Chapter 3

4 1 0
                                    

Aries' Pov~ 

Nabigla ako nang kunin niya ang kamay ko at idinikit ang palad ko sa pisngi niya. "Iparamdam mo lang sakin na nadyan ka, kahit konting oras lang, kahit saglit lang.. Gusto ko ring maranasan lahat ng ginawa mo sa kanya.."

Hindi ako nakapaniwala sa mga narinig. Bakit niya nasasabi lahat ng to? Bakit saken? Bakit hindi sa ibang babae? Gusto ba niyang maging kabet rin? Gusto niyang gawin ko rin ang ginagawa ng asawa ko saken. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa pisngi niya.

"Pulis ka, Hades. Alam mo kung anong tama at mali. Bakit hindi nalang sa ibang babae? Gusto mo ba akong paglaruan? Babayaran kita kahit magkano huwag lang to."

"Tama at mali? Bakit hindi mo sabihin yan sa ex husband mo?"

"Aalis na ako... Salamat."

Pipihitin ko na sana ang door knob nang hawakan niya ang kamay ko. "Ako lang ang may kayang paghiwalayin ang ex husband mo at si sabrina. Kung gusto mong mabuo ang pamilya mo, hindi mo tatanggihan lahat ng gusto ko. Isipin mo si Sabby.."

Napabuntong hininga ako. Seryoso talaga siya.

"Gusto kong malaman kung bakit? Bakit sakin? Maraming babae dyan na walang asawa.." 

"Aries, bakit ko pa sasabihin ang rason ko? Sagutin mo nalang ako. Gusto mo ba o ayaw?" Kinuha niya muli ang kamay ko at hinawakan eto. Mukang di naman siya nagbibiro pero alam kong gusto niya lang maglaro.

"Sige, sasabayan kita sa laro mo... Basta, yong premyo ko ibigay mo." sabi ko pero nginisihan niya lang ako.

"Anong laro? Hindi ako nakikipaglaro sa ganitong sitwasyon, buong buo ang ibabayad ko basta buo rin ang matatanggap ko mula sayo. Buong ikaw."

Alam kong maling mali pero naniniwala ako sa kanya na mabubuo parin ang pamilya ko sa tulong niya. BAHALA NA. Pinihit ko na ang doorknob at binuksan ang pinto.

"Wala ng bawian Aries. Kapag binawi mo, buhay ng asawa mo ang kapalit." nanindig ang balahibo ko sa narinig at tinignan siyang seryoso parin ang mukha sa sinabi niya. "Kukunin ko lang ang sandals mo. Bibisitahin kita mamaya sa bahay mo."

Napalunok ako. Ano ba itong pinasok ko? 



~~ 

~~ 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



7PM 

Aalis sana ako pero dumating si Hades. Akala ko ay binibiro lang niya ako kanina pero eto siya sa harapan ko. Seryoso ang mukha. Inabot niya saken ang maliit na notebook. 

"Nandyan na lahat ng gagawin mo para saken kapalit ng asawa mo. Lahat ng gusto kong pagkain, schedule ko, oras mo, lahat lahat." Pumasok siya at hinubad ang jacket niya at inabot saken. "Sayo narin to.." 

"Talaga bang kaya mong pabalikin ang asawa ko?"

Tinitigan niya ako ng ilang segundo sa mga mata bago siya nagsalita uli.

KAHIT ANO PARA SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon