Chapter 36. - Sorry

1.7K 63 10
                                    



Chapter 36. - Sorry



KATH's POV

 

Malamang Kath, babae yung boses eh!

"Sino 'to?!" Tanong ko sa babaeng kausap ko sa kabilang linya.

"Hey its me Eliza. Remember? Daniel's cousin? Jiro's sister?" Teka... Eliza? Hmm... Oo! Tama! 'Yung model!

"What? Anong nangyari?" Tanong ni DJ sakin. Tinanguan ko lang siya dahil inaantay ni Eliza ang sagot ko.

"Oo! Natatandaan kita! Ikaw 'yung nakasalubong namin sa Singapore, right?"

"Yes! Yes! I'm with Jiro right now! Galing ako Batangas. Dumating ako yesterday and nakita niya ako agad niya akong kinuha and now *sigh* I'm with him, unfortunately."

"Bakit anong nangyari?"

"I'm with my boyfriend— Papatayin ko talaga ang gagong 'yon Eliza!—Jiro stop na nga!"

"Hmm. Pabalik na ba kayo dito sa Manila?"

"Yep. We're on our way. You're son safely arrived in your mother's house."

"Thank you. Pasabi din kay Jiro."

"Okay. Annyeong"

"Bye."

Marunong din siya magkorean? Wow. Nakakainggit naman ang magkapatid na 'yun.

"Hey. Anong nangyari? Bakit parang nagulat ka kanina? At saka si Dan? Nakarating daw ba?"

"Wait DJ, isa isa mahina kalaban. Una, ibang boses ang narinig ko kaya kinabahan ako. Pangalawa, okay na si Dan. Nakarating daw ng safe. Jiro's with Eliza right now."

"Aaahhh. Kinabahan ako sayo."

"Sorry." Nilapitan ako ni DJ at niyakap. I feel safe.

THE NEXT DAY

 

Maagang pumasok si DJ sa office para asikasuhin ang ibinigay ni Julia na nawalang pera ng kompanya. Siguradong nagmumuktol ngayon si Toby dahil pekeng cheque ang naibigay niya.

Nasasaktan ako sa nangyari kay DJ. Hindi ko alam na marami pala siyang pinagdaanan noong nasa coma ako. Kung sana hindi ko pinayagan magpunta sa Amerika si DJ noon edi sana hindi mangyayari lahat ng 'yun.

Hay Kath... Nakakadisappoint ka. Ayaw niyang umalis, pero pinilit mo siya. Pinagtabuyan mo siya kaya 'yan. Face the consequences.

"Come in Ma'am."

"Thank you."

Pinapasok na ako ng babae sa isang private room. Nandoon nagiintay ang isang lalaking nakatayo habang nakatingin sa paintings. May scarf siyang nakabalot sa may leeg.

The Story of Us (IASWAH 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon