CHPT 1: Piece of (Sh×it) Gold

153 11 1
                                    

  Basang basa na ang sapatos ko dahil sa tilamsik ng ulan. Sinipsip na din siguro ng medyas ko ang tubig ulan na walang tigil habang pinapanood ko ang mga lalaking tinatabunan ng lupa ang libingan ng aking namayapang asawa.
 
   Hindi bakas sa mukha ko ang lungkot. Wala akong pinapakitang emosyon. Nakatutok lang ako sa bawat pagtapon ng pala sa lupa pababa sa kabaong ng asawa ko. Habang naririnig ko ang impit na iyak ng kanyang ina. Si Miss Diana Zabringa. The matriarch of the dynasty. Ang nagpapagalaw sa mundo ng namayapa kong asawa. Ah, hindi lang pala ng mundo niya. Pati ng aking mundo. Napangiti ako sa isip ko. Ngayong patay na si Percy, makakalaya na ako sa kamay ng mga Zabringa. Makakauwi na ako sa simpleng buhay ko kasama ng aking pamilya.
   
     Pero hindi pala iyon ang mangyayari. Dahil pagkatapos na mailibing ni Percy, doon pala magbabago ng tuluyan ang aking buhay.

  *×*×*×*×*×*
    
     Zabringa Manor. Tatlong ektaryang lupa na tinayuan ng tatlong palapag na mansyon. Modern Medditerrenean ang tema ng mansion. Pagpasok mo palang sa napakagarang bakal na gate ay isang driveway ang lalakbayin mo. Malaking hardin na may isang malaking fountain sa gitna ang makikita mo sa kaliwang bahagi ng mansion samantalang isang malawak na man made lake naman ang makikita mo sa kanang bahagi nito. Matatanaw mo ang kabundukan na nasa itaas na bahagi ng mansion. Para kang nasa isang pelikula. Isang pelikulang puro karangyaan ang tema. Naaamoy mo ang kayamanan, ang pera, ginto, mamahaling singaw ng pagkain. Napakaganda. Nakakabighani. Parang isang panaginip na hindi mo na gustong gumising pa.
 

    Ito ang buhay na akala ko ay pinapangarap ko noon. Sinabi ko sa sarili ko, kapag yumaman ako, lahat ng bagay sa mundo ay mabibili ko. Magagawa ko ang lahat ng gusto ko. Maibibigay ko sa pamilya ko ang karangyaan na hindi namin kailanman naranasan.
 
   "Master Jansen, pinapatawag ang lahat ni Miss Diana sa dining hall." basag ng isang pamilyar na boses sa pagmumuni ko. Nabalik ang kamalayan ko sa kasalukuyan. Nakita ko si Ophelia. Ang mayor doma ng pamilyang Zabringa.
 
  "Susunod ako, Ophelia. Magaayos lang ako ng kunti." sagot ko sa kanya at agad naman siyang lumisan sa silid namin ni Percy.

    Biglang hinanap ng mata ko ang malaking portrait na nasa sentro ng aming kwarto. Naaalala ko pa ang araw na iyon. Ang laki ng ngiti ni Percy habang hawak niya ang kamay ko. Kapwa kami nakasuot ng mamahaling tuxedo na tailor made pa mula sa Milan. Wala akong emosyon na maipakita. Wala akong maramdaman sa mga sandaling yun. Sinulyapan ko ng isang beses pa ang portrait bago ako lumabas ng kwarto at puntahan ang naghihintay na mga Zabringa sa dining hall.
 
Ito na ang pinakahihintay kong sandali. Ang araw ng aking kalayaan. Ang araw na sasabihin sa akin ni Miss Diana na wala na akong halaga sa kanya dahil patay na ang kanyang anak, ang aking asawa.

  Pagpasok sa dining hall ay nakakasilaw na liwanag ang dadatnan mo. Apat na dangling crystal chandelier ang nakaistasyon sa apat na sulok ng dining hall. Sampung milyon ang halaga ng bawat chandelier na iyon. At tatambad sayo ang dalawamput isang talampakan na dining table na gawa sa redwood na inukit pa mula sa Alaska. Pinarisan pa ng napakagarang mga upuan na gawa sa kahoy at mga gold ornaments sa back support nito. Nakahain ang napakaraming putahe na iilan lang naman ang nakakain ko at iilan lang ang kilala ko.

      Sa pinakadulong bahagi ay nakaupo si Miss Diana. Sumisimsim ng wine mula sa kanyang hawak na baso. Sa kaliwa niya ay si Luciano, ang kanyang unang asawa, ang ama ni Percy. Sa kanyang kanan naman ay si Federico, ang kanyang ikalawang asawa, ama ni Alessandra at  Apollo. Katabi ni Federico si Apollo at Alessandra na nakatingin lang sa kawalan. At habang patungo ako sa aking inuupuang pwesto, nahagip ng mata ko ang isang hindi pamilyar na mukha. Alam ko lahat ng pumapasok sa mansion, iyon ang hinahangaan sa akin ni Miss Diana. Nababasa ko ang isang tao sa unang tingin pa lang. Kaya siguro hindi siya nagdalawang isip nang magdesisyon si Percy na ipakilala ako sa kanya bilang mapapangasawa niya.

  "Miss Diana, who is that man sitting at my husband's chair?" walang emosyon kong bigkas habang naglalakad ako papalapit sa kinauupuan ng estranghero.

Golden BugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon