Im dead.

24 2 0
                                    

Yes! This is the day! Eto na yung hinihintay ko. Yung magkaroon ng Pastry shop. Ang saya ko dahil nakuha ko narin ang minimithi ko. Ang gaan lang sa pakiramdam na nagawa mo na yung goals mo sa buhay. Siguro ako na yung pinaka-masaya ngayong araw na to!

Madami na rin akong nabake na cupcakes, cakes at ibpa. Alam kong madaming pupunta ngayon sa shop ko. Alam muna. Adyan ang mama ko. Madaming CONNECTIONS. Soooo. She is my savior today... No. I mean, My family is my savior today. Ngayon lang ha.


"Welcome to The cakesmith Pastry shop Ma'am and Sir!" Sabi ng mga Service crew at mga Waitress. Dumadami ang mga costumers, baka kulangan ako ng mga cupcakes at ibpa.

Bumalik ako sa kitchen area para makapag-bake. Pero sa una lang to. On the second day. Hindi na ako ang magbabake dito. Estudyante din ako. Meron narin pala akong nakuhang pastry chef sa shop ko. Madalang nalang din ako siguro makakah-punta dito...

"Give me all the ingredients for the strawberry cheese cake. Right now." Sabi ko sa assistant ko. Addicted din ako sa strawberries. ❤.❤ I love strawberries! Wahhh!

"Ma'am. Eto na po yung mga kailangan niyo sa strawberry cheese cake."

"Sige. Thank you. Ahm. Paki-asikaso narin din yung mga costumer doon. Pag may naghanap sakin sabihin mo saken agad ha." Pasabi ko sa assistant ko.

"Sige po Ma'am." Umalis at iniwan na rin ako dito sa kitchen area.

Mahilig kasi akong mag-bake. Simula ng bata ako gustong-gusto kong magkaroon ng sarili kong pastry shop. Pero tutol ang Mama ko. Sabi niya wala akong mapapala. Pero akala niya yun. Hindi niya alam na magbibigay ng kaligayahan saken eh yung shop nato. Kahit kailan hindi niya ako pinasaya. Ang alam niya lang ay ang pagtratrabaho. Laging nasa ibang bansa. Minsan lang siyang umuuwi dito. Sinikap kong mag-aral para mapansin lang nila ako. Pero wala parin. Ang yaman ko nga. Ang dami kong pera.. Namin. Pero hindi nila mabigay ang kaligayahan ko. Buti nga pumayag siya ngayon sa gusto ko. Pero may kapalit....


Biglang naputol ang mga pagdra-drama sa isip ko ng biglang bumalik ulet yung assistant ko. Mukhang natataranta siya. Ano kayang nangyari...

"Ma'am! Ma may nagpapatawag po dun sa labas.." Medyo may halong pag-alala niyang sinabi.

"Ha? Bakit parang tarantang-taranta ka ha? May nangyari bang masama sa labas?" Sabi ko sakanya.

Sana wala namang mangyaring masama sa shop ko. Kakabukas palang. Pano pa kaya kung malaman ng mama ko pag may nangyaring masama sa shop ko. Oh no! Baka papuntahin niya na ako sa ibang bansa!

"Ma'am wala pong sinasabi saken.. Mukhang galit po yung costumer. Gusto po kayong maka-usap." Hala. Im doomed.

"Sige. Sabihin mo sa isang chef natin siya na ang magtuloy dito sa ginagawa ko."

"Sige po. Ako na po ang bahala."

Iniwan ko na ang assistant ko at naglakad palabas ng kitchen area para puntahin yung galet kong costumer. Ano naman kaya ang ikinagalit niya? Maayos naman ang shop ko at wala naman problema ang lahat. Maayos din ang mga waitress at ang mga Service crew.

"Ahm. Nasaan dito yung naghahanap saken?" Tanong ko sa waitress.

"Ayun po. Dun sa pang-apat na table sa left side. Yung lalakeng nakatalikod po." Sabi ng waitress sa aken.

Iniwan ko ng ang waitress. Wala na akong time kausapin ulit siya. Baka dumating si mama na maabutan niya to.

Kinalbit ko yung lalakeng matangkad na galet na galet sa akin. May kasama din siyang dalawang lalake, kaso hindi ko na pinansin dahil kailangan kong magawa ng paraan tong problema ngayon. Tumungin naman yung lalake saken.

"Sir? Is there a problem?" Tanong ko sa kanya.

"Oo! Yung cupcake niyo! Hindi masarap! Bat ganto lasa to?!" Pasigawa niya. Nakuha niya lahat ng attention ng mga costumers ko dito sa shop. Pati mga waitress at crews naka tingin na rin sa amin.

