*Carlito walks in all gloomy and tired*
*Kristel walks in a room and slams the door
Kriselda: Di, saan ka galing at mukhang pagod na pagod ka.
Carlito: Ah wala mi, galing lang ng trabaho. Medyo maraming gawain eh. Pakiabot nga ng towel. Ang init naman dito.
*Binigyan ng towel*
*Kriselda tinaas kilay and cross arms*
Kriselda: Ahh, kaya pala may sabi-sabi dito na nakita kang may kasamang babae?
Carlito: Anong chismis na naman yan Mi, pwede ba!? Pagod ako ngayon Mi, 'wag ngayon. 'Di ba halatang stress ako ngayon?
Kriselda: Wala pa nga akong sinasabi, tamang hinala ka ha.
Carlito: Huh? * Tinaas kilay * So ano ang gusto mong iparating? Na may iba akong babae?
Kriselda: Hindi. May nakakita lang kasi na pumasok kayo sa mamahalin na resto/bahay diyan sa kanto.
Carlito: So sinasabi mo nga na may kabit ako?
*Napataas ang kilay*
Carlito: (whisper) tanginang buhay toh
Kriselda: AY GANON? ANO BA ANG MAIISIP KO KUNG PINAGBUKSAN MO NG PINTO ANG ISANG BABAE SA ISANG MAMAHALING RESTO? MAGKAIBIGAN? GANON? BAT SA RESTO MO LANG SIYA DINALA, DAPAT DUMIRETSO NALANG KAYO SA HOTEL!
Carlito: WALA NGA YUN! HUWAG KANA MANGIALAM, WALA AKONG GINAGAWANG MALI KUNG ALAM MO LAN—
Kriselda: ANO?! ANO?! *Dinuro sa dibdib si Carlito* SABIHIN MO CARLITO!! NAGMUMUKHA AKONG MANGMANG DITO EH!
Carlito: Wala.
Kriselda: TANGINA KA PALA E
Carlito: YANG BOSES MO NAKAKARINDI HINDI KANA NAHIYA SA MGA KAPITBAHAY!
Kriselda: WALA TALAGA, BABAERO KANG HAYOP KA E!
Carlito: SABING WALA NGA AKONG BABAE, ATSAKA KANINO MO NAMAN NALAMAN YAN?!
Kriselda: HINDI NA 'YON IMPORTANTE, ANG PINAG-UUSAPAN NATIN AY BAKIT KA NAGLUHOD-LUHURAN SA KABIT MO?
Carlito: N-nakita mo yon?
Kriselda: OO MALAMANG, KUNG HINDI AKO HININTO NI JULIUS AT KRISTEL, MAG IISKANDALO NA DAPAT AKO E!
Carlito: *Dinuro* IKAW WALA KANG ALAM KAYA 'WAG MOKONG PAKIALAMAN!
Kriselda: E AYAW MO E PAANO KO MALALAMAN?!
Carlito: BASTA, DI MO NA KAILANGAN ALAMIN!
Kriselda: ASAWA MO AKO PUT—
*Transition to Kristel na nasa kwarto*
*Carlito and Kriselda can be heard fighting*
*Kristel slides down the door dramatically and the cries*
*Kristel opens the door and closes it while she weeps*
Kristel: Bat ako pa
*Sobbing in tears*
Kristel: Sa lahat lahat ng tao sa mundo bat ako pa
Kristel: 'BAT AKO PA YUNG NAKAKARAAS NITO
-insert transition, Kristel's perspective at school-
Beshie 1: Mga sis! Gala tayo!
Beshie 2: Sige ba!
Kristel: Ihh gusto ko man ka-
Beshie 1 and 2: kaso mapapagalitan ka ng ina mo
Beshie 1: Alam namin teh pero sige na
Beshie 2: pramis hindi tayo mag tatagal
Kristel: sige na nga basta di tayo mag tatagal haa
Beshie 1: yaayyy! Tara may malapit na mall jan
*Nag lakad sila papunta sa sm tunasan*
-transition out, timeskip after gumala-
*Paalis na sila sa mall*
Kristel: sabi ko di tayo magtatagal ehh
Beshie 1: pero ansaya mo kanina
Beshie 2: oo nga, minsan na nga lang tayo gumala ehh
Beshie 1: true!
Kristel: Sige sasusunod gala uli tayo G ba?
Beshie 2: Sige!
Kristel: tara na uwi na tayo
Beshie 1: sige sige
-transition out, timeskip malapit sa phase ng bahay nila-
Kristel: dito nako mga sis
Beshie 1: sige beh ingat ka
*beshie 2 happily nods*
Kristel: bye na mga beh
*Kristel waves and walks away*
*As kristel walks may nakita siyang pamilyar na tao*
Kristel: Si tatay yun ahh san kaya siya pupunta.. masundan nga
*Kristel follows carlito*
-transition in malapit sa 7/11-
*Carlito met "someone" pinag buksan niya ito ng pinto*
Kristel: May babae si tayay?!?
*Habang nagmamasid si Kristel, kinaltokan siya ni Julius*
Julius: anong ginagawa mo dito bata ka
Kristel: aray! Ansakit nun ahh!
Julius: pake ko, bakit ka nga nandito
Kristel: pake mo din
Julius: sabihin mo na
Kristel: nakita ko si tatay umalis, sinundan ko nanjan sa loob ng 7/11 mukhang may kabit siya
Julius: Kristel, 'wag ka muna mag hinala malay mo may kinita lang na importanteng tao
Kristel: pero pinagbuksan ng pinto? Hoy may kamay yung babae bat nya kailangan pagbuksan ng pinto ha??
Julius: kahit na
Kristel: makauwi na nga
*Pinigilan ni Julius si Kristel*
Julius: 'wag mo nunang sabihin ito sa nanay mo baka magkagulo sila jan
Kristel: hmm sige, aalis na'ko
Julius: mag-ingat ka bata andaming loko-loko pa naman jan
Kristel: alam ko, kasama kana dun
*Julius laughs*
-Transition out-
*Kristel sobbing*
..
.
.