Few years back...
Mabilis na tumayo ako pagkalabas ni Ma'am Tin. Wala naman kasi akong kaclose pa sa mga kaklase ko. Kaya bago pa ako maging topic at mapansin nila ay lumabas na ako ng classroom. Nagdiretso na ako sa canteen kung saan pipiling mga estudyante lang ang bumibili tuwing break. Maraming tao lang dito kapag lunch.
Pagkarating ko roon ay bumili na lang ako agad ng chocolate shake at tsaka ng cookies sa katabing booth. Nang matapos ay umupo ako sa isa sa mga upuan doon. Tahimik na nagcecellphone lang ako habang kumakain tapos maya-maya napansin kong may nakatayo na pala sa tapat ko.
"Pwede makishare?" Tanong ni... Hindi ko siya kilala pero alam ko na kaklase ko siya. Nahihiya akong tumanggi kasi ang dami-dami naman na bakanteng table kaya tumango na lang ako.
Pinanood ko siya sa pag-upo niya. May dala siyang tray kung saan may kanin at barbeque. Nang tignan ko ang mukha niya ulit nun ko lang napansin na brown yung mga mata niya. Hindi kasi pansin dahil nakasuot siya ng salamin. Tapos yung buhok pa niya medyo magulo at mahaba eh may bangs pa. Hindi naman dugyot tignan. Bagay nga sa hugis ng mukha niya. He looks cheeky but handsome.
Pero bakit muna siya magheheavy meal na? Hindi ba siya nag-almusal? Siguro napansin niyang sa pagkain niya na ako nakatitig kaya bigla siya natawa.
"Late na kasi ako kanina. Hindi na ako nakakain." Paliwanag niya bigla. Tumango na lang ako at napayuko sa hiya.
Nanahan ang katahimikan habang kumakain kami. Hindi yung tahimik na payapa pero yung nananantiya. Ang awkward tuloy. I mean, I already am pero yung sasamahan pa niya yung awkwardness ko? Pick a different role. Geez. Wala naman ako alam na sasabihin dahil hindi ko naman siya kilala nga kahit na 7 months na kaming magkaklase. Ganoon ako ka-out of place sa section namin. Sila kasi magkakaklase na elemantary pa lang. Ako ay bagong salta lang kaya hirap na makisama. Lalo pa at yung mga gusto nila ay hindi ko naman tipong gawin.
"Nagawa mo ba yung assignment kay Ma'am Lyn?" Napaigtad ako sa biglang pagsasalita niya. Narinig ko ang pag ngisi niya pero hindi ko na lang din pinansin. Tapos ay napasapok ng noo kasi anong assignment?!
"Assignment?" Nagtataka kong tanong. He must find it funny dahil bigla na naman siyang napangiti.
"Yeah? Page 86, English, Part 1 and Part 2?" Suddenly, boses ni Ma'am Lyn ang narinig ko. Bakit ko nakalimtan gawin 'yon? Sabi na after math, meron akong dapat na gagawin pa. After lunch pa naman siya.
"Mahirap ba?" Tanong ko dahil kinocompute ko na yung oras ko mamayang lunch break. Marami kasing tao niyan dito sa canteen. Lagi naman. Pwede naman kami magpabili rin sa gilid ng school pero wala namang tindang heavy meals sa tabi.
Tila nag-isip pa siya ng isasagot sa tanong ko. At ngayon ko na lang din naalalang hindi ko alam ang pangalan niya. Ang kilala ko lang kasi sa classroom yung mga bully.
"Hindi naman. Kaya mo naman matapos 'yon agad." Okay, phew. What can go wrong sa judgement niya. Kung madali lang, kaya ko 'yan mamayang lunch.
Putaenang madali 'yan. If this is easy, I think Math can be easier. Make a reaction paper with minimum of 500 words and a summary of Romeo and Juliet with a maximum of 300 words?! Tapos kailangan ko tapusin 'to in a span of 30 minutes? Geez. Hindi na ako kakain so I can make it an hour.
Kumuha na ako ng papel tsaka nagsimulang isulat ang pangalan ko sa taas sa kaliwa, sa baba naman non ang section ko. At feeling ko, iyon lang ang masusulat ko sa papel na 'to. Napabuntong hininga na lang ako.
I look around the room. Ako lang ang natira. Takte. Lahat sila kumakain tapos ako rito stuck sa assignment ko na nakalimutan kong gawin. Nihindi ko na nga matandaan ang Romeo and Juliet eh kahit nung tuesday lang 'yon diniscuss. Eh thursday pa lang ngayon.

BINABASA MO ANG
What if...?
RomanceLove is nothing without words. At least, that was in my case. I know love can be meaningless without action but it doesn't mean it'll function with just having that. It needed both the efforts and communication. I just wish I know this sooner becau...