MY MOON AND HIS MIX SIGNALS

7 0 0
                                    


Kumakain ang magbarkada sa cafeteria dahil lunch break, parang masasanay na sila na nandyan si Dianne. Hindi naman nila pwedeng hindi ito sabayin dahil girlfriend ito nang kaibigan nila. 

 " Nica later pala sabay tayo ahh" anyaya ni Jeremy.

"Ohh..myy..goddd.. ano to? anong chika?? halaaaa may something ba?" biro ni Sam

" Shungaaa, magka club diba kami? may meeting mamaya" paliwanag ni Jeremy.

Nagtawanan ang lahat. 

" Mukhang apaka busy mo Mikky ahh" puna ni VInz

" Oo, kelangan ko na to e present sa groups mates namin, tapos mamaya may mga bago pa kaming kasama sa reading club" sagot ng dalaga. " Kelangan pa silang e welcome" dagdag nito.

Habang kumakain ang lahat..

" This is for you" wika nang isang lalaki, tumngin ang lahat, si Dylan ito ang naka bangga na school mate ni Mikky last time. Naka- nganga si Mikky dahil nagulat ang dalaga.

" Ahhh.. tha...thank you, pero no need na Dyy.. dylan" tanggi nang dalaga habang akmang ibabalik ang Yougart kay Dylan, sinalubong niya ang kamay nang dalaga at hinawakan niya ito kasama ang yougart.

" I insist, and pambawi yan last time" sagot nang binata. Napilitan nalang mag smile si Mikky.

" I have to go, see you later then" paalam nang binata sabay alis.

" See youu lattuuurrr? meganun?" takang tanong ni Sam.

" Di ko alam, nagulat din naman ako" 

Naka tingin si Ryzen sa Yougart na hawak ni Mikky.


F L A S H B A C K 

Busy ang lahat dahil end na nang Foundation Day nila, lalo na si Mikky dahil president ito nang Student Organization nila.

" Sam, I need to go sa Office nang Org, may payong kaba jan?" tanong ni Mikky kay Sam.

" Naku hiniram ni Vinz at Jeremy, bibili ata nang food sa cafeteria" 

" I really need to go there, tatakbo nalang ako" sabi ni Mikky

" Ha?? waiiitt... malaka....." naputol na salita ni Sam nang bigla ngang tumakbo sa ulan si Mikky.

Basang-basa si Mikky sa Org room nang makarating sya, pinpunasan niya ang mukha habang may hinahanap ito. Samantalang dumating na si Vinz at Jeremy sa classroom nila.

" Si Mikky ready natong cup noodles natin lahat" wika ni Jeremy 

" Ayunn tumakbo nagpabasa sa ulan andun sa Org Room, hindi na nakapag-antay sa inyu at may importanting gagawin ata" sagot ni Nica.

" Sino??" biglang wika ni Ryzen na kadadating lang din. Naka jacket ito at medyo mabasa-basa din sa ulan.

" Si Michaela pre, andun sa Org room napakalas naman nang ulan tumakbo, iba talaga si Mikky daig mo pa ang presidenti nang pilipinas" sagot ni Jeremy. " Kumain muna tayo nang cup noodles lalaminig na ito promise, sunduin nalang natin pagkatapos si Mikky doon" dagdag nang binata.

Habang kumakain sila ay palakas nang palakas ang ulan sinabayan ito nang malakas na hangin.Sa org room naman ay paikot-ikot pa din si Mikky at hinahanap pa din ang bagay na hinahanap nito, nang biglang tumumba ang malaking puno at nawalan ang kuryente.

" My god" tanging nasambit ni Mikky, napakalas nang hangin at ulan sa labas, napaka dilim nang paligid at nang akmang kukunit ni Mikky ang kanyang phone sa bulsa nito ay wala pala ito dito, naalala niya naka charge pala ito sa classroom nila.

SA CLASSROOM NILA

" Mga kuyss ang dilim swear, si Mikky doon?" alalang wika ni Nica

" Wait tatawagan ko sya" sagot ni Vinz, tinawagan si Mikky.

" Andito yung phone niya" Wika ni Ryzen, biglang kumulog at kumidlat.

" Ohh my god!" tili ni Sam and Nica. Panay ang tingin ni Ryzen sa labas, kahit pa gagamit sya nang payong ay siguradong masisira lang ito sa lakas nang hangin.


SA ORG ROOM

Nagtatakot na si Mikky dahil sa lakas nang kulog at kidlat, may trauma si Mikky dito dahil nung bata pa sya ay naiwan na din sya sa bahay nila na umuulan at kumukulog. Pumunta sa sulok si Mikky at umupo at tinakpan ang tenga, umiiyak.

SA CLASSROOM NILA

Alalang alala na sila dahil sinabihan sila nang teacher nila sa GC na wag munang lumabas sa mga classroom. Panay ang tingin pa rin ni Ryzen sa labas alalang alala ito, bigla itong tumayo at kumuha nang payong at tumakbo palabas.

" Ryzeeeeeennn!" sigaw ni Nica

" Let him" tanging nasabi ni Jeremy.

Habang tumatakbo si Ryzen sa labas ay pilit na ini-ihip nang hangin ang payong na dala niya ngunit hindi niya ito ini-inda dahil gustong -gusto na niyang maka abot sa Org Room nila.

" Mikky! Mikky!" Tawag ni Ryzen, lumibot ito, ginamit niya ang flashlight nang phone niya." Mikky, Mikky"

Hinanap niya si Mikky pumunta siya sa isang sulok at nakita niyang naka upo si Mikky, umiiyak naka upo.

" Mikkk.." lumapit sya sa dalaga at hinila niya ang kamay nito at niyakap.

Mahigpit ang mga yakap nito sa dalaga at panay padin ang pag iyak ni Mikky.

" Andito na ako, tahan na" wika nang binata, kumalma naman si Mikky at nang makita niya dahil sa aninag nang liwanag kung sino ang yumayakap sa kanya ay bigla itong pumiglas sa pagkaka yakap.

" Okay ka lang?" tanong nang binata, tumango lang ang dalaga, tumabi si Ryzen sa kanya.

" Patatahanin lang natin ang ulan" sambit nang binata, hinubad nito ang leather jacket niya at inilagay sa dalaga. 


END OF FLASHBACK

Habang nag di-discuss si Mikky sa members nang reading organization ay may ipinasang papel ang kasamahan nila at iyon ay ang bagong myembro nang club nila. Binasa ito ni Mikky.

" So we welcome Mr. Dylan Gomez to the reading club" nagpalakpakan ang lahat at tumayo si Dylan.

" Thank you, I am happy to be here! Thank you for welcoming me" sagot naman nang binata.

( Dito pa talaga sya nag sign-up, nakakahiya)

Patuloy si Nikki sa pag babasa nang mga bagong members at ikinanagalak niyang madami silang bagong member dito.

" Thank you for choosing Reading Club, I know that you never find reading as a boring hobby because you signed up here right?" pabirong wika ni Mikky, nagtawanan ang lahat.

" Count us in!" sigaw nang isang lalaki, nang tumingin si Mikky sa may pinto is si Ryzen ito at Dianne.

" O..of..ofcourse" tanging sagot ni Mikky.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon