Chapter 39. - Dejavu?

1.4K 53 7
                                    

A/N: Hi guys! Sorry dahil super late ang update ko. :( actually dapat maguupdate ako nung sunday kaso sabi ni wattpad "Under construction" so 'yun kaya ngangayon ang update. ^^V Anyways, salamat sa matagal na pagiintay! :) Vote and comment :)


Chapter 39. – Dejavu?

KATH's POV

"Alam mo Jiro.. kanina pa akong liyong liyo sa 'yo." Sabi ko kay Jiro na kanina pang paikot ikot dito sa office ko at liyong liyo na ako. Hindi ko mapirmahan ng ayos 'tong mga kailangan kong pirmahan dahil sa kanya.

"Eh kasi nafefeel ko parang may mali eh. Ako lang ba?"

"Oo ikaw lang -_-" Sabi ko at saka ipinagpatuloy ang pagpirma.

"Para kasing... Nagsorry ba talaga si Toby kay Daniel? Nakita mo bang sincere siya?"

Napatigil ako sa ginagawa ko, "Oo. Nakita ko at sincere siya Jiro. Kaya tumigil ka na please. Hay." Tinuloy ko na ulit ang ginagawa ko dahil naaabala ako dito kay Jiro.

*tok tok*

"Good morning ma'am." Sabi ng secretary ko at saka lumabas mula sa likod niya si..

"Mr. M?"

"Yes naman Baste! On time ka lang!" Sabi ni Jiro at saka dinambahan si Mr. M. Teka..

"Good morning Mrs. Padilla." Bati sakin ni Mr. M.

"Why are you here, Mr. M?"

"I thought.. Kailangan mo ng tulong ko.. Sabi ni Jiro?"

"Huh? N-no Mr. M."

Tiningnan naman ng masama ni Mr. M si Jiro.

"Ako! Ako! Kailangan ko ng tulong mo, Baste." Sabi ni Jiro.

--

Ngayon ko lang nalaman na Baste pala ang tunay na pangalan ni Mr. M. Pero hindi niya pa rin sabihin sakin ang apelyido niya. Weird.

"Ano bang meron sa election of CEO na 'yan pwede ba 'yun kahit sina Daniel ang may ari ng company?" Tanong ni Jiro.

"Yes. It's possible. Oo, sina Daniel ang mayari pero hindi lang sila ang nagpapatakbo ng company. May shareholders pa. Depende sa magiging desisyon ng majority ang mangyayari."

"Teka lang, tungkol ata 'to sa nawalang pera ng company. Siguro naisip ng iba na kung hindi naging pabaya si Daniel hindi mangyayari 'yun."

"Siguro nga.." Nasabi ko na lang. Tinatanong namin kay Mr. M eh este Baste (yun na lang daw itawag ko sa kanya) 'yung tungkol sa election of new CEO.

"Pamula noong sinabi niya sakin ang tungkol dun, hindi niya na ako masyadong kinakausap." Sabi ni Jiro. "Palagi pa siyang badtrip." Dagdag pa niya.

"A-ano bang kailangan gawin para manalo sa ganun, Baste?"

"It depends on the President."

"Depende kay papa Rommel?"

"Yes. Pero hindi siya pwedeng mamili o pumanig. Dahil magagalit ang shareholders at pwedeng mawalan ng investors." Sabi niya. Napabuntong hininga naman kami ni Jiro, malaking problema pala 'to. "It would be kailangan nilang magaw ang presentation. Pagalingan ang nominees na makumbinsi ang stockholders at board members. Kung kanino papanig ang majority, siya ang mauupong CEO."

"What?!" Kaya siguro busy kagabi si DJ sa ginagawa niya. Dahil doon. Kailangan niya ng magandang presentation para makubinsi niya ang majority. Dapat inintindi ko muna siya bago ako nagpadalos dalos ng iniisip.

The Story of Us (IASWAH 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon