First day of school

44 3 1
                                    


"Aria! Dali malapit na tayong malate!"

Pangalan ko nanaman! Letche! Ano bang meron sa pangalan ko at bakit di nila ako tinitigilan.

Kakabukas ko palang ng pinto nakita ko na agad tong Victoria na to.

"Kuya Berting. Wag niyo na po akong sunduin mamaya. Marami po kasi akong gagawin sa shop ko after ng klase ko." Ininform ko si kuya berting. Baka mahintay pa siya mamaya. Kawawa naman. Baka may mangyari pang masama sakanya ako pa masisihan.

Masyadong marami akong gagawin ngayon. Syempre ako mag-aasikaso ng shop ko. Sa akin eh. Alang-alang naman sa Mama ko pa papa-asikaso ung Pastry shop ko.

Baka ano pang magawa niyang di maganda sa shop ko. Mas maganda ng nakakasigurado.

"Victoria. Kanina kapa ba naghihintay dito sa parking lot? Gosh. Bagay mo palang maging security guard." Pampa-good vibes naman sa kanya. HAHAHAHA.

"ARIA! ILANG BESES KO NG SIBASABI SAYO NA ANG PANGALAN KO TORY!"

Ayan na. HAHAHAHAHA

"Hindi mo pangalan yan. Nickname yan! Duh!" Kahit kailan di talaga nag-iisip to.

"Ganun na din yun! Kung hindi mo ako tatawagin sa nickname ko, hindi kanamin tutulungan ni Madison sa pag-bili mo ng mga kailangan mo sa Shop mo." Aba tinakakot ako ng babaeng to. Kala mo naman natatakot ako. Mygod.

"By the way. Speaking of Madison. Nasaan siya? Malapit na tayong malate ah." Isa rin tong babaeng to. Puro lalake ang inaatupag. Hindi ang pag-aaral. Di na siya nadala. Mababalitaan mo nalang may boyfriend nanaman siya. Araw-araw yatang nagpapalit ng lalake. Bahala siya.

"Di kapa nasanay diyan sa Babaeng yan.. Oh ayan na pala siya eh."

Bago siya bumaba ng kotse may nagbukas sa pintuan niya. Aba. Iba nanamang lalake ah. Swerte talaga tong lalakeng to. Bandang huli sasaktan din siya. Tsk.

"Oh! Hi girls! Good morning! ^_^ "

"Ano namang maganda sa umaga ngayon kung ikaw nanaman nakita ko at may kasama kananamang bagong lalake."

"Badtrip kananaman gurl. Wag mo akong madamay damay diyan sa init ng ulo mo ha."

Eh anong magagawa mo kung maiinit ang ulo ko. Eh ikaw banamang gumising ng maaga tapos makikipag-away kapa sa nanay mo! Tsk! What a nice life. Nice. -_-

"Ahm. Madie. Pasok na ako. Mas maaga kasi pasok ko sayo ngayon eh." Paalam ng lalake kay Madison.

Iww. Kadiring nickname. Saan niya kaya nakuha yung nickname na yun. Korny ha.

"Sige. Mauna kana. Bye." Sabay kiss sa cheeks ng lalakeng to.

Pagtapos umalis ng lalake, Inunahan ko na si Madison bago pa siya magsalita. "Sino nanaman yun? Wala kabang balak ipakilala ung lalakeng yun samin?"

"Eh? Bakit parang naging interesado ka sakanya? Di kanaman ganyan dati ah."

O_o -Madison

"Baka may gusto ka dun ha Aria!"

"Duh. Sayong sayo na yung lalaking mo! Aanhin ko yun eh mukhang paa!" Kahit hindi naman. May itsura naman pero medyo may pagka-weird. Kailan pato pumatol tong babaeng to sa mga lalaking weird.

"Well. Wala naman talaga akong balak ipakilala siya sa inyo. Wala akong kasabay sa kotse eh. Nakita ko lang siya diyan sa labas eh. May itsura naman kaya siya kinuha para may kasabay ako."

"The f*ck! Madison! May driver kanamang kasama ah! Kailangan talaga may kasama kang lalake araw-araw?" Ibang klase talaga tong babaeng to.

"hey!!!! Tama na nga yan! Pustahan mamaya lang niyang wala na sila nung lalake! Kaya tama na okay?! Malalate na tayo!" Konti nalang mapuputol na ang mga ugat ni Tory.

Oh. Im sorry. I almost forgot na may klase papala kami.

Sabay- sabay kaming naglakad at pumasok sa classroom. As usual kami nanaman ang pinag-titinginan. Wala eh. Maganda kami. Maraming may gusto samin. Maraming babaeng naiingit sa amin. Pero hindi halos

Meron ding mga bashers na gustong maging kami.

Oo mayaman kami. Pero wala sa amin ang lahat. May kanya-kanya din kaming problema sa buhay namin. Pero....

They thought that we are Perfect. But we're not.

*
*
*
*
*
*
*
*

We are perfectly imperfect.

Not just a DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon