Chapter 46.2 - Continuation (part II)

1.6K 49 2
                                    

A/N: Masyado kasing mahaba yung chapter 46 kaya nilagyan ko siya ng part 2 hahaha. Enjoy :D



Chapter 46.2 – Continuation

"Alex!" Sigaw ni Kristine Cate ng bigla na lang tumakbo si Jiro. Hindi niya na nasundan pa ito dahil bigla na lang itong nawala.

"Kath?" Napakunot ng noo si DJ ng biglang mawala si Kath sa tabi niya, "San nagpunta 'yun?" Tanong nito sa kanila. Nagkibit balikat naman sina Julia at Diego.

MEANWHILE

"Jiro!" Sigaw ni Kath ng masundan niya si Jiro, "Hoy!!" Hindi na 'to nakatiis. Binato niya na si Jiro ng tsinelas niya. Napatigil naman si Jiro sa pagtakbo dahil doon.

"Ang bilis mo tumakbo!" Sabi ni Kath. Nagulat na lang siya ng biglang mapaluhod si Jiro. "Hala! Anong nangyari sayo?" Nagpapanic na tanong nito. Hindi sumagot si Jiro. Nagulat na lang si Kath ng makita itong umiiyak.

"Jiro..."

--------------------

"Hoy Kath. San ka ba galing?! Bigla ka na lang nawala kanina. -_-" Tanong ni Daniel kay Kath na kararating lang. Nasa may isang room sila sa restau. Korean inspired kasi 'yung restaurant kaya sa rooms sila kumakain.

"Sorry.. Sinundan ko kasi si Jiro." Sagot niya. Tiningnan niya naman ang paligid at nakitang wala si Kristine Cate, "Nasan si KC?"

"Umalis. Kasama si Quen." Sagot ni Julia.

"Ah." Tumango si Kath at saka umupo sa tabi ni DJ.

"May alam ka?" Tanong nito kay Kath.

"Wag chismoso DJ ha." Napatawa naman sina Julia at Diego dahil sa sagot ni Kath.

"Kath ha. Nakakadalwa ka na sakin. Pagbabayaran mo 'yan."

"Nye nye DJ." Napadeep sigh na lang sina Julia at Diego. "Heto na naman."

Pagkatapos kumain dumeretso na sila sa rooms nila. Pero dahil curious na curious talaga si Daniel kung anong meron kay Jiro at KC, pinilit niya itong sabihin sa kanya. Nacurious din naman sina Diego at Julia kaya ang ending kinuwento ni Kath ang napagusapan nila kani-kanila lang ni Jiro.

KATH's POV (FLASHBACK)

Yes! Magandang pagkakataon 'to para makatakas. Nakatulog sina DJ at Baby Dan kaya walang kahirap hirap na lumabas ako ng room namin. Dahan dahan kong sinarhan ang pinto at—

"Hoy."

"AY KABAYO!!" Omaygahd! Napatakip ako ng bibig at saka hinila si Jiro palayo sa harap ng room namin.

"Bakit ka ba nanggugulat?!" Tanong ko sa kanya. Aish! Mabubulilyaso pa ata ang plano ko -_-

"Hindi kita ginulat ah. Napadaan lang ako eh."

"At san ka naman galing aber?"

"Wala naman. Dyan lang sa tabi tabi."

"Tss."

"San punta mo?"

"Kahit san." Sagot niya habang nakatungo. Problema neto?

"Problema mo?"

*deeeeep sigh* "Marami." Sagot niya sabay sandal. ?_? "Ikaw san punta mo?" Tanong niya sakin. Omaygahd madaldal pa man din 'to. Baka sabihin neto ang plano ko para kay DJ. Naku naku bad move.

"Kahit san din."

"Tss." Napatawa naman siya sa sagot ko. Buti na lang naniwala siya.

Naunang naglakad si Jiro. Tapos ako naman ang nakasunod sa kanya. San 'to pupunta? Nakakapagtaka naman. Medyo malungkot din siya. Wow. Bago ata 'to.

The Story of Us (IASWAH 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon