#Dilim
Nag angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto.
"And who are you?"nakataas ang kilay na tanong babae.Nakakaloko siyang ngumiti."What is wrong with your face?"
Pinahid ko ang mga luha,alam kong nagmukha na akong ewan sa nagkalat na mascara sa ilalim ng aking mga mata.
Umalis ang babae dahilan para maiwan kaming dalawa ni Xander sa loob ng opisina.
"The photocopies?"
Nag angat ako ng tingin.
Nagsalubong ang kanyang kilay.
Dahil ang sama ng tingin ko sa kanya."What's with that reaction?!"
Nagsasalpukan ang ipin ko sa sobrang pagpipigil ng inis.
Binaba ko sa table niya ang mga papel niya.
"May ipag uutos pa po ba kayo Sir?"
Salubong pa rin ang kilay niyang nakatingin sa akin.
"Galit ka ba?"
Oo!
Gusto kong isigaw yun sa gwapo niyang pagmumukha.
"Hindi sir."
Halatang hindi siya kumbinsido.
Sa sama ng loob ko ay tinalikuran ko siya.
Dahandahan akong naglakad papunta sa pinto,expecting na susundan niya ako at hihigitin sa braso at tatanungin na,what's wrong babe?ganern!
Pero abay nakalabas nalang ako hindi pa rin siya sumunod.
Feeling ka din kasi Noah,ayan tuloy,nganga!
Bumaba ako at tumambay na naman sa hagdan.
Kahit gusto ko siya,i know my place pa rin naman at dito yun,sa gilid ng hagdan katabi ng bukas saradong elevator.
Namumugto na ang mga mata ko,ang kagandahan ko kaninang umaga ay parang araw na papalubog na ngayon,palubog na rin ang beauty ko,at nagbabadya na ng kadiliman ang puso ko sa sobrang sakit ng nakita ko kanina.
Hindi na niya ako tinawag muli,nagsialisan na nga ang mga empleyadu niya at ako nalang itong parang tangang naghihintay sa kanya.
"Maam?baka matatagalan pa si Sir Xander,minsan kasi nag o overtime siya dito sa opisina."
"Ganun po ba?hmm,hindi okay lang,hihintayin ko pa rin siya,sanay naman akong maghintay kuya."
Nagkamot nalang ito sa batok.
Buti na nga lang at may couch sa reception area at makakaupo pa ako dun habang hinihintay siya.
Binuklat buklat ko ang magazine na naroon,pati halaman sa gilid kinausap ko na para malibang ako pero hindi pa rin bumababa si Xander.
Nakaramdan na ako ng antok.
Iidlip na muna ako saglit.
At yun nga tuluyan na akong dinalaw ng antok.
...
...
....
Naghikab ako at nagpahid pa ng laway sa gilid ng labi ng magising.
"Manong guard?si Xander po?"Ang bigat pa ng talukap ng mga mata ko habang kausap ang nakatayong guard.
"Nako Maam,umuwi na po."
"Umuwi?!ha?!kelan pa?!"
"Kanina pa po."
"Bakit di mo ako ginising?!"
YOU ARE READING
Beautiful Disaster
RomanceYou belong with me! I'm yours! Akin ka! You're mine! Nasabi ko na'to lahat sa kanya,sa lalaking pinapangarap ko at sinumpa ko sa harap ng mga nuno sa punso na siyang lalaking pakakasalan ko at magiging ama ng aking mga supling!ganern!Yun lang,hangg...