2

4 1 0
                                    

Right when I entered the school, an unexpected thing happen. May biglang bumati sa akin.

"Gulat na gulat ka naman, Amber." Luis said when I turned around to look at him.

"Ngayon lang kasi 'yon." Tipid na ani ko. Nagtaka naman siya.

"Walang bumabati sa'yo kahit ngiti man lang?" Iling lang ang naging sagot ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita saglit. "Hipokrito talaga nga tao rito."

Bigla ko siyang napalo sa braso at napatingin sa paligid. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin ulit sa kaniya.

"Aray! What's that for?" Reklamo niya habang hinihinas yung kanang braso niya. "Huwag kang magsalita ng kung ano-ano!" Tahimik na asik ko.

Buti na lang walang tao sa paligid. As much as possible, ayaw ko magsabi ng masasama rito. Madalas pa naman maging subject of bullying yung nga transfer. I mean, si Luis okay lang. Hindi naman siya bagong salta eh ako? Mabilis nila ako mapagtutulung-tulungan.

"Hayaan mo sila. If they heard it, that's better. Totoo naman. Mga hipokrito. Mga galit kapag hindi sila pinansin pero mga ayaw naman mamansin." Paliwanag ni Luis. Tumango na lang ako at sabay kaming nagpunta sa classroom namin. Second floor lang naman.

When we went inside the room, lahat sila ay nakatingin sa amin. Probably wondering bakit kami magkasabay. Naalibadbaran tuloy ako. Wala naman pake si Luis kaya umakto na lang akong wala lang 'yon. Pero deep inside, hinihiling kong tigilan na nila kasi gusto ko na malusaw. I even saw Angel looking at me with mad eyes. Hindi ko alam kung bakit pero yung mukha niya screams, "bakit sila magkasama?"

Nang makaupo na kami sa seat namin, mukhang nabalik naman na sila sa mga ginagawa nila. Pero ramdan ko pa rin na nasa akin ang mga mata ni Angel. I can feel and see it in my peripheral vision dhail nasa kabilang row lang siya ng akin.

"Hey..." tawag ni Luis. Nakaharap na naman siya sa akin. Hindi ko alam kung papansinin ko ba siya dahil sa mga kaklase namin but I did anyway. In the first place, wala akong ginagawang masama.

"So, you watched anime. Ano pa ibang mga gusto mo?" Tanong niya.

Inalala ko lahat ng mga napanood ko na at kasabay nom ang pagflash din ng mga favourite characters ko. Bigla tuloy akong kinilig.

"Marami! Like maraming marami! Pero mapili ako. Kaya puro shounen at romcom lang pinapanood ko. Yung walang tragic vibes." Maligalig ko na sagot sa kaniya.

Bigla siya natawa. "Anong klaseng shounen? May mga patayan din sa ibang shounen ah?"

"Sports shounen! Haikyuu, Free!, Slam Dunk, ayan mga ganiyan. May kaunting iyakan mga nakakatouch pero wala naman mamamatay. Ayaw ko nung ganon."

"Bakit?"

"Nanonood at nagbabasa ako para maging masaya tapos sasaktan ako? No way. Hindi iyon ang order ko!"

Sa sinabi kong iyon ay natawa na talaga siya like halakhak. Suddenly, I have the urge to laugh so I did. Nakakahawa yung tawa niya eh kasi all out. Nakapikit pa siya. Lumalabas din dimples niya. Lalo siyang nagiging cute.

"Indeed, but angsty stories have a lot of wisdom in them, aren't they?" Argue niya sa akin. Umiling-iling ako. "Anong gagawin ko sa wisdom? Makukuha ko sa real life 'yon. Hindi ko na kailangan kuhanin sa fiction."

Ngumingising umiling-iling siya. Tila hindi makapaniwalang may gaya kong mag-isip. Anong mgagawa ko? Dami ko na kalungkutan sa buhay, dadagdagan ko pa from fiction? Masokista ba ako? I'd rather dwell with angst of the real life kung ganon.

Nagpatuloy kami sa usapan namin. I found out he enjoys sci-fi and gore animes too. Bagay na hindi ko matipuhan. His favourites aside from Detective Conan are Sword Art Online and Junji Ito Collection. The latter is actually good pero hindi ko kinakaya kapag masyadong gore na kaya tinigil ko rin panoorin.

What if...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon