Prologue

11 1 0
                                    


KAHIT ANO PARA SAYO

PROLOGUE

"Ano bang dapat kong gawin?" naiiyak na tanong ni Aries, gulong gulo ang isip sa mga nangyari. Humagulhol na naman ito sa harap ng kaibigan na galit na galit.

"Edi ipakulong mo! Hindi ba't dapat noong una palang ay iniwan mo na yang asawa mo!" inis na wika nito at inabutan ng tubig ang kaibigan. Lagi nalang silang ganito. Hindi na tumigil sa panloloko ang lalakeng iyon.

"Paano naman si Abby? Masasaktan ang anak ko.." iyak neto

Napabuntong hininga si Maddie. "Ang kapal ng asawa mo. Sa loob ng 13 years, wala na siyang ibang ginawa kundi ang lokohin ka. Napaka martyr mo talaga eh. Kaya ka nagagawang lokohin niyan kasi lagi mong pinapatawad! Kung ako pa sayo, ipakulong mo. Total marami ka namang ebidensya diba?"

Hindi nakasagot si Aries, tanging iyak lang ang maririnig mula rito. Payat na payat na ito, stress at walang gana sa lahat dahil sa mga nangyare. Nakakaawa. Napaluha siya dahil nasasaktan rin siya para sa kaibigan, ang nag-iisang bestfriend niya simula noong elementary.

"Lahat ginawa ko naman eh. Ginive-up ko na nga ang future ko para sa kanila ng anak ko. Pero hindi parin ako sapat."

"Ang sarap patayin niyang asawa mo eh. Turuan mo ng leksyon!"

"Paano?"

"Ipakulong mo, pero kung ayaw mo naman iwan mo nalang. Dito ka nalang muna sakin, kayo ni Abby. Tinatanong pa ba yan, Ar? Kawawa ka eh. Wala siyang respeto sayo. Pati yang mga babae niya, kunbg pwede lang ay mamatay silang lahat para wala ka nang kahati."

"Maddie, I'm sorry. Lagi nalang kitang ginugulo.."

"Kapatid na ang turing ko sayo.. Hindi kita pwedeng iwan nalang sa ere, lalaban tayo Aries..."

"Kailangang may gawin ako.." napatayo si Aries nang sabihin iyon at tinignan si maddie. "May karapatan ako at gagawin ko ang lahat mabuo lang ang pamilya ko.."

~~

Xhein Gloria 

KAHIT ANO PARA SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon