Chapter 15

26 6 2
                                    

*Holding Hands

Mas lumakas ang tawanan nila nung bumagsak ako. Mas lalo rin akong umiyak. Ngunit may naramdaman akong humawak sa braso ko. Itinayo niya ako at itinakbo palayo sa kanila. Nung nakalayo na kami,nilingon ko siya. Naaninag ko ang mukha niya. Di ako makapaniwala! Hindi! Hindi!

************

Agad akong nagising. Di ko alam kung matutuwa ba ako o maguguluhan sa napanaginipan ko.

"Bakit si Lance?" Tanong ko sa sarili.

Tumingin ako sa clock. 6:30am na, kailangan ko na magready.

May bagyong paparating daw 5 days from now kaya kailangan na naming wag tapusin yung mga activities namin. Bukas babalik na kami sa mga probinsiya namin kaya ngayon,we will be having our field trip.

After almost an hour, nakaligo na ako, nakabihis,at nakaayos na rin lahat ng gamit ko. Papunta na rin ako sa dining hall for breakfast.

Nung kumain na ako, lumapit siya sa akin. Si Lance. May dala rin siyang pagkain.

"Ngayon ka lang?" Tanong nya.

"Yeah,napasarap tulog ko eh." My answer.

Umupo siya at nagpatuloy ako sa pagsubo ng pagkain.

"Ako nga rin eh. Ganda kasi ng panaginip ko. Ikaw? Ano'ng napanaginipan mo? " Tanong niya.

Naku naman oh. Pinapaalala niya pa sa'kin ang panaginip ko. Eh pano kung sabihin ko sa kanyang siya ang napanaginipan ko?

"Huh?" Wala akong ibang nasagot.

"Sabi ko, anong napanaginipan mo? O baka gusto mong baguhin ko ang tanong? Sino ang napanaginipan mo?" Untag niya.

Tugmang-tugma talaga ang tanong niya sa iniisip ko ngayon. No choice, I don't want to lie.

"Ikaw." Tipid kong sagot.

"Ako?" Tanong niya ulit.

Hindi, yung tao sa likod mo. Sino pa bang iba kong kausap? Di ba ikaw lang? Ang slow mo naman oh.

"Di. Ah-eh. Ang ibig kong sabihin, ikaw, anong napanaginipan mo?" Palusot ko na lang. Alangan naman sabihin ko sa kanya ang totoo. Isipin niya pa na dreamboy ko siya.

"Ahh. Akala ko ako. Kasi ako? Ikaw napanaginipan ko."

.

.

.

.

.

.

.

.

.
WHAT?


ANONG SABI NIYA?


Ako daw napanaginipan niya?

"Di ko nga maintindihan ang panaginip ko eh. Nakita na lang daw kasi kitang umiiyak habang pinapalibutan ka ng mga tao. Itinayo kita at inilayo mula sa kanila." Explain niya.

Pano nangyaring pareho kami ng panaginip? Lord! Ano ba to?

Naguguluhan na ako. !!!!!!

"Guys! Guys! Ready na daw yung bus. Alis na tayo." Sabi nung isa sa mga kasama namin.

"Oh tara na daw." Sabi ni Lance ta's tumayo. Sumunod na rin ako.

I think I'll be enjoying this trip. Sana nga. Sana nga di ako guluhin ng mga nagpapagulo sa akin ngayon.

***********

As what I am expecting, katabi ko siya sa bus. 2pm na rin at marami na kaming lugar na napuntahan. Heto nga at papunta na kami sa last destination namin bago kami bumalik sa hotel.

Gusto kong mag enjoy pero parang di ako makagalaw. Di na rin ako masyadong nagsasalita. Awkward kasi eh. Katabi ko siya.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa'kin.

"Oo naman. Enjoy nga ako eh. " sabay ngiti ko. Sus Lance, kung alam mo lang na halos di na ako humihinga.

Nag eenjoy akong kasama ka. Ano ba naman to Ellaine?

Mahal mo na ba siya?

Inaamin ko, gwapo siya, mabango, matalino, (kasi scholar nga).

Ang di ko lang naman nagustuhan sa kanya ay ang pagiging masungit niya eh. Pero ngayong kilala ko na siya, wala na akong rason para di ko siya magustuhan.


Huminto na yung bus. Ibig sabihin nandito na kami.

"Baba na tayo." Sabi niya sabay tanggap niya ng kamay ko.

Medyo hesitant ako sa ginagawa nya pero hinayaan ko na lang.

Dahil dun, holding hands kaming bumaba sa bus.

"Ang ganda ng view noh? Malamig yung hangin. Parang gusto ko nang tumira dito ah." Sabi niya.

Ngumiti lang ako. Di ko alam ang sasabihin ko.

Di ko maipinta ang nararamdaman ko.

Babalik na ako sa amin.

Di ko na maramdaman ang lamig ng room ko.

Di ko na mafifeel ang excitement sa tuwing may activity kami.

Di ko na matitikman ang sarap ng foods dito.

At higit sa lahat,



Di ko na siya makakasama.




"Ellaine, naaalala ko pa yung pano tayo nagbangayan nung una. Yung kumanta tayo sa harap nila. Pati na rin yung nag uusap tayo sa garden. Ellaine, mamimiss kita." Seryoso niyang sabi sa akin.


"Kalimutan na natin yung mga bangayan natin. Tapos na yun. Pero alam mo Lance, natutuwa akong nakilala kita. Mamimiss din kita."


A/N: Dedicated to kay Jovie Gabutan and Lovely Khate Tambis for plugging my story on their fb stat.

Kumusta po story ko? Comment naman po kayo. Please?

Anyway, lapit na po yung twist na sinasabi ko. Walang magrereact ha.

After A Long TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon