-Insert Kristel's perspective-
Kristel(Voice over): Ok naman nung una, maayos pa ang relasyon namin ni nanay, hindi ganito...
Kristel(Voice over): pero, nagbago iyon nung dumating si Marianne...
Kristel(Voice over): Lagi nalang si Marianne...
-Transition in-
Kristel: 'Nay! Nakapasa ako ohh!
*Binigay ang papel*
Kriselda: Ohh bat ganto lang score mo? Ayusin mo, tignan mo si Marianne mataas ang score almost perfect niya mga tests
Kristel: Pero-
Kriselda: kahit na
Kristel: ....
-Transition out-
Kristel(voice over): Tapos paggala lang ako
-Transition in-
Kristel: 'Nay, gagala sana k-
Kriselda: Hindi, lagi ka nalang gala dito ka muna sa bahay
*Pumasok si Marianne sa scene*
Marianne: Mi, gala sana kami ng mga kaibigan ko... pwede ba?
Kriselda: Oo naman nak, eto
*Binigyan ng 100*
Kriselda: Extra money mo
Marianne: Salamat mi!
Kriselda: Sige na, mag ingat kayo ha
Marianne: Opo mi!
Kristel: e-ehh pano ako??
Kriselda: Anong pano ikaw? Hindi, pumirmes kalang jan
-transition out-
Kristel(voice over): Pati sa mga gawaing bahay hindi niya pinapagawa si Marianne kahit malaki na siya
-transition in-
Kriselda: Ohh Kristel hugasin mo muna itong mga plato
Kristel: Mi, may ginagawa ako si Marianne muna mag hu-
Kriselda: Ikaw inutusan ko diba? 'wag mong ipasa mga utos ko sa mga kapatid mo, may ginagawa din si Marianne
Kristel: Ehh, mi-
Kriselda: huwag ka nang mangatwiran at hugasan mo yung pinggan
Kristel: opo..
-transition out-
Kriselda(voice over): Pati ba naman sa school...
-Transition in-
Kriselda: Bat ganito lang ang grades mo?!?
Kristel: Ehh mi, ang hirap ng mga-
Kriselda: Huwag kang mangatwiran sakin! Tignan mo si Marianne, kapatid mo, kinaya niya, with honors pa! Ehh ikaw? Wala dahil busy ka lagi mag cutting kasama ng mga barkada mo
*Kristel was shocked*
Kriselda: Sa tingin mo di ko malalaman? May mga nakakakita sayo nag cucutting! Kita din ng mga kapitbahay!! Ngayon pinag-chichismisan ka kanina dahil puro kasama mo mga lalaki, ano ka malandi?!
Kristel: N-nay hindi naman sa ganon-
Kriselda: 'Wag mokong gawing tanga kristel, akala ng iba malandi anak ko at masama akong ina! Hindi mo ba naisip yon?! Pinag-chichismisan tayo dahil sayo!
*Nanduro kay Kristel*
Kristel: Mas maniniwala kapa sa chismis ng iba kesa sa anak mo?!
Kriselda: Ehh anong pinapahiwatig mo? Na mali sila?? Ehh kita ka nga nila!!
Kristel: totoo nga na mas pinaniniwalaan mo sila kesa sa anak mo
Kriselda: Ahh sumasagot kapa, 'yan ba natutunan mo sa barkada mo?
Kristel: wala kang alam, dahil puro nalang si Marianne ang nasa isip mo
*Sinampal si kristel*
Kriselda: Yan pala mga natututunan mo sa barkada mo?! Pwes! Ililipat kita ng school para hindi na kayo magkita ng barkada mo!
Kristel: Hindi mo'ko pwedeng ilipat!
Kriselda: at bakit naman?! Para makasama mo mga barkada mo?! Tumigil ka Kristel baka masampal kita
Kristel: Ansama mong ina!-
*Sinampal si Kristel*
Kriselda: wala ka talagang utang na loob! Gumaya ka sa kapatid mo! Ambait bait, masunurin hindi kagaya mo, sakit sa ulo! Mag-uusap tayo sa bahay kasama ng tatay mo!
*Umiyak paalis si kristel*
Kriselda: Bumalik ka dito bata ka! San ka pupunta!!
-Transition out-
Kristel(voice over): 'Marianne, Marianne, Marianne!' Lagi nalang siya!
Kristel: (in the middle of her sobs) Pano naman ako...