Chapter 17

14 4 0
                                    

*Aftermath*

Di ako nakatulog. Di ako natulog. Ewan ko, di ko na alam. Basta ang alam ko wala akong tulog. Iyak na lang ako ng iyak. Para kasing sumabog lahat ng masasakit na naramdaman ko kahapon.

Pero I admit, medyo okay na ako ngayon. I mean, pakiramdam ko wala na akong dinadalang mabigat sa puso ko. Siguro ay nailabas ko na lahat kahapon.

Pumasok akong namamaga ang mata sa kakaiyak. Pati eyebags ko, parang balon sa lalim.

I admit parang wala ako sa sarili ngayon but tama ba ang nakikita ko?

Nung pumasok ako sa campus, may pamilyar na mukha akong nahagip. Si Jasmine?

Sinalubong niya ako ng isang plastik at malademonyang ngiti.

"So I bet, alam mo na kung anong ibig kong sabihin the last time we talked about Ian? I saw the incident yesterday. Actually kalat na kalat na ang video sa social media." Utal niya.

"What do you mean?" Tanging sagot ko.

"Check your facebook account. Tagged ka naman sa video ng source." At umalis na siya.

Naglakad ako papasok sa room ko. At napansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Nung nakapasok ako sa loob ng room, napansin ko na pinapanood ng mga classmate ko ang video na sinasabi ni Jasmine.

Di nila ako napansin kaya nagpatuloy lamang sila sa kanilang ginagawa. Habang nanonood ay may ilan sa kanila ang nagkomento tungkol sa video at sa akin.

"Ang drama naman niya. Mang-aagaw naman."

"Bakit may paiyak-iyak pa siyang nalalaman? Eh siya naman tong nang agaw."

"Di ba siya masaya? Ayan na oh, sa kanya na yung lalaking inagaw niya."

"Kawawa naman yung real girlfriend."

Di ko pa napapanood ang video ngunit nararamdaman kong tungkol ito sa nangyari kahapon.

Naiiyak na ako nung biglang may humila sa akin. Si Sandy.

"Friend, wag ka muna magpakita sa kanila. Total mamaya pa naman klase natin. Baka kasi pagsalitaan ka nila ng masama." Pag aalala niya.

"Bakit? Ano bang meron sa video?" Tanong ko

"Di mo pa napanood? Ito oh." Sabi niya habang pinapakita niya sakin ang video.

Tama nga ako. It was about yesterday. Pero teka, bakit big deal sa kanila ang video? Wala naman silang alam tungkol sa min ni Ian.

"Friend, wala naman sanang big deal sa video kasi lahat naman pwedeng mangyari yan. But, yung caption kasi." Sabi niya.

Kaya binasa ko ang caption and....

"BOYFRIEND GRABBING BITCH NAGDRAMA SA RESTAWRANT"

And as of now, nasa 200,000 views na ito sa facebook.

Grabe, ang sakit ng mga comments na nababasa ko. Bakit ba sila nakikiaalam eh, wala naman silang alam.

"Friend, kung sino man ang nag upload ng video, malamang may galit yun sa'yo." Biglang sabi niya.

"Si Jasmine...." tanging nasabi ko.

Wala namang ibang may galit sa akin kundi siya lang. Nagagalit siya dahil sinisisi niya ako sa paghihiwalay nila ni Ian. Pero di ko naman ginusto yun. Ang ayaw ko lang ay yung biglang di pagpaparamdan ni Ian sa akin matapos ng lahat ng tinulong ko sa kanila.

"Sigurado ka? Friend?" Tanong ni Sandy sa akin.

Tumango na lamang ako.

"So matagal na pala kayong magkakilala. Kaya pala tanong siya ng tanong sa akin tungkol sa'yo." Tugon niya.

Ano bang kasalanan ko kay Jasmine? Kung nagagalit siya dahil hiniwalayan siya ni Ian, bakit niya ako sinisisi? Kasalanan ko bang maganda ako? Charot lang!

Pero seriously, di ako papayag na masisira ako ng dahil sa babaeng yan.

Mayamaya, may lumapit na student sa akin.

"Miss Dominguez, pinapatawag ka ng dean. Pumunta ka daw sa office niya." Sabi ng student.

"Sige. Susunod ako. Thank you." Sagot ko.

Kinakabahan ako. Baka tungkol sa issue tong pag uusapan namin ni maam. Bahala na. Basta di ako guilty.

Pumunta na akong office at umupo sa harap ng dean namin.

"Miss Dominguez, are you aware of the videos spreading over facebook now?" Tanong niya sa akin.

Seryoso ang mukha niya. Nakakakaba.

"Yes maam. And aware po ako na I'm the one in the video." Sagot ko.

Tss. Kinakabahan talaga ako e.

"Actually Miss Dominguez, we don't care about what were you talking about on the video. Mas lalong wala kaming pakialam kung sino ang kausap mong lalaki dun." Sabi niya.

"Thank you po maam." Tanging tugon ko.

"But Miss Dominguez, what you did was very improper. Lalo na at nasa public place ka that time. At mas lumala lalo na at kumalat na ang video. You were wearing your uniform in the scene. Kaya napansin nilang from Green Bridge ka. And at this moment, the school's image and reputation is at stake." Explain ng dean namin.

Oo nga. Ngayon ko lang din narealize yun. Siguro nadala lang talaga ako sa emosyon ko that time kaya di na ako nakapagpigil.

"I apologize maam. Hindi ko na po uulitin yun. Pangako po." Makaawa ko.

"Miss Dominguez, kung ako lang maiintindihan ko. But we received a memorandum this morning from the Board of Trustees. They are asking us to expel you from school. But we immediately appealed to them and asked them na kung pwede di ka nalang iexpel. Instead, termination of scholarship na lang ang ipapataw namin sa'yo."
Mahabang paliwanag ni maam.

Naiintindihan ko naman sila. I made a wrong move kaya kailangan kong maparusahan. But Im worried kung ano ang mangyayari sa akin after this. Anong magiging reaksyon nina mama dito. Baka magalit sila.

"Maam, wala na po ba akong ibang magagawa?" Tanong ko.

"Im sorry Miss Dominguez, but our decision is final. Mas mabuti na yun kesa sa iexpel ka namin dito." Sagot ni maam.

"Sige po maam. Naiintindihan ko po ang point niyo. Ipapaliwanag ko na rin po sa parents ko ang nangyari." Maluha-luha kong sagot.

Actually masakit para sa akin ang decision nila. But I need to accept it. Kasalanan ko kasi.

Lumabas na ako ng office. Naglalakad ako nang mag-isa papunta sa classroom. Lutang na lutang ako. Parang wala na akong napapansin sa paligid. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako.

Bakit ba kasi nangyayari sa akin ito? Bakit kailangan kong magdusa nang ganito? Paano ko ngayon ipapaliwanag kina mama ang nangyari?

Nung malapit na ako sa classroom, napansin ko na may humaharang sa dinadaanan ko. Kaya tiningnan ko agad at nalamang si Jasmine pala yun.

"Masaya ka na? Muntik na akong maexpel dito sa school. Tinanggalan na ako ng scholarship. Ayos na ba? Masaya ka na ba?" Panunumbat ko sa kanya.

Maluha-luha kong sinabi ang mga salitang iyon.

"Hangga't di mo nararamdaman kung ano yung naramdam ko nung iniwan ako ni Ian, hinding-hindi ako magiging masaya."  Sabi niya sa akin.

Napansin ko ang mga mata niya. Alam ko na di niya rin gusto ang mga nangyayari. Pero masyado siyang naovercome ng galit niya.

Lumakad na lang ako palayo pero pinigilan niya ako at binulungan.

"Im sorry Ellaine but Im not yet done."

Nabahala ako. Pero nagpatuloy na lang ako. Pumasok na ako sa classroom. I don't know what's waiting for me after this.

After A Long TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon