Busy ang si Mikky pag dating sa bahay nila, nakakabatang kapatid ito at ang mga ibang kapatid din nya ay may sarili nang pamilya. Katuwang ito nang Papa niya sa pag aalaga nang mama niya. Alas onse na nag gabie ngunit yan palang ang umpisa ni Mikky sa pag aaral at pag gawa nang mga homeworks. Kahit na napaka busy nito ay gumagawa pa din ito nang paraan para maka pag-aral nang mabuti.
KINA- UMAGAHAN
Naglalakad si Mikky patungo sa classroom nila nang may tumawag sa kanya napalingon ito sa likuran niya, ang boung barkada kasama si Dianne, huminto ito.
" Sammm!" tawag nito
" Huyy anong nangyari sa eyebugs mo te? walang pipino sa inyu?" pabiro ni Sam
" Busy lang sa bahay at sa mga homeworks kagabi"
" Naku, rest rest din apaka payat mo na ahh" tumawa lang ang dalaga at nagpatuloy sila sa paglalakad, magkatabi si Dianne at Ryzen.
" Ahhh, Mikky si... si Adrian nang hihingi nang number mo ngayon bigyan ko ba?" biglang sambit ni Vinz habang naka tanaw sa phone nito.
" ano daw kelangan niya?
" Sa fundraiser daw para sa school event next week" sagot ni Vinz. Sinabihan naman nang dalaga na ibigay ang number niya.
Tumunog naman din agad ang phone ni Mikky.
" Execuu...." biglang natumba si Mikky nang maka bangga nito ang isang lalaking mag- aaral.
Nagulat ang lahat, nagmamadaling tumungo si Ryzen kay Mikky pero naunahan ito ni Jeremy.
Nakahawak pa si Ryzen sa kamay ni Mikky pero naitayo na sya ni Jeremy.
Tumingin si Ryzen sa kanya. " Oookay ka lang?" tanong nito, mahiya hiya namang sagutin ni Mikky si Ryzen.
"ooo, ookeeeyy langg" sagot nito. Pero nabaling ang attention nila nang biglang.
" Im so sorrryy Miss" wika nang nakabangga kay Mikky. Lumingon lahat sa lalaki. Maputi ito, gwapo, matangos ang ilong mukhang transferee.
" Ookaay lang" sagot nang dalaga
" Nasugatan ka ba?" balik na tanong nito,
" Hindi naman, Jee..Jeremy thank you"
" Sus wala yun, watch your step next time"
" Dylan, Dylan Gomez.." pakilala nang binata, napatingin naman sa mga kaibigan ang dalaga at nang kay Ryzen na sya nakatingin ay parang iba ang ang tingin nito sa binatang nagpakilala, dali-dali niyang inibaling ang atensyon niya sa pabalik kay Dylan.
"Michaela, Mikky" sagot nito.
"Nice meeting you, see you around" sagot ng binata sabay alis.
"Huyyy infairness ang gwapo niya haaaa..." tili ni Sam
"Mas gwapo pa sa amin? ganun?" tanong ni Vinz
" Asa kayo! Joke syempre mas gwapo kayong tatlo noh! Huyy Mikky, nagpakilala talaga sayo noh? sayo lang talaga din!" wika ni Sam
" Kulilat ang peg mo Sam" Kantyaw ni Jeremy, nag tawanan ang lahat.
Patuloy sila sa paglalakad.
"Cellphone mo" sambit ni Ryzen kay Mikky sabay bigay sa phone nito, sabay alis
" Than.. thank youu" tanging nasagot nang dalaga.
2 YEARS AGO...
" Ohhh dito na kayo sa dating booth, P10 pesos lang per name nang gusto niyong e blind date" sigaw ni Sam.
Founding Anniversary nang School nila at lahat nang mga clubs ay mayroong mga fund raising event.
BINABASA MO ANG
Love Left Behind
RomancePipigilan, itatago at kakalimutan, mga bagay na kelangan na gawin ni Mikky. Madami pang dapat unahin kesa sa mga bagay na alam niyang kailanman ay hinding hindi niya mararansan, Pilit na ikukulong ang damdamin sa nararamdaman. Pano sasabahin?Anong k...