KINGDOM OF BELLADONNA, MISTHAVENA Long time ago...
Ngiti na ngiti si Edward, at yung isa naman ay busangot na busangot habang tinuloy na nila ang paglalakad nila tapos ng mga nangyari sakanila. Naiirita naman si Gavin sa ngiti ng kasama. "May kung anong sininghot kaba o naparami yung inom mo ng tubig sa ilog kanina?"
"Ikaw ba naman itulak sa ilog ng wala ka namang ginagawa.... tapos niligtas pa kita, utang mo buhay mo saakin ngayon" nakangising sambit ni Edward tsaka niya kinindatan si Gavin.
"putcha, binalikan din naman kita. Kung di ako bumalik napugotan kana." balik naman ng isa.
" Bakit mo nga ba ako binalikan?" tanong ni Edward. "Pwede mo naman ako iwan nalang pagkatapos kitang iligtas"
"Niligtas mo'ko, kailangan ko lang ibalik yun." sagot ni Gavin, inasahan naman ni Edward na ganun sasagot nito pero ngumiti nalang siya dito. "Ikaw na ngumingiti diyan, Salamat sa pagtulong saakin doon"
"It seemed like the honorable thing to do.." tsaka nag bow-down si Edward "Lalo na ikaw yung prinsipe dito dahil kaharian mo 'to" dagdag pa nito.
"I'm not even wanted here, so don't bow down..... at Lahat ng tumutulong saakin, hahamakin ng aking ama" seryosong sambit ni Gavin
"Ano naman ba galit sa'yo ng iyong ama, ba't ka pinapahuli ng ganiyan, bawal na ba talaga tulungan ka? tanong ni Edward
"Mahaba at komplikadong kwento, kaya kung ayaw mo madamay — wag ka ng magtanong." seryosong sagot at tinignan ni Gavin si Edward at ngumiti lang pabalik ito, dahil kahit ano pang sabihin ng bagong kakilala niya eh wala na itong magagawa dahil wala siyang balak lubayan ito at gusto niya na kilalanin pa, mukhang mahihirapan ito sa una pero ayos na din naman sila ngayon.
Isa pa, delikado ang kalagayan ni Gavin lalo na pinaghahanap siya ng mga delikadong tao at kung palalain pa natin yung sitwasyon, Tatay niya ang naguutos sa mga yun kaya nalulungkot lang si Edward sa nakikita niya.
Pagkatapos ng mahabang paglalakad ng hindi sila naguusap hingal na hingal na si Edward kaya napatingin sakaniya yung isa dahil mukhang pagabi na rin, tanghali na din sila nagising eh.
BINABASA MO ANG
slowburn
RomancePaano kung mabulgar ang natatagong pagtingin kasama ng malalagim ng sikretro ng bayan ng Veradonna? Samahan sina Lemuel at Sebastian sa pag hahanap ng katotohanan na bubuo o sisira sakanilang pagsasama. Donny Pangilinan as: Lemuel Madrigal, Gavin...