10: Basketball Game

5 0 0
                                    

Beatrice P.O.V.

I don't know what to say but it is game time. I am the challenger among the 4 of us. Ako din ata pinaka pasaway nilang kaibigan dahil hindi lang ako yung tipo nila na mga virgins sa relasyon. Kumbaga nakatikim na ako nung parang relasyon na type na tinatawag nila ngayon na situationships. Kala nila madali tumakas sa mga kaptid ko? Tapos sila pa may ganang mang ghost sakin, alam na alam ng 3 ito na kailangan akong prankahin at alugin minsan kasi magugulat ka na lang na bawat lugar may nakakakilala sakin o kilala ko talaga.


Aside sa work kasi sadyang Extrovert type ako sa aming magkakaibigan kung hindi niyo gets, madami akong iba't ibang types ng friends dahil nasa kalagitnaan ako ng naughtiness at anghel. Isa akong tao.. Alangan di ba? Anyway HIghway, nasa Basketball Game segment na tayo R.E.D. at ito na ang nangyari.


Para akong isang dakilang tulay dahil yung kuya, kuyan at kuyang ko, lahat sila type sina Rellane, Geovy at Gabri. Sa sobrang bait ko, ginawa kong kakampi namin. *insert smirk smile* Pang reality check nilang 3 kasi hindi naman madali paamuhin yang mga yan o ikutin kumbaga saka sobrang competitive sa buhay ng mga ito.

Ayun na nga, ako ang nagyaya kaya ako ang mag aayos. Mga benches pinabuhat ko sa triplets kong kuya para paimpress kuno pero tamad lang ako magbuhat at pag natalo kami dodoblehin daw ni Geovy ang aking regimen. Para relate kayo ang ibig sabihin nun bawal ako humindi kung gaano kabigat ang bubuhatin ko sa gym at gaano kami katagal.

Special daw ako kaya ako lang daw ganunin niya, pero di ko din kasi inuurungan yung regimen niya lalo na bonding na naming 2 yun. So yun nga benches tapos maayos na bola, mga 4 kasi tig isa kami magwawarm up kahit 2 lang rings ng court.

Sinasabi ko sa inyo nagtataka ako bakit ito pa naisip ko. Nawiwindang ang aking mind kasi pagkita o landas lang ng mata nina Geovy at Gabri parang manliliit ka na. Randam ng buong court ang kanilang competitiveness. Si Rellane na akala mo seryoso lagi ay nasa likuran ni Gabri at naglalagot sign sakin. Parang gusto ko na umatras tuloy at napalunok agad kasi Angel namin yan si Gabri tapos yung si Rellane? Kabaligtaran kasi pumapangalawa sa malakas na mang asar saming 4. Alam niyang nakikita din siya ni Geovy pero ganun pa din siya bago may pumasok na nagsisitawanan at pagkatingin namin sa may pintuan, kamaybehan dati ni Rellane. Sabay sabay kaming nagcross arms dahil kasama nito yung 2 nang bestfriend zone sa dalawa at humarap kami kay Rellane. 

(Marites mode on)

"Akala ko ba tayo lang pwede dito?" tanong ko kay Rellane. Siya kasi ang may alam kung pano irenta yung place.

"oo nga di sila pwede maglaro pero pwede sila manood" casual niyang sabi na akala mo di namukhaan yung 3 yun

"Tapos sasabihin masyadong alaskador o lalaki kumilos?" Gatong ni Gabri na tinitigan naming 3

"Move on na nga tayo dyan mas gwapo naman talaga ako diyan sa 3" sabi ni Geovy na pinalakpakan naming 3.

"Very well said, kaya wag mo kami pahirapan sa gym ha" gatong ko na ikinatawa namin bago ilahad ang kamay sa gitna.


Nagmaiba taya kami kasi maghahabulan kami sa basketball court. Biro lang ho RED, magmamaiba taya para malaman kung sino unang hahawak ng bola samin kasi bukod sa 2 vs 2 ang labanan.. sariling score din labanan dahil ang highest ang may tsansang mangdare sa 3 personally tapos yung kawawa magpopost ng wacky o stolen na picture na panget at mukha nila.

Sabihin na nating ako ang pasimuno, pero tuwang tuwa din naman sila sa mga pakulo ko.. see you next time RED dahil hindi ko pa kapa mga basketball techniques pero si Geovy oo kaya siya na mag sasalita in next chapter! salamatsss

Rellane Endora DaresWhere stories live. Discover now