Kabanata 2 REBELASYON

32 1 0
                                    

/2/ REBELASYON

Hapong-hapo sa pagod at puyat, simula pa kasi nung namatay si Ella, palagi na lang akong nalilipasan ng tulog dahil sa kakaisip, at pag-mukmuk sa aking pighating kalungkutan na dinaranas. Kaya, gayon na lamang ako nagkaroon ng pansamantalang pahinga para matulog, simula nung nailibing na siya.

HABANG Mahimbing akong natutulog sa aking silid—Ng may bigla akong nakarinig na tunog na nagmumula sa labas ng pinto. Tumayo ang aking balahibo dahil sa takot ng mga oras na iyon. Dahil sa tatlong malalakas na katok, ako’y agad na napatayo sa pagkakahiga, at agad na tumungo papalapit sa pintuan, at nag-aalangan na buksan ito, at tinanong kung sino nga ba ang nasa labas at ito naman ay agarang sumagot, mga pulis pala ang nasa labas, kaya dahan-dahan kong binuksan ang aking pinto.

Knock knock knock

"Tao po? Tao po? Mga pulis kami!" wika ng mga mamang pulis mula sa labas ng pintuan. 

Pagkabukas ko agad ng pinto ay tumambad sa akin ang tatlong police na may matatangkad na postura, at kaagad na binati ako ng mga ito.

"Magandang umaga naman Sir. Noel! Pasensya na po, mukang naistorbo pa ho namin ata ang Mahimbing niyong tulog! Sa katunayan po nandito kami dahil may mga nais lamang po kaming ipagbigay alam na impormasyon mula sa inyo, ito po ay napakahalaga at pribadong usapin pa tungkol po roon sa kaso ng iyong girlfriend na si Ella. Maari po ba namin kayong maimbitahan namin sa prinsito? Kakausapin lang po namin kayo! Para po sa imbestigasyon! Huwag po kayo matakot Sir. Noel!" 

Agad akong nag-react sa sambit ng isang pulis sa akin "Saglit lang po mga Sir! Pwede po ba muna ako magbihis?" Sabi ko at sumagot naman ang pulis "Sige po, Sir! Wala naman pong problema".

Dali-dali akong pumanik sa aking kwarto pa itaas upang magbihis. At halos hindi na rin ako nakaligo at nakapag hilamos sa kadahilanan inaantay nga ako ng mga pulis sa labas. "Okay na po, Sir! Pwede na po tayo umalis!" Agad nila akong pinasakay sa isang patrolling car na sasakyan at mabilis itong umandar papalayo sa aming bahay.

POLICE STATION.

"Huwag, po kayong kabahan Sir! May itatanong lang po kami sa inyo!" Sabi ng isang pulis na nag-interview sa akin. Bakas sa akin ang takot at pangamba dahil walang talaga akong ka-id-idea sa mga nangyayari.

"Sir, Chineck po namin ang cellphone ng iyong girlfriend na si Ms. Ella, base po sa aming nakita. Kayo po ang huling tinawagan ng biktima ng mga oras na naganap ang krimen. At mule sa crime scene po nakita naman na hawak po ni Ms. Ella ang kanyang Cellphone." Wika ng police na nag-iinterview.

"Opo, Sir! Tama po kayo! Tumawag po sa akin si Ella nung nangyari ang krimen… halos dinig po ng dalawang tenga ko ang paghingi niya saklolo at pagmamakaawa pero… ilang sandali pa, ay tuluyan nalang po nawalan ng boses si Ella."

"Nasan po kayo ng mangyari ang krimen?" 

"Nandoon  po ako sa bahay nung mga oras na yun Sir!"

"So, ano po ginawa niyo ng sumunod? Ipinagbigay alam niyo po ba agad ito sa mga police?"

"Dali-dali po akong nagtungo sa pinakamalapit na station Sir. Dito po sa istasyon niyo! Pina report ko po agad sa police yung nangyari! Sabi ng pulis mag-antay daw po muna kami ng 24 hours bago po ideklara na missing si Ella. Tapos mga tanghali po, ayun na po yung binalita sa amin ni tita. Patay na raw ho si Ella!" Sambit ko sa isang pulis habang nanlulumo at namumugto ang aking mata.

"Nakikiramay po kami sa inyo sir Noel! Sa totoo lang po ay isa ito sa kaso na aming ini-imbestigahan sa bayan ng Marisawa. Marami na pong kababaihan ang dinukot at pinatay doon, kabilang na po ang iyong girlfriend na si Ms. Ella, hanggang ngayon po ay case unsolved pa rin po ang kaso na ito. At ang pumaslang ay nanatiling malaya at nag-aabang ng bago niyang bibiktimahin."

The Night StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon