CHPT 3: It was never there
Magkatabi kami ni Sahin sa likod ng Mercedes- Benz GLC 300 Black na sasakyan na namin ni Percy simula ng ikasal kami. Si Dandy ang driver ngayon dahil ayaw ni Miss Diana na ako ang magdrive. Para mas maturuan ko pa siguro si Sahin kaya naman habang nasa byahe ay tinatanong ko na siya sa mga dapat niyang sabihin at hindi sabihin sa introductory speech niya mamaya.
"Pwede naman kasi hindi na niya muna ako ipakilala sa buong kompanya. Alam naman natin lahat na siya ang masusunod, kaya bakit minamadali niya akong ipakilala sa lahat?"
Napabaling ako ng kay Sahin habang nanonood sa tablet ko sa mga nangyayari ngayon sa business world.
"Dahil yun ang gusto ni Miss Diana. Naghihintay lang ang mga kaaway niya sa kompanya na magkaroon siya ng kahinaan. At si Percy of all people, siya ang nawala sa kanya. Kaya kailangan niyang gumawa agad ng paraan para takpan ang kahinaan na yun. That's how you manage a big conglomerate. You never let your enemies have an advantage against you." paliwanag ko sa kanya.
"Siguro totoo nga ang sinabi ni Apollo. Madali mo lang din napapaikot sa mga kamay mo si Percy dahil halos parehas lang din naman kayo ng ugali ng nanay ko. Pakiramdam ko nga mas anak ka pa niya ituring kesa kay Percy." nakangisi siyang bumaling sakin at nagkatitigan kami ng matagal.
Ngayon ko lang narinig ang mga salitang yun. Ang ikokompara ako sa taong sa kaibuturan ng puso ko ay kinamumuhian ko. Pero hindi ko dapat ilahad ang damdamin ko. Kailangan kong mag-ingat. Dahil isang pagkakamali ko lang, hindi ko alam kung ano ang magiging resulta nito. Hindi ko pagkakatiwalaan si Sahin dahil kahit si Percy, kailanman ay hindi ko pinagkatiwalaan.
3 Years Ago
"This property is perfect if you want to escape the busy city life. You can see the perfect lake view from here inside the living room. Three bedrooms that are enough for a starting family. We have a medium sized pool in the front yard. And enough space to put some other amenities. It's a minimalist design but we have a very good interior designer that we can recommend if you need some changes to any of the spaces here. So what can you say, Mr. Zabringa? Do you like this one?"
Tumigil kami sa paglalakad ng kliyente ko at patuloy naman ang pag-ikot ng paningin niya sa paligid. This house is worth 15 Million. If makoclose ko ang deal na'to, mapapag-aral ko na si Laurence sa University of Cambridge. Ang pangarap niyang eskwelahan kahit noon bata pa siya. Napakaswerte ko lang dahil sa dalawang taon palang na pagiging real estate agent ko ay isang Zabringa na ang naging kliyente ko. At hindi ko din alam paano niya nakuha ang aking business card. Never ko pa siya nakadaupang palad at ngayon pa lang din kami nagkita ng personal.
"I like it. This is what I am looking for actually. I like peace and quiet. I can concentrate more if I am in a good space like this. I will take this one."
Gusto kong magtatalon sa saya dahil sa wakas, matutupad ko na din ang pangako ko sa kapatid ko. Malaki ang commission na makukuha ko dto na sapat na upang makapag enroll siya at magkaroon ng desinteng matitirhan sa UK.
"I will prepare the contract and bring them personally to you by Monday, Mr. Zabringa. Is that ok with you?"
"Yeah. It would make me happy to see you again after this, Mr. Alba."
Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na normal sa pakiramdam ko ang paghawak niya dito. Lumapit siya lalo sakin at hinawakan naman ang pisngi ko.
"You just don't know how beautiful of a man you are, Mr. Alba. Or should I call you by your name?"
Hindi ako makapagsalita dahil sobrang lapit na ng mukha niya sakin at nag-aattempt na siya na halikan ako pero iniwas ko ang aking mukha sa kanya.
"I'm... I'm sorry Mr. Zabringa but this is inappropriate. I don't do this kind of thing towards my prospects."
Nakita ko sa pheriperal vision ko na nakangiti siya at parang nagugustuhan pa niya ang paglayo ko sa kanya.
"Well, I think I like you even more. Yan ang gusto ko sa isang tao, yung hindi basta basta bumibigay. Yung alam nila ang worth nila. I thought you would get down on your knees and suck my dick just like all of those leeches in my company, but you are very different. You are incredible, Mr. Alba."
Muli ko siyang hinarap at isang nakakalokong ngiti ang ginawad niya sakin bago siya tumalikod at tuluyang umalis sa property. Kinakabahan akong umupo sa sofa at muling inalala ang mga sinabi sakin ni Mr. Zabringa. Alam ko ang mga ganung ngiti. Alam kong pagnanasa iyon. Alam kong hindi lang basta pagiging agent ang tingin niya sakin.
Present Day
Narating namin ang opisina ng COO sakay ng secret elevator. Hindi pa pwedeng makita ng kahit na sino man sa kompanya si Sahin. Kailangang maipakilala siya na sorpresa sa lahat. Dahil sa lagay ngayon ng kompanya, hindi na garantisado na marami pa rin ang papanig kay Miss Diana.
Inikot ni Sahin ang tingin niya sa malaking opisina at napansin niya agad ang portrait ko na nasa pinakagitnang bahagi ng receiving area. Natawa siya at tiningnan niya ako.
"Tang ina talaga ni Percy ano? Ginawa kang santo. Sinamba ka talaga ng gagong yun. Alam ko naman na marami talagang magkakagusto sayo. Ibang-iba ka rin sa lahat ng mga nakilala ko. Pero ibang klase pala si Percy magmahal. Gagawin kang simbahan. Gagawin kang relihiyon."
"Uutusan ko ang utility staff na tanggalin na ang portrait na yan since wala na si Percy. At ikaw na ngayon ang aking boss. Kailangan ko pang kausapin si Miss Diana tungkol sa sinasabi niyang pagiging kapalit mo kay Percy bilang asawa ko."
Natawa siya lalo at lumakad siya papunta sa kinatatayuan ko at nagkaharap kaming dalawa.
"Huwag kang mag-alala. Kahit pa sabihin ng nanay ko na asawa kita. Hinding hindi mangyayari yun. Hindi ako katulad ni Percy na mapapaikot mo sa mga kamay mo."
Kumindat siya sakin at para bang may kung anong pakiramdam ang lumukob sakin. Napahiya ba ako? Bakit ganun? Bakit parang bigla akong nabalot ng pagkagalit?
Tinalikuran ko na lamang siya at agad na pumunta sa aking opisina na adjacent lang sa opisina ng COO.
Umupo ako sa aking swivel chair at tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong palad. Napakaraming nangyayari sa buhay ko simula ng mawala si Percy. Parang pinaparusahan niya parin ako kahit sa kabilang buhay."Akala mo di ko malalaman ang lahat, Jansen? Akala mo siguro napakatanga ko para hindi ko malaman ang lahat ng sikretong tinatago mo sakin?"
Umaalingawngaw nanaman ang boses niya sa isipan ko. Hindi ito nangyari ng ilang araw. Nanginginig ang kamay ko. Kailangan kong inumin ang gamot ko. Hindi ako pwedeng magkalat ngayon. Kailangan kong icompose ang sarili ko.
Agad kong kinuha ang pampakalma ko sa aking bag. Lumagok ako ng isang tableta at ininuman agad ng tubig.
Isang oras pa ang lumipas at pinatawag na ang lahat sa board room. Agad kong pinuntahan si Sahin at tuwang tuwa pa siyang kinakausap ang nasa kabilang linya ng phone niya.
"It's time. Kailangan na nating pumunta ng board room, Sahin. Handa ka na ba?"
Nagpaalam siya sa kausap niya at inilagay sa bulsa niya ang phone niya. Linapitan niya ako at ngumiti siya sakin.
"Wala naman akong choice diba?" saad pa niya bago naglakad palabas ng opisina at agad ko naman siyang sinundan.
Malapit na kami sa board room ng hawakan ko bigla ang kamay ni Sahin at napatingin siya sakin.
"We have to go inside together. Kailangang makita nila na handa kang pangatawanan ang posisyon na naiwan ni Percy. You have to convince them."
At yun nga ang ginawa namin. Sabay kaming pumasok sa board room at nag-aabang na ang lahat sa aming pagpasok. Nasa pinakagitna ng oval table si Miss Diana at nakangiti siya sa aming dalawa habang naglalakad kami patungo sa podium kung saan magsasalita si Sahin.
Nakita ko si Mr. De Lucas at Mr. Grand na lumapit kay Miss Diana na kapwa nalilito kung ano ang nangyayari. Silang dalawa ang may pinakamalaking share sa kompanya maliban sa combined na share ni Miss Diana at ng mga anak niya.
"Gentlemen, please have a seat. I know this is a very sad moment for all of us. Since the passing of my son the COO of Zabringa Pharmaceuticals Percy Zabringa, things have been rough for us especially. He had hopes and aspirations for the company. He was aiming to reach higher goals. But sadly, his time with the living has been cut short. But allow me to give all of you hope. The hope of new beginnings. The hope of somehow my late son's dreams can still be attained. As you all know, I have another child from my second husband. Kumir and I had never been in the best terms since he won't allow me to become a mother to our child. But I still raised him and gave him all the love and support that I could give. Please allow me to introduce my son, Sahin Singh Zabringa."
Nagpalakpakan ang lahat ng nasa loob ng board room at itinuro ko kay Sahin ang podium. Hudyat na iyon na kailangan na niyang magsalita. Ramdam ko ang pressure pero parang wala lang sa kanya ang pagpapakilala sa kanya ng ina.
Naglakad si Sahin papunta sa podium at agad namang nilahad ang speech na ginawa ko para sa kanya. Hindi ko akalain na mabilis niyang mamememorize lahat ng iyon. Sa labas parang basagulero at walang pakialam si Sahin pero alam kong sa loob niya, naroon ang pagiging isang leader. Naroon ang pagiging palaban at paninindigan niya.
"Hinding hindi mo ako mapapalitan, Jansen. I will take you with me to the depths of hell."
Muli nanaman akong nilukob ng kaba. Narinig ko nanaman ang boses ni Percy. Napalingon ako sa aking likuran.
Ang mukha ni Percy na duguan at nanlilisik na mata ang aking nakita.
BINABASA MO ANG
Golden Bug
General FictionJansen was left a widow after his husband died in a plane crash. He thought he gained freedom from the cruel opulent family of his husband but he faced the biggest fight of his life. The fight of taking down the Zabringa Dynasty.