Chapter 2
Hades' Pov~
Napangisi ako nang makita siyang pumasok. Mukhang may live show na magaganap maya-maya ah. Sinundan ko siya ng tingin. Maganda naman pala siya kapag nakaayos. Mukang maiinis ang isa pag makita siya.
Tinignan ko sila. Napangisi ako nang makitang naiinis si Sabrina. Hindi matanggap na mas maganda pala ang original kaysa sa kanya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa likod ni Aries, ang ganda ng suot niya ngayon. Ang layo layo ng itsura nito kahapon sa ngayon. Yan ang gusto ko, palaban.
Lalapit na sana ako sa kanya pero naunahan ako ng asawa niyang walang kwenta at hinila na siya palayo kaya kumuha na lang muna ako ng isang basong wine at uminom.
Napasarap ang inom ko at muntikan ko nang makalimutan ang ipinunta ko dito. Inayos ko ang videocam na maliit na nakatago sa suit ko at napatingin sa table nila Aries pero wala siya roon. Hinanap ko rin si Sab pero wala rin kaya lumabas na ako. Nasa may elevator na ako nang makatanggap ng tawag ni Aries.
Tama ang hinala ko.
Dali dali akong pumasok sa elevator.
Tinawagan ko yong naka-assign sa cctv, isang kasamahan ko. "Sa rooftop, bilisan mo!" ani Dante. Hindi lang naman kasi ito ang ipinunta ko dito, pero sa ngayon uunahin ko muna to. "Tinawagan mo sana kagad ako!" sigaw ko sa kabilang linya at pinatay na ito nang makarating na ako dito sa rooftop.
ROOFTOP
"Sab!!" tumakbo na ako nang makitang tinutulak na niya si Aries para mahulog ito. Dali-dali kong hinila si Sab at itinulak ito pero hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya. Nasaksak niya ako sa likod. Napapikit ako sa sakit.
"Sir... sir, I'm sorry.." iyak ni Aries.
Nang ibukas ko ang mga mata ko napatitig ako sa mukha ni Aries na umiiyak at kinuha ang basag na bote na nakabaon sa likod ko.
"Okay lang ako.. Halikana.." kahit masakit ay malayo naman ito sa bituka kaya hinawakan ko ang kamay niyang nanginginig pa sa takot. Ang importante ngayon ay nailigtas ko siya.
"What are you doing, Hades?" ani sab na hindi makapaniwala sa ginawa ko.
"Sinasagad mo'ko. Sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas sa ginawa mo." galit na galit ako nang sabihin ko yon. Bago pa kami nakaalis ay narinig ko ang malakas na pag iyak niya.
"Wag ka na ngang umiyak. Naririndi na ako." inis na sabi ko kay Aries dahil hanggang dito sa garahe ay walang tigil ang pag iyak niya. Hinila ko na siya papunta sa sasakyan ko nang may dumating. Ang asawa niyang walang kwenta!
"San ka pupunta, Aries?" tanong neto. Isa pa to eh.
"Iuuwi ko siya." sagot ko. Lalapit sana siya pero hinila ko si Aries at itinulak sa loob ng sasakyan.
"Asawa ko siya, palabasin mo siya!" sigaw ng mokong pero nginisihan ko lang siya
"Wala kang karapatan maging asawa, hind mo nga kayang ipagtanggol eh. Hinahayaan mo lang saktan siya ng kabet mo. Sa ngayon, ,mas may karapatan ako sa kanya.."
At pumasok narin ako sa loob ng sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag at napapikit sa sakit ng likod ko. Napamulat ako nang makarinig ako nang napupunit. Nanlaki mata ko nang punitin niya ang dress niya sa may bandang ibaba kaya mas lalong kita na ngayon ang legs niya.
"Ang daming dugo..." naiiyak niyang sabi. "Pumunta na tayo sa ospital. Kasalanan ko to eh.." at yong pinunit niya ay idiniin niya sa sugat ko. "Please umalis na tayo...Kailangan mong magamot.."