Chapter 49. - Surprise?

1.8K 56 8
                                    

#last1chapter


Chapter 49. – Surprise?

KATH's POV

Isang linggo na ang nakalipas mula ng matapos ang three days business meeting ko sa Canada. Malapit na din umalis si Ella. Sa Canada siya magaaral because 'yun ang gutso ni mama at papa. Pumayag naman ako since okay lang din naman kay Ella.

Isang linggo na ding nakakapansin ako ng kakaiba kay DJ. SObrang tahimik niya. Nakakapanibago. Minsan tinititigan niya ako tapos pag tinanong ko kung bakit, sasabihin niya wala daw. Weird.

"DJ! Papasok na ako sa work. Sabay na tayo!" Sigaw ko mula sa sala. Nasakwarto kasi siya. Ang bagal niya talaga mag ayos! -_-

Lumabas siya ng kwarto, "Kath.. Mauna ka na muna. May hinahanap lang akong important documents. May meeting ka ng 8AM, baka malate ka."

"Are you sure?" Tumango naman siya. "Sige."

"Bye Kath. I love you."

"I love you too!" Nagflying kiss naman kami sa isa't isa. Oh diba, ang sweet lang. hihi.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko. Nagdrive na ako papunta sa office. Quarter to 8 na, mukhang malalate pa ata ako.

*beep beep* *beep beep*

Shet naman! Ngayon pa nagtraffic! Hindi naman traffic dito ah! 8AM na! Tumatawag na din ang secretary ko. Ano ba 'yan. Late na ako sa meeting with investors. -_-

Ayan, medyo umaandar na.

"It's a miracle! Paano nangyari ito?! Hindi man lang siya nagasgasan kahit konti!"

"Wow!"

Napatingin ako sa nangyayaring commotion sa gitna ng kalsada. Nabangga ata nung kotse 'yung babaeng dumadaan, alam nung driver na nabangga niya yung babae dahil tumalsik daw ito pero wala ito ni isang galos sa katawan.

Napamangha naman ako. Wow, imposible pala 'yun.

Napapreno naman ako ng malakas ng biglang sumakit ang ulo ko. A-ano 'to?! Ano 'tong nakikita- ko?!

"KAAATH!" Hindi ko siya nilingon pero alam kong hinahabol niya ako.

Derederetso lang ako sa pagtakbo ng hindi ko napansing may darating na kotse...

"MISS TABI! TUMABI KA! WALA 'TONG PRENO!! *beep beep*"

"KATH! NO!!!"

Hindi ko na nagawang umilag dahil sa sobrang pagkagulat. Ipinikit ko na lang ang mata ko at hiniling na sana mabangga na ako, mabagok ang ulo para naman makalimutan ko lahat ng alaalang meron ako.

"KATH! Can you hear me?! Ayos ka lang? Ayos ka lang?! Anong masakit sayo?!" Minulat ko ang mga mata ko at isang lalaking hindi ko kilala ang nasa harap ko.

Inalalayan niya akong makatayo. Tiningnan ko ang mga braso ko, ang kamay at paa. Walang galos... walang kahit anong galos...

Samantalang siya may konting sugat sa braso dahil siguro ng pagkakagasgas nya sa semento para lang alalayan ang ulo ko.

At yung kotse... na nasa harap ko... nayupi.. yuping yupi.. nasira.. samantalang ako walang kahit anong galos at hindi masakit ang katawan.

Pano 'to nangyari?!

*beeeppp beeeepppp!!*

Araaay!!! Ang sakit ng ulo ko!!! Ang ulo ko!!! AAHHHH!

The Story of Us (IASWAH 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon