*Kristel snaps back to reality*
*Marianne takes her shoes off*
Marianne: Nagaaway po ba kayo, Mi?
*Tumigil si Kriselda mid-sentence and pahampas na si Carlito*
Kriselda: Ah, hindi, anak, wala ‘to. Hindi kasi naghugas ang Dadi mo.
Carlito: Oo, ‘nak, kakagaling ko lang kasi sa trabaho e, pahinga ka na. May meryenda riyan luto ng Mami mo.
Kriselda: ‘Nak, ito oh kain ka na.
Marianne: Ah, may narinig po kasi akong sigaw e.
Carlito: Wala ‘yon, ‘nak. Labas muna ako, maglalakad-lakad lang.
Marianne: Sige, ingat po, Dadi.
Kriselda: Oo, ingat. Subukan mong tumingin sa iba— may tenga ako kahit saan ka magpunta.
Carlito: (Sarcastically) Ah, ‘di naman halata.
*Lumabas si Kristel sa kwarto*
Marianne: Oh, Ate, kain na po tayo.
*Kristel snobs Marianne*
Kriselda: Hayaan mo na muna ate mo, baka may pinagdadaanan lang sila ng barkada niya. Alam mo yun, F.O F.O na yan
Marianne: Ah, okay po, kain po tayo, Ma.
Kriselda: Masarap ba nak?
Marianne: Syempre!
*Kristel looks at them with jealousy*
Kriselda: Oh, ano pang iniintay mo dyan, Kristel? Magsaing ka na at kakain na tayo maya-maya.
Marianne: Ay, ako na po.
Kristel: ‘Wag ka na makialam, ako na.
Kriselda: Ayusin mo tono mo, ha?
*Siniringan ni Kristel si Kriselda na mas lalong kinagalit ni Kriselda*
Marianne: Ah, sige sige, pahinga na lang po ako.
Kristel: Eto na.
*Sabay siring uli*
*Timeskip, a few hours later*
*Nasa hapag*
Kriselda: Anong oras na ah? Nasaan na kaya ‘yong Dadi mo na ‘yon? ‘Yong kuya mo rin wala pa hanggang ngayon.
Marianne: Oo nga po e. Ilang oras na rin po siyang wala.
Kristel: Malay, baka na—
*Kriselda sinamaan ng tingin si Kristel*
Kristel: Baka naligaw lang hehe.
*Kriselda nagsmile kay Marianne*
Kriselda: Tara, kain na tayo, anak.
*Kristel mocks it*
Kriselda: Ano bang problema mo?
*Dumating si Carlito na lasing*
Carlito: Hoy, tang— Mi, napasobra ako ng inom haha. May birthday-an kasi akong nadaanan e hahahaha.
Kriselda: Oo na, kumain ka na rito.
*Carlito trips and falls*
Kriselda: Kristel, tulungan mo nga ‘yong Dadi mo.
*Kristel looking annoyed helped her Dad and said*
Kristel: (whisper) Sa’kin na naman napupunta galit ng asawa mo, galing mo kasing ama e.
Carlito: ABA, BASTOS KANG BATA KA AH?!
*Akmang sasapakin si Kristel ni Carlito ngunit napigilan ito ng panganay*
..
.
.
.