This is a work of fiction
#Ladyinredtop
"Aray Miss!nang-aapak ka e!"
"Ay sorry naman,hindi ko naman kasalanan na may sa kapre ang mga paa mo no?"sagot ko.
"Naghahanap ka ba ng away ha?"
Hindi ko na siya pinansin dahil bigla nalang nagtilian ang mga babae.
"Xander!!!!ahhhhhh!!"
"My gad!I love you!"
"Mahal na mahal kita!"
"Marry me bebe boy!"
"Pwede na akong mamatay!!!"
"Oh kamatayan sunduin mo na yung sumigaw at ng mabawasan naman yung mga karibal ko."Bulong ko sa sarili.
Nasa meeting de'avance ako,at syempre present ako at isa sa mga nagsisiksikan dahil crush na crush ko yung tatakbong congressman dito sa magandang town ng Las Solares sa Norte.
Nang matapat sa gawi ko si Xander ay nawala na rin ako sa katinuan. Yung tili ko, feeling ko maooperahan ako sa lalamunan bukas sa sobrang lakas.
Kinapalan ko pa naman ang blush on ko at ang lipstick ko,mapansin niya lang ako. Nagsuot na rin ako ng push up bra para kahit papaano ma scam ko naman siyang may ipagmamalaki din naman 'tong B1 at B2 ko.
Lumingon siya sa direksyon ko.
Natapat ko ang kanang palad sa aking dibdib.
Shit!mahihimatay ako!oh catch me I am falling for you!
Ganern!*
Pero wala,napunta na sa iba ang kanyang magagandang mga mata at hindi na ako napansin.
"Excuse me!excuse me!padaan!"
Sumiksik talaga ako sa gitna para masundan si Xander na nagtungo na sa kabilang bahagi ng stage.
Okay lang maging sardinas,mapansin lang ako ng aking mansanas!sar!!!
May natamaan na ako sa batok,sa ulo, dahil sa dala-dala kong placard.
"Ano ba?!dahandahan naman Miss!"
"Kasalanan ko ba kung malaki yang ulo mo!" Angil ko.
"Aba'y--"
May bigla nalang humila sa buhok ko.
Syempre hindi papatalo ang disney princess niyo girl!aba'y sinabunutan ko na rin.
Ayun!ang meeting de avance ay naging sabong.
May sumigaw na ng sa pula sa puti.
Ako yung nakapula at yung kalaban ko ang nakaputi. Manok lang?
"Feeling mo!hindi ka naman mapapansin ni Xander!"sigaw ng babae sa aking hawakhawak pa rin ang aking buhok.
Mas lalo akong sinapian ng inis kaya halos kalbuhin ko na siya.
"Tama na yan!"
"Bitaw na!"
Awat ng mga bodyguard ni Xander.
Sa wakas ay nabuwag din kaming dalawa ng babae, yun lang nakakahiya dahil nasa harapan na namin si Xander at mukha hindi nagustuhan ang eksena namin ng babae,seryoso kasi ang mukha niya girl,nakaka inlove!
"Kung manggugulo lang kayo dito,pwede na kayong umalis."Seryosong saad niya.
Nasaktan ang heart ko, dahil parang pinapaalis niya ako,este kami.
Gigil kong pinagdikit ang ngipin at sinamaan ng tingin ang babae. Eto kasi e!sarap kalbuhin!
"Trisha?right?"baling ni Xander sa kasabunutan ko.
"Yes Sir."Sagot ng babaeng nakasabunutan ko.
"You stay,ikaw Miss,umalis ka na."taboy na naman ni Xander sa akin.
Napanganga ako.Strike 2 ka na ah! Mas pinipili niya ang mukhang pusit na'to kaysa kagandahan ko?
Feeling ko mapapakanta ako ng kanta ni Juan Karlos na..."NAKAKA------P-----I....ugh!"
Kainis kung hindi lang ako---ugh!bwisit!
Aalis na sana ako ng maalala ko ang placard ko.
Pinulot ko yun at lumapit kay Xander.
Nagtaka siya ng abutan ko siya ng pentel pen.
"Excuse me?"he is confused.
Suminghot ako at inayos ang nagulong buhok.
Inalok ko na naman sa kanya ang pentel pen.
"What's that for?"
"Pa autograph."sabi ko.
"Seriously?"
"Oo nga!pinapaalis mo na ako di ba?pa autograph nalang muna,sign ka lang dito sa placard na dala ko."Sabi ko.
Napakamot si Xander sa gilid ng noo.
Kinuha ko ang kanang kamay niya sabay bigay ng pentel pen.
Naguguluhan naman siyang pinirmahan ang placard ko na may mukha niya at mukha ko,syempre couple kami,hindi niya lang alam.
Tapos na siyang pirmahan yun kaya kinuha ko na.
"You belong with me."Sabi ko sabay talikod.
"What?"
Humarap ako sa kanya.
"Kanta ni Taylor Swift yun,di mo alam?k bye!"
Ang sama-sama ng loob ko pero dahil marupok ako,ngumiti din ako pagkatapos at kinikilig na hinalikan ang signature niya sa placard ko.
Bago ako sumakay sa motor ko ay para muna akong loka-lokang sumasayaw habang kinakanta ang...
If you could see that I'm the one
Who understands you
Been here all along
So, why can't you see?
You belong with me
You belong with meAng saya ko,kahit parang isumpa na niya ako kanina,napansin niya pa rin ako!effective talaga tong binili kong red top sa ukay-ukay,sa halagang bente peses.Rawr!
Niyakap ko ulit ang placard ko, sabay tili ng "eeeeebeeeceedeeeloveyouXander!"
Kiss!kiss!kiss!
Lasang pilot ink pero never mind. Kiss!kiss!kiss!
--- Xander---
I am sitting inside the van while staring at the girl, wearing red strap top and short. She's obviously having fun while dancing beside a pink scooter.
"James do you know her?"
James glanced at the direction where I am looking at right now.
"Hindi sir.Bakit?"
"Hm..nothing.Let's go."I replied.
Napadaan ang van namin sa tapat ng babae,she is kissing my signature in the placard.
Pinipigilan ko ang sariling mapangiti.
"Wait,slowdown..James and press the horn."
James did and I saw her startled and dropped the placard.
Her eyes are wide,looking so annoyed while staring in our car and I just shook my head and...............................smiled.
YOU ARE READING
Beautiful Disaster
RomanceYou belong with me! I'm yours! Akin ka! You're mine! Nasabi ko na'to lahat sa kanya,sa lalaking pinapangarap ko at sinumpa ko sa harap ng mga nuno sa punso na siyang lalaking pakakasalan ko at magiging ama ng aking mga supling!ganern!Yun lang,hangg...