Kabanata 1 BANGKAY SA DAMUHAN

36 1 0
                                    


/1/ BANGKAY SA DAMUHAN


MATAAS—at malalagong palay ng damo ng mais sa napakalawak na kapatagan ng malayang sakahan. Animo'y nagsasayaw sa hangin ang mga damo, na kasing taas ng tao, kasabay sa init ng temperatura na nanggagaling sa enerhiya mula sa kalangitan, doon sa kalagitnaan ng katanghalian.

Isang mamang magsasaka ang tumungo sa palayan upang mag-ani ng ginintuang mais. Ngunit, habang kanyang binabagtas ang makipot na daan sa gitna na nagtataasang palay, siya'y napahinto sa kanyang paglalakad, at mabilis na napahingal ng malalim, ang kanyang mga pawis ay tumagaktak sa kanyang balat, ang kanyang mga mata'y nanlaki dahil sa takot, sapagkat nakita niya ang isang babaeng nakahandusay sa lupa, walang buhay, walang saplot, at naliligo sa kanyang sariling dugo. Ang mamang-lalaki ay nagulantang at naparikas sa takbo ng dahil sa kanyang nasaksihan.

"Hala! May pinatay nanaman!" Bigkas ng isang residente at napakunot ang kanyang noo.

Sumagot ang isang bakla at sabay nagtakip ng kanyang bibig, "Nakakashokot na talaga sa Marisawa!"

"Kaya dapat bantayan niyo ang mga anak niyo ng maigi!"

"Jusmiyo! Anong bang nangyayari sa bayan natin!"

"Jusko po! Kawawang dalaga! Ave Maria!" Saad ng isang ale habang siya'y napadasal at napa-sign of the cross.

"Kaya nga eh, grabeh! Nakakatakot na talaga sa lugar natin!" Sagot ng isa habang nagpapaypay.

"Grabe ang daming saksak sa katawan! Hindi na makilala dahil sa dami ng dugo!"

Na-alarma ang buong residente sa bayan ng Marisawa dahil sa may pinatay na naman daw na isang dalaga, at hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng babaeng walang-awang pinaslang.

Parang hayop ang gumawa nito sa kanya, dahil walang matinong tao ang gagawa ng ganitong klase na krimen.

Habang nasa crime scene ay may magkakaibang komento ang narinig mula sa pinangyarihan, at ang ilang residente panga ay napuno ang agam-agam para sa kani-kanilang mga anak na babae.

Maya-maya pa'y dumating na rin ang mga pulis upang mag-imbestiga. "Oh! Excuse muna ho! Mga pulis kami! Usog-usog muna po tayo ng unti ha?" Saad ng isang pulis habang papalapit sa biktima.

Agad na nag-imbestiga ang mga police, at kasunod non, ay sinimulan nilang siniyasat ang lugar na pinangyarihan ng krimen upang humanap ng mga ebidensya na magagamit sa kasong ito. At sa kanilang paghahanap at pag-iimbestiga, ay tumambad sa kanila ang isang umaalingasaw na nakakasura na amoy ng bangkay nang biktima.

"Sir! May Cellphone po rito oh!" Bungad ng isang police habang nangangalap. "Itabi mo, at magagamit natin na ebidensya yan!" Sagot ng isang pulis, at agad niya naman ito sinunod.

Ang isang mamang pulis naman ay nagsimulang buksan ang bag ng biktima at may napansin siyang isang ID.

"Sir, Lapit po kayo rito! Meron po ID ng babae!" Agad inabot ng police ang ID sa isang pulis na may mataas na rango. "Ella Rodriguez" Saad niya, habang utal-utal na binabasa ang pangalan nito. Sakto, ay biglang dumating naman ang media upang mag-ulat sa pinangyarihan ng krimen.

"On air na ba?" sabi ng anchor

Sagot ng isang pawis na pawis na camera director. "Oh, Stand by lang! Magbibilang ako Isa, dalawa, tatlo!"


Introduction:

Magandang tanghali, narito ang unang nagbabagang balita para sa araw na ito!

Isang malungkot na balita ang hatid namin para sa inyo!

Live po tayo ngayon sa Barrio de Marisawa!


Exclusive Report:

Kaawa-awang dalaga nanaman po ang pinaslang sa bayan ng Marisawa. Ang babae ay hindi pa pinangangalan ng mga polisya.

Kagila-gilalas ang sinapit ng babaeng ito, at puro saksak sa ibat-ibang parte ng katawan. At sabi pa, nang polisiya, na ang posibleng ikinamatay daw nito ay ang malaking tama sa kanyang lalamunan, na naging dahilan sa kanyang pagkamatay. At hanggang ngayon, ay inaalam parin nila kung magka-konektado ba ang mga sunod-sunod na pagpaslang sa Barrio de Marisawa!?


WARNING!

Kaya mga kababaihan, tayo po'y lahat ay mag-iingat!

!May The God Be With You...

Sapagka't tayo po ang bini-biktima ng hindi pa kilala na salarin, na Si Alias (The Night Stalker).

"Cut" sigaw ng camera director

-Noel POV

"Magandang tanghali Sir! Ikaw ba si Noel?" tanong sa akin ng isang pulis mula sa police station.

"Sir, opo! Ako po si Noel" halos ako'y nanginginig sa kaba ng tawagin ako ng isang police. Dahil kagabi pa ako hindi mapakali sa sarili, habang nag-aantay sa ibabalita sa akin ng police. At ito na nga ang masaklap. Wala na ang aking girlfriend na si Ella. "Kaano-ano po kayo ng nawawala na si Ms. Ella Rodriguez?" Saad niya, at sumagot ako. "Boyfriend niya po ako! Kamusta po siya? Okay lang po ba si Ella?" Sadyang napakarami ko pa sana gustong itanong sa pulis dahil talagang nababahala na ako simula kagabi pa. "Huwag po kayo mabibigla, Sir ah! Wala na po si Ella... natagpuan po siyang patay sa damuhan sa bayan ng Marisawa. Nakita po sa School ID niya, na may name tag na Ella Rodriguez. Nakikiramay po ako Sir!" Sabi ng pulis sa akin habang hinihimas niya ang aking kaliwang bisig para subukan na pakalmahin ako. Halos nanghina ang aking mga tuhod at napasalampak na lamang ako sa aking kinatatayuan sa sahig. Hindi ko kinaya ang masamang balita na binitawan sa akin ng isang pulis. Wala na, wala na... si Ella... Gulong-gulo ang isip ko nung mga oras na iyon. Hindi ko parin matanggap na talagang wala na siya. Habang ako'y nagmumukmok sa sulok, ay may biglang tumawag sa akin pangalan, si tita, ang mama ni Ella.

"Noel? Kamusta na? Anong balita Kay Ella? Ano sinabi ng pulis sayo? Sumagot ka Noel!" Saad ni tita sa akin habang siya'y sumisigaw at umiyak.

"Tita... Patawad... ngunit wala na po si Ella! Patay na po siya! Natagpuan daw po siya kaninang tanghaling tapat sa damuhan at wala ng buhay." Sagot ko.

"Jusko po! Hindi ito totoo! Lord, bakit mo ginawa samin to? Napakabait ng anak ko! Marami pa akong pangarap sa kanya!"

Lumapit ako kay tita at niyakap siya ng marahan. Pareho kaming nag hinagpis sa nalaman namin, sa pinakamamahal naming si Ella.

"Hayaan mo, Tita! Paghihiganti natin si Ella! Sa kamay ng mamamatay tao! Ako ang papatay sa kanya mismo!"

Yan ang huling sinabi ko kay tita. At nangako ako sa kanya na ipaghihiganti ko ang nag-iisa niyang anak na si Ella sa kamay ng mamamatay tao na Si Alias The Night Stalker.


One week later...

October 13, 2023, Araw ng biyernes ay hinatid na namin si Ella sa kanyang huling hantungan. Marami ang nakipaglibing kay Ella. Ang kanyang mga kalapit na kaibigan, ka-eskwela, ka-anak at mga kapitbahay ay kasama namin ni tita na nagdurusa at nagluluksa sa pagpanaw ng pinaka mabait at mabuting tao na si Ella. Paalam, mahal ko! Patawad, dahil hindi kita nailigtas at ipinagtanggol ng mga oras na kailangan mo ako, hayaan mo mahal. Matulog kana ng mahimbing... ako na ang bahalang maghiganti at kunin ang hustisya na nararapat para sa iyo. Buhay ang kanyang kinuha, buhay rin ang kanyang itutubos. Yang ang aking sinasambit ng mga oras na pinapasok ang kanyang kabaong sa puntod. At kasabay non ay ang pagtulo ng luha ko sa aking mga mata...

#TheNightStalker

The Night StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon