Hades' Pov~
Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama. Di pa natapos yong movie ay nakatulog na siya. Naghubad lang ako ng t-shirt at humiga narin. Kakahiga ko lang ay nag ring ang phone ko. Inabot ko eto at sinagot ang tawag. Si Dante.
"Hades, natunton na namin yong hide-out ni Mayor. Bilisan mo dyan at pupuntahan natin. Kompleto sila doon. Malaking pera to kaya wag mong palampasin.." sabi niya kaya napatayo ako at dali daling nagbihis. Tinignan ko si Aries, nilapitan ko siya at inilapit ang mukha ko sa kanya. Gusto ko sana siyang halikan pero nagising siya.
"Hades? Bakit?" iniwas ko ang mga mata sa kanya at umayos ng tayo. Bumangon narin siya at napatingin saken. "San ka pupunta?"
"May importante akong lakad, emergency.." kinuha ko na ang baril ko sa cabinet nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Anong gagawin mo?" may takot sa mga mata niya.
"Matulog ka'na.. Babalik din ako pagkatapos na pagkatapos." Napatingin siya sa baril na hawak ko. Kaya itinago ko na ito sa tagiliran at nagsuot ng jacket.
"Mag-iingat ka. Hihintayin kita.." sabi niya kaya kinuha ko ang kamay niya at inilapat sa pisngi ko. "Hades, isasama kita lagi sa dasal ko.."
"Salamat.."
~~
"Ang lalim naman ng iniisip mo.." ani Dante habang nagda-drive. Papunta na kami sa location. Napabuntong hininga ako.
"Ngayon lang ako nakaramdam ng takot.." sabi ko at tinignan ang wallpaper sa phone ko. Dati naman kahit saang laban ay wala akong nararamdaman na kahit ano.
"Dahil ba kay Aries?"
Tinignan ko lang siya. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako ngayon na baka may mangyari sakin at hindi ko na siya makikita pa. Hindi ko gusto ang pakiramdam na to.
"Alam kong naaawa ka lang sa babaeng yon at gusto mo lang siyang protektahan.. Kung ako sayo, layuan mo na siya habang hindi pa nahuhulog ang damdamin mo sa kanya. Mahirap na. Baka mas lalong hindi kana makalabas.."
"Ang nasa isip ko lang ngayon, kailangan kong makauwi na buong buo."
~~
Aries' Pov~
Maaga akong nagising kanina pero wala pa si Hades kaya naman pinagluto ko na siya ng pagkain at nag-iwan ng notes sa mesa.