Chapter 11

52 4 2
                                    

*Partners

Ang ganda ng room ko. Sobrang lamig pa. Parang ayoko nang umuwi sa amin ha. Para kasing masarap ang buhay dito. Haha

Sana laging may seminar ang mga scholars para laging ganito.

Mayamaya,, nagready na ako para sa aming scholar's night. School uniform lang daw ang susuotin para marepresent ang school.

Pumunta na ako sa conference hall ng hotel para sa activity. Parang ang jolly ng ambiance tapos colorful pa. Umupo na ako sa medyo likurang bahagi ng mga seats dahil na-occupy na kasi ang mga seats sa unahan.

Di nagtagal, nagsimula na ang program. Ang lively ng program dahil parang informal ang style nito.

"Good evening scholars!" bati ng emcee.

Bumati din kami sa kanya at nagsimula na siyang magsalita tungkol sa event.

"Tingnan niyo ang mga seats niyo. May idinikit na mga papel diayn then detach the paper. Basahin niyo kung ano ang pangalang nakalagay. Hanapin niyo siya dahil siya ang partner niyo." instruct sa'min ng emcee.

Sinunod ko ang sabi niya and binasa ang pangalang nakalagay.

"LANCE RANCILLO?"

"Yes Ellaine?"  sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko.

Lumingon ako sa likod at siya nga... si MR. SUNGIT.

"Ikaw? Ikaw si Lance Rancillo? Eh kung minamalas nga naman ano." sabi ko sa kanya.

"Obvious namang ako si Lance di ba? Ayaw mo akong maging partner?" tugon niya.

"Tama ka, ayaw kitang maging partner. Pero teka, pa'no mo ko nakilala?" masungit kong tanong sa kanya.

"Sa tingin mo, gusto rin kitang maging partner? Eh no choice naman tayo eh. Tsaka di na importante kung  pano ko nalaman ang pangalan mo."bwelta niya.

Minamalas nga ako.

"So since you're now with your partners, makinig kayo. Everyday, meron tayong activities na kailangan ma accomplish. You must work with your partner. May points bawat activities na gagawin at kung sino man ang makakakuha ng highest points after all the activities will receive a certificate granting four year scholarship in any schools and any course they want." sabi ng emcee.

Namangha lahat ng mga kasama ko. Naging determinado sila na mapanalunan ang scholarship. Hindi na kasi kailangan pang magmaintain ng grade para makatapos ng kolehiyo. Ang swerte talaga ng mananalo. Gagawin ko lahat para makuha yun.

************

Kinailangan kong gumising nang maaga para magreview. Ang first activity namin ay isang quiz bee. General knowledge daw. Unfortunately, kailangan kong magreview kasama ang masungit na yun.

Pumunta ako sa library ng hotel. Nandito rin yung ibang scholars. Nandoon din si Lance. Napatingin siya sa akin. Nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya at papunta sa kanya, ibinaling niya ulit ang atensiyon niya sa aklat sa harap niya.

Umupo ako kaharap siya.

"Akala ko ba partners tayo? Bakit di mo ako sinabihang magrereview ka para sa quiz bee nang magsabay na lang tayo?" Sabi ko sa kanya.

"Wala akong number mo. Alangan naman puntahan kita sa kwarto mo, baka may isipin pang masama ang mga makakita." sagot naman niya.

Asus! As if naman di siya si Mr. T, Halatang-halata kaya sa mga kilos niya. Kaya nga niya nalaman ang name ko. Dahil siya si Mr. T.

"Tsaka wag ka ngang FC. Partners lang tayo, di tayo close." dagdag niya.

Ang kapal niya ha!!!

"Hoy! Hindi ako nakikipag FC sayo ha. Kung ayaw mo akong maging partner edi bahala ka sa buhay mo! Pasigaw kong sabi sa kanya.

Hindi ko na naisip na library pala tong pinapasukan ko at may maraming tao. Napahiya tuloy ako.

Paalis na ako nung narinig  ko ang mga bulong-bulongan nila.

"LQ ba sila?"

"Nag away sila? Eh ang cute pa naman nila together."

Hindi ko na pinakinggan ang sinabi ng iba. Ang importante ay makalabas na ako sa library.

Nakakainis ka talaga Lance Rancillo!!!!

After A Long TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon