Prologue: The break up

177 24 69
                                    


THE CLOUDY afternoon projected a dark sky. Ngunit makakapal man ang ulap, parang mas makapal pa rin ang maga sa ilalim ng mga mata ni Athena. Hindi pa ito natutuyuan o napapagod sa pag-iyak. She was sitting on a bench under an old tree in front of Plaza Mayor, not moving as she seemed so lost. She couldn't hide grievance in her eyes as she stared blankly on her paperworks. Kahit pa hanggang ngayon na lang ang pasahan ng mga gawain niya, wala siyang ganang gumawa ni isa sa mga iyon.

"Athena!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya pero hindi niya iyon nagawang lingunin. Ngumiti lang siya nang mapakla sa kawalan saka napakurap.

"I saw your missed calls. May inasikaso lang ako sa bahay. Bigla kasing tumawag yung yaya ni Kiera. Iyak daw nang iyak. . ." Hinihingal pa ang binata at napapapikit sa pagpunas ng kanyang pawis mula sa pagtakbo.

Pero bago pa ito matapos magpaliwanag ay umimik na si Athena. "Kumusta na ang kapatid mo?" She managed to be heard even if it was almost a whisper in the midst of a busy lane full of wandering students.

"Wala naman daw nangyari. Na-miss lang ako." Napakamot pa sa ulo ang binata saka alanganing ngumiti habang nauutal ang boses matapos sumagot kay Athena. Napansin niya sigurong hindi sapat ang paliwanag niya kaya naman mabilis itong tumabi sa dalaga. "I'm really sorry, Babe . ."

"Sorry? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Athena surely displayed annoyance in her voice. Hindi rin maipinta ang ekspresyon ng pagod niyang mga mata.

"Bumalik naman ako," katwiran nito. Mahinahon man ang pagbitaw niya sa mga salitang iyon, hindi pa rin nagustuhan ni Athena ang tono ng kanyang pananalita.

"Too late!" Athena was leaning forward as she shouted out of irritation. She was directly confronting him with that stance. "You are too late! Saka aanhin kita?" Sa pagkakataong ito, maging si Athena ay masyado na ring napupuno ng emosyon at maaaring hindi na nakapag-iisip nang tama kaya ganito na lamang ang nasabi niya.

"Ano?" And because of that, the guy who was composed earlier became slightly pissed.

"Have you even read my messages?!" Hindi naman natinag noon si Athena. Para sa kanya, mas matimbang ang hinaing niya ngayon at mas mahirap ang pinagdaraanan niya.

"I lost my phone on my way home. Hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon. I just looked for you and I found you here. Ano ba ang nangyari? We can talk about it." Those words didn't make any effect on her. Maraming tumatakbo ngayon sa isip niya kaya ang sinasabi ng kanyang nobyo ay hindi niya na naiintindihan.

At dama naman iyon ng kasintahan ni Athena, na hanggang ngayon ay pilit naman siyang iniintindi kahit hindi man lang napakinggan nang maayos ang hinaing nito. Alam rin kasi nitong mabigat ang dinadala ni Athena at malaking bagay para sa dalaga ang kanyang pag-aaral.

Athena will always be Athena. An achiever in every single way. Kaya niyang ipamukha sa kahit kanino kung gaano siya kasipag mag-aral, puwera lang siguro sa pamilya niya.

So this state of her was unforeseen. First and foremost, wala namang may gusto ng nangyari. Wala namang nanadya na mawala si Toffee, ang aso ni Athena, not until she checked the CCTV. . .

"You forgot to close my fucking door when you left without a notice," Athena finally uttered something. Puno ng diin ang bawat salitang binitawan niya, dahan-dahan ngunit hindi kalmado dahil ramdam ang bawat emosyon sa