"Ha? Sir sure po ba kayo sa sinabi niyo? Ako po nagbake niyan. Tinikman ko muna po yung mga binake ko bago ibenta. Baka nagkamali lang po kayo ng lasa." Paliwanag ko sakanya. Mygod! Sisirain yata tong shop ko! Kala niya maloloko niya ako ha. Eh ang sarap kaya lahat ng binake ko!

"Hindi! Hindi ako nagkakamali! Hindi masarap to!!" Pagalit niyang pagsabi.

Hala. Mukhang sinisiraan yata ako neto sa mga costumers ko. Pinagbu-bulungan narin kami ng dahil lang dito sa lalaking to.

"No. Masarap po to sir!" Sabay tikim ko sa slice cake niya. Gago to ah. Masarap naman ah. Sinisiraan niya ako! Sinisira niya din tong shop ko!

"Hoy ikaw lalake! Sabi mo hindi masarap?! Eh bakit hindi naman!" Sabi nga nila.. Costumers are always right. Pero hindi halos! Lakas ng tama ng lalakeng to! Lakas maka-panira!

Magsasalita pa sana siya ng biglang..
-

-

-

-

-

-

-

Nagsalita ang Mama ko. O_O

"What is the meaning of this Aria?" Pagkagulat ng mama ko. Pero hindi lang siya nagulat. Pati ako!

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Uuwi ako ng london ngayon ng di oras! Kasalanan to ng lalakeng to! Anong gagawin ko?! Kailangan kong magpalusot sa mama ko.
-

-

-

-

-

-

"Ah ma- Mama. Boboboyfriend ko pala." Sabay ngiti ko sa mama ko at pag-hug dito sa lalaking to. Wala. Eto ang naisip kong paraan.. Siya nagsimula ng gulo. Pwes. Ako tatapos ng gulo.

Tumingin ako sa lalakeng to at ngumiti sakanya pero gulat na gulat siya.

In your face! *evil grin* sakanya

"Ano bang sa tingin mo ang ginagawa mo?" Pabulong niyang sabi sa akin. Hindi na siya tulala tulad ng kanina. Pero galit siya ngayon.

"Ikaw? Bakit mo ginagawa to? Bakit mo ko sinisiraan? Pwes. Dapat fair." Sabi ko sakanya sabay evil grin.

Biglang nagsalita ulit ang mama ko.

"Good to hear na may boyfriend kana." Lumapit siya sa amin at tinignan ang lalakeng tong.

"So.. Anong pangalan mo?" Tanong niya dito sa fake boyfriend ko.

Hindi yata magsasalita tong lalakeng to.

Ginawa ko kinurot ko siya sa pwet.
Parang nabuhay siya ulet at bumalik na rin siya sa pag-iisip.

"Ah. I am Tyler Evan Parker Ma'am." Sabat yuko sa harapan ng mama ko.

"Oh. You are Tyler Parker? Ang nag-iisang anak ng Parker family na ang nag ma-may ari ng PC Coorporation?" Ang dami talagang alam ng mama ko pagdating sa mga trabaho at about sa mga business.

"Yes Ma'am. So kilala niyo po pala ang Pamilya namin." Ang bilis naman makiride netong lalaking to! Nakuha pang makipagkwentuhan kahit napahamak na siya. Ibang klase din to. Nagandahan siguro saken to kaya kumagat na siya sa sinabi ko. Walangya.

"Oh. Naging business partner na...." Naputol ang sasabihin dapat ni Mama ng bigla akong sumingit sa USAPAN NILA. NILA HA.

"Excuse me po. Ma. Huwag kana makipag-kwentuhan dito sa dinadaanan. Marami akong costumers. Dun nalang po tayo para makapag-explain po ako sa inyo." Sabay turo ko sa unahang table sa right side. Sumunod naman sila sa sinabi ko. Naalis na rin ang mga tinginan at bulungan ng umalis sila sa gitna ng dinadaanan. Nagkwe-kwentuhan pa silang dalawa habang naglalakad. Mukhang nagkakamabutihan sila. No! Hindi pwedi to! Wahhhh! Masisira na ang ulo ko!

Akala ko ako ang pinaka-masayang tao sa buong mundo! Pero hindi pala! Tf! Ang malas ko!

Mukhang marami-rami niyan ang ie-explain ko sa mama ko.




LALONG LALO NA DITO SA FAKE BOYFRIEND KO! UGH!

Not just a DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon