Chapter 18

22 2 1
                                    

*Meet Again*

Pagkatapos ng last period namin, naisipan kong di muna umuwi.

Ayoko munang ipaalam kina mama ang nangyari. Alam kong malulungkot sila. Alam kong mag aalala sila.

Pupunta muna ako sa isang lugar na makapag-iisip ako nang maayos. Yung lugar na tahimik, yung mapayapa.
Yung lugar na mailalabas ko lahat ng nararamdaman kong lungkot, inis at pangangamba.

So I decided to go to a seaside.
Eksakto, wala masyadong tao.

Tinitingnan ko ang dagat. Payapang payapa ito. Sana ganito din ang pakiramdam ko ngayon. Sana maging payapa rin.

I also looked at the city lights sa kabilang isla. Ang ganda. Ang kukulay. Ang saya lang tingnan. Kung sana lang kaya kong pasayahin at pakalmahin ang pakiramdam ko ngayon.

Naiiyak ako.

It seems like di ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

Akala ko okay na ang lahat.

Bakit di pwedeng laging masaya?
Bakit laging may lungkot?

Sa gitna ng aking pagdadrama, napansin kong may nag abot sa akin ng panyo.

Di ko pa naaninag ang kanyang mukha ngunit sigurado akong lalaki.

Pamilyar sa akin ang pabango niya. Kaya lumingon ako at tiningnan ang kanyang mukha.

"Lance?" Tanging nasambit ko. At agad ko siyang niyakap.

Yumakap din siya pabalik sa akin. At pinapatahan niya ako sa aking pag-iyak.

"Anong problema?" Tanong niya ngunit di pa rin ako kumalas sa pagkakayakap ko.

"Lance, mabuti na lang andito ka." Naiiyak kong sambit.

Parang gumaan ang loob ko nung nakita ko siya. At mas gumaan ang loob ko nung nayakap ko siya. Namiss ko siya.

Kumalas na ako. At hinawakan niya ang kamay ko.

"Wag ka nang umiyak. Andito lang ako." Sabi niya.

Mayamaya, nakaupo kaming magkatabi sa gilid ng parang "bay".

Naikwento ko na sa kanya ang mga nangyari kahapon at kanina. Nag alala siya.

"Bakit ba kasi ganto ang buhay ko? Don't I have the right to be happy? For one week, akala ko nakatakas na ako sa mga problema sa buhay nung nandun tayo sa Cebu. Pero pagbalik ko, may problema na agad." Sabi ko.

"Teka, sino ba yang Ian na yan? Anong apelyido niya?" Tanong niya.

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Baka kilala ko yan. Tsaka pag nakita ko yan, upakan ko para maiganti kita." Sabi niya sa akin.

"Ian... Ian Monteverde."

Napansin kong nabigla siya. Napatingin siya sa akin.

"Totoo bang narinig ko? Ian Monteverde?" Tanong niya.

Tumango ako. Nacucurious ako sa reaksyon niya.

"Bakit? Kilala mo ba siya?" Tanong ko.

"Ah hindi. Pamilyar lang ang pangalan niya." Sambit niya.

Okaay. Siguro nga narinig niya lang ang pangalan ng lalaking yun sa kung sino.

"Basta Ellaine, kung may problema ka tawagan mo lang ako. May number ka na rin naman ng phone ko. Maasahan mo ko. Hindi kita pababayaan." Seryoso niyang sabi sa akin.

Natouch ako. Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong mga salita mula sa taong naging espesyal na sa puso ko. Oo, aaminin ko may pagtingin na ako kay Lance. Masaya ako pag kasama ko siya. Kapag wala naman siya, hinahanap hanap ko siya.

"Salamat Lance. Pinapagaan mo ang loob ko. Di ko alam kung bakit pakiramdam ko ang saya-saya ko pag kasama kita. Pag wala ka naman, laging naiisip kita." Bigla kong nasabi.

Myygggaaaad. Baka kung ano ang isipin niya. Baka malaman na niya ang feelings ko for him. Bakit ko naman nasabi yun?

"I feel the same Ellaine. Nung last day na natin na magkasama sa Cebu, sinabi ko sa sarili ko na ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin doon. Alam mo bang di ako nakatulog nung gabing nakauwi na ako. Dahil iniisip kita. Dahil alam kong mamimiss kita." Sabi niya.

Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang isang kamay ko.

"Ellaine, I think I'm falling for you."

Whhaaaaaatttt???

Teka lang. Totoo ba yun?

Di naman ako nabibingi di ba?

Ano nga ulit yun? Na nahuhulog na siya sa akin?

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Mahal na kita Ellaine." Sabi niya.

Oh my! Totoo ba to? Teka lang, bakit parang ang bilis ata. Kakakilala lang namin di ba?

"Kung nagtataka ka kung bakit ang bilis, ako rin. Di ko alam kung bakit ang bilis nahulog ng puso ko sayo. Di ko maintindihan kung bakit grabe ang epekto mo sa akin." Dagdag niya.

So do I also need to tell him about my feelings towards him?

Noooo!!! Dalagang Pilipina ako. So dapat prim and proper.

"Hmmm, ganun ba?" Sabi ko. Ewan ko ba kung bakit yun lang nasabi ko. Di ako makapagsalita.

"Di rin naman kita pipilitin na magkagusto ka rin sa akin. But I just have a favor to ask. If you could just give me a chance to show you how much I care for you and how much I love you. Kaya sana Ellaine, payagan mo na ako."  Pakiusap niya.

Di ko siya maintindihan. Anong sinasabi niya na payagan ko na siya?

"Anong payagan? Payagan na ano?" Tanong  ko.

"Na ligawan ka." Sagot niya.

Talaga? Oh really?

Gosh, speechless ako. As in speechless talaga.

Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

A/N. : Ito lang muna. Thanks for reading. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After A Long TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon