CHPT 2: Salty right?

39 8 2
                                    

  Isang oras na akong nagsasalita at nagpapaliwanag sa key points na dapat niyang malaman tungkol sa kompanya pero mas pinili niyang bumato ng darts at tamaan ang center point nito. Halatang wala talaga siyang interes sa pagiging COO ng Zabring Pharmaceuticals.
 
"Are you even listening to what I'm saying? Naintindihan mo na ba ang flow ng kompanya? Ang mga taong dapat mong kampihan at kailangan mong iwasan? The departments? The operations? The products? The ethics?"
 
Natawa lang siya ng mahina at patuloy na bumato ng darts. Napasapo ako sa aking sintido. Kung pwede lang sabihin kay Miss Diana na iiwanan ko na lahat ng meron ako, kung ano mang naiwan sakin ni Percy dahil wala naman kaming Prenup na pinirmahan, technically sakin mapupunta lahat ng naiwan ni Percy pero hindi ko ugali yun. Nararamdaman ko na rin siguro ang pagod. Ang pakikipaglaban araw-araw para di ako maipit sa pinakababa ng food chain.
  
"Alam mo, di ko talaga maintindihan bakit pumayag kang maging asawa si Percy. Bukod sa iyakin, matatakutin at napakadaling paikutin. Akala siguro ng nanay ko madali niya akong mabubulag sa pera niya. Matapos niya akong ipanganak, kinuha ako ng tatay ko. Lumaban si tatay ng patayan makuha lang ako. Pero walang laban si tatay sa isang Diana Zabringa. Kaya lumaki ako sa bahay na ito. Nung nasa hustong gulang na ako, ako na mismo ang naghanap sa tatay ko. Maswerte naman ako at nahanap ko siya."

  Napatingin siya sakin habang ako ay nakikinig lang sa kwento niya.
  
"Si Percy, naging paborito siya dahil madali siyang mapasunod ng nanay ko. Natatakot siya na maparusahan. Natatakot siya na itakwil. Lahat ng kalokohan niya, isinisisi niya sakin. Nakakatawa nga eh, gustong gusto niya na mamatay na ako. Pero siya pala ang unang mamamatay saming dalawa."
  
"Kaya ka ba bumalik dito para lang pagtawanan ang pagkamatay ni Percy? Para ipaalam sakin na tarantado ang taong pinili kong maging asawa?" hindi ko hinintay na makapagsalita pa siya. Hindi ko alam kung bakit pinipilit kong protektahan ang pangalan ni Percy dahil alam ko naman na lahat ng sinasabi ni Sahin ngayon sakin ay totoo.
  
"Kapatid ko si Percy, ngunit kahit kailan di kami nagturingan na magkapatid. Ah, ilan nga ba ang anak ni Diana Zabringa? Si Alessandra at Apollo? Si Percy lang ang golden child niya. Ngayong wala na ang golden child niya, kailangan kong saluhin ang posisyon na yun. Alam mo ba kung ganu kalaking insulto yun sa pagkatao ko? Ang gawing isang substitute?"
  
Bumato muli siya ng isang dart at tumama ito ng sakto sa bullseye point. Napatingin siya sakin at ngumiti.
     
"Huwag kang mag-alala, Jansen. Alam kong gusto mo nang makawala sa Zabringa. At yun din ang gusto ko. Kaya sana magtulungan nalang tayo. Okay?"
     
"Hindi mo alam kung ano ang gusto ko, Sahin. Ang mahalaga sakin ngayon, hindi mawala ang kontrol ng pamilyang ito sa kompanyang pinaghirapan ng nanay mong mabuo."
    
"Techna Pharmaceuticals was established as a drug production company in 1985. Owned by 4 different families that decided to sell it and soon acquired by the Zabringa family. Diana Zabringa served as its CEO from 1987 to the present day. She molded the company into not just life saving drugs but also quality of life products that made it very different among its competitors to this day. Taravin is its most popular product that helps manage pain without any adverse effects. The company's value is at 10 Billion Dollars as of this year and is expected to yield even further due to the breakthrough of cancer preventing drugs from its clinical trial stage."

  Sa wakas ay nakinig na sakin ng tuluyan si Sahin. Pinakita ko sa kanya lahat ng members ng board at kung sino ang dapat niyang kaibiganin at dapat niyang iwasan. Mga taong posibleng makahanap ng butas laban kay Miss Diana.
 
  Di ko na namalayan na nakatulog na ako sa sofa ng study room habang binabasa ang annual report na ididiscuss ko sana kay Sahin.
 
  Nagising ako na may mabigat na nakadagan sakin. Minulat ko ang mata ko at napaiwas ako agad ng tingin dahil nasa dibdib ko payapang natutulog si Sahin.
   
Masiyado niya naman atang sineryoso ang role niya bilang asawa ko. Hindi pa nag iisang linggo na nailibing namin si Percy at may ganito na?
  
Tinapik ko siya sa kanyang braso pero mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap sakin. Nananadya ba talaga siya? Inipon ko ang lahat ng lakas ko at malakas ko siyang itinulak at nahulog nga siya sa carpeted na sahig at napasapo siya sa ulo niya dahil sa dami ng ininom niya kagabi.
 
"Aray! Gago ka ba? Bakit mo ako tinulak?"
  
"Wala kang karapatan na yakapin ako dahil hindi pa kita kilala. At kung pwede lang, please don't hug me like that. Hindi totoo ang relasyon natin. At hindi pa nag iisang linggo mula ng ilibing ko ang asawa ko. Kahit yun nalang, irespeto mo sana."
   
Napakamot naman siya ng ulo niya at iniwanan ko na siya sa study room. Tinawagan ko si Ophelia upang ipahanda sa mga maid ang kakailanganin ko para igroom si Sahin.
  
  Naghilamos ako ng mukha sa washroom ng kwarto namin ni Percy. Agad kong pinuntahan ang walk in closet naming dalawa. Amoy ko pa rin ang pabango ni Percy habang isa isang tinitingnan ang mga suit niya. Ngayon lang nag sink sa akin na wala na pala akong pagsisilbihan. Pagkagising ko ng umaga, hinahanda ko na ang isusuot niya. Lahat ng kailangan niya nakalatag na. Ang mga dapat niyang gawin sa araw na iyon ay isa-isa kong binabahagi sa kanya habang naliligo siya. Hindi ko alam pero nasanay nalang ako. Iyon naman talaga kasi ang magiging silbi ko bilang asawa niya.
  
Minsan iniisip ko pa rin, paano kung di ako nakilala ni Percy? Ano ang buhay ko ngayon? Ang buhay ng pamilya ko?
   
Nagring ang aking phone at napangiti ako agad sa pangalan na nasa screen.
  
"Mama? Kumusta? Sorry hindi ko kayo matawagan nitong mga nakaraan. Masiyadong naging busy."
 
"Naku anak, huwag mo akong alalahanin. Ayos lang ako dito. Ayos lang kami ng mga kapatid mo. Alam namin na nagluluksa ka pa rin sa pagkamatay ni Percy. Gusto ko lang din malaman kung ayos ka lang ba?"
 
Dama ko sa boses ni Mama na nag-aalala talaga siya sakin. At doon ako mas lalong napangiti. Marinig ko lang ang boses niya, nawawala na ang kalungkutan na nararamdaman ko. Nawawala ang pagtatago ko ng aking emosyon.
   
"Uhmm... Ayos lang po ako, Ma. Susubukan ko pong makadalaw diyan sa susunod na linggo. Ikumusta mo nalang po ako kay Karl at Laurence."
  
"Oh sige anak. Basta tandaan mo, nandito lang kami palagi para sayo anak. Kailangan mo magpakatatag. Malalagpasan din natin lahat ng ito. Hinihiling ko lang naman na sana ngayon dahil wala na si Percy ay mas madalas ka na naming makakasama."
  
Napangiti nalang ako sa huling sinabi ni Mama bago ko tuluyang ibaba ang aming tawag. Alam ko naman kasi na hanggat nasa kamay ako ng mga Zabringa, wala akong kalayaan.
  
  Papasok na sana ako sa banyo nang makasalubong ko si Sahin. At alam kung wala siyang saplot dahil pababa ang pagtingin ko sa kanya. Napalunok ako at napatalikod ng mabilis upang magbigay daan sa kanya. Kelan siya nakapasok dito?
 
  "Pinapaalala ko lang sayo na hindi ito ang kwarto mo. Kwarto namin to ni Percy at wala kang karapatan na i-invade ang privacy ko."
   
Humarap sakin si Sahin na tumutulo pa rin ang mga butil ng tubig mula sa ulo niya pababa sa kahubdan niya. Alam kong sinusubukan niya ako. Inaakit sa katawan niya na halata naman mas maganda kesa sa katawan ko at katawan ni Percy.
   
"Pinaapalala ko din sayo na wala na si Percy. At gaya ng sabi ng nanay ko, ako na ngayon ang asawa mo. Kahit parang napakasira ng ideya ng nanay ko, siya ang may hawak sa mga buhay natin. Kaya kung ako sayo, sanayin mo na ang sarili mong nakikita akong nakahubad."
  
Sinabayan pa niya ng kindat ang sinabi niya bago tumalikod sakin ng tuluyan at maghanap ng tuwalya. Napasapo nalang ako ng aking noo.
   
Kailangan ko talaga ng lakas nga loob. Kasi ngayon pa lang, numinipis na ata hairline ko.

  *×*×*×*×*

   Nakangiti si Miss Diana habang tinitingnan ng maiigi si Sahin. Ako din naman ay di makapaniwala na bagay pala talaga sa kanya ang executive look. Kunting grooming lang ang ginawa ko sa kanya at bumagay din sa kanya ang red undershirt at black na suit na pinasuot ko sa kanya.

  He is taller than me. 6'3" ang tangkad niya samantalang 6 ft. lang ako. At bagay sa kanyang ang suit dahil custom made talaga iyon para sa kanya.

    "You look good, Sahin. I hope you are as sharp as you look. Sana ay hindi ako mapahiya mamaya sa board."

     Napansin ko naman ang pag-irap ni Alessandra sa sinabi ng nanay niya. Tiningnan niya ako at napailing habang kumakain.

    "I have a golf competition coming up. And I would like Kuya Sahin to come join my party. Its not a request, I am ordering it." biglang nagsalita si Apollo at napabaling ako ng tingin sa kanya.

    "What do you need him there for? Hindi pwedeng sumama si Sahin sa golf competition mo because I know he will be in trouble just like what you did the last time."

    "Mom? Hanggang ngayon ba ganun pa rin kalaki ang disappointment mo sakin? I won that fucking competition. I won it. It was not my fault that someone's wife wanted to be fucked by me. I obliged!"

  Dinamba ni Miss Diana ang mesa at alam ko kung ano ang mga susunod na mangyayari.

    "Ah, so dahil nanalo ka sa competition na yun, ok lang sayo gumawa ng eskandalo? You really know how to push my buttons. Kung hindi dahil sa PR comnections ni Jansen sa organizers ng Golf Competition mong yun at hindi pumayag na makipagareglo ang asawa ng babae that you were saying that wants to fuck with you, our deal with other big pharma companies would have been gone, blown like the wind!"

   Napasapo siya sa noo niya at muling humarap kay Apollo na ngayon ay nakakuyom na ang kaliwang kamay.

    "Kapag nasira ang image ng Zabringa dahil sa kagagawan mo o ng kahit na sino man sa inyo, lahat tayo lulubog. And I won't let that happen. So no, Sahin will not go with you in that competition. And please, kung kinikilala mo talaga akong ina, keep your dick to yourself!"

    Umalis si Misa Diana sa harapan namin at patuloy lang ako sa aking pagkain. Samantalang matatalim na mga mata na ang pinupukol sakin ng magkapatid na nasa kabilang banda.

    "Amazing ka talaga, Jansen. Mukhang ikaw na ang susunod na tagapagmana ni Diana Zabringa. Bida ka nanaman ngayon. At anong susunod, pati si Sahin uutuin mo rin katulad ng ginawa mong pang-uuto kay Kuya Percy? Galing! Pero tandaan mo 'to. Habang nasa kamay ka ng mga Zabringa, you are walking in thin ice. Kaya mag-iingat ka at huwag na huwag kang magkakamali."

   Seryoso ang mga binitawan na salita ni Apollo sakin bago niya lisanin ang mesa. Alam kong malaki ang galit niya sakin. Maraming bagay ang unti-unting lumalabas ngayong wala na si Percy.

   Nilalabas na nila ang kanilang mga pangil at sungay.

   

Golden BugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon