuhan ni Jin ang sinabi ko at nandilim ang paningin niya.

"OO NA, SASAMA NA!!"

Mabilis namang sabi ko bago pa niya maibuka ang bibig niya. Bigla namang nagbago ang aura niya at nginitian ako.

"Very good!"

'Pístí ka!'

Nasabi ko na lang sa utak ko. Di ko na siya pinansin at binuksan ko na yung box na kinalalagyan ng gamot. Kumuha ako ng isa at ininom ito.

"Teka!! Walang tubig!!"

Mabilis niyang pagpigil sa akin. Nilunok ko naman ang gamot nang walang tubig.

"Huh?"

Tanong ko sa kaniya. Napatulala naman siya sakin nang makitang nalunok ko na ang gamot.

"Don't do that!! Pano pag mabilaukan ka tas walang tubig?? Itigil mo yang ganyan!!"

Sabi niya na parang nang uutos.

"Nalunok ko naman ng ayos!"

"Kahit na!!---Akin na nga yan!!"

Mabilis niyang hinablot sa akin ang gamot na hawak ko.

"Oy teka! Kala ko ba sakin yan??"

"Ilalagay ko to sa kusina para don ka lagi uminom!"

Sabi niya tapos naglakad.

"Pero ang layo ng kusina Jin!!-----HOY!!"

Tinawag ko pa siya pero hindi siya tumigil at kahit lingunin man lang ako. Kainis naman!

Sinundan ko siya at nakitang nasa kalagitnaan na ng hagdanan.

'Ang bilis niya naman?!! Iba talaga pag mataas mga paa,ang laki ng hakbang!'

Sumunod ako at bumaba din sa malaking hagdanan nila. Mabagal lang akong naglakad pababa dahil naaattract ang mga mata ko sa napakalaki at napakaganda nilang chandelier. Tapos ang linis at kinang ng hawakan ng hagdanan nila, para akong nasa castle ni Elsa.

His OmegaWhere stories live. Discover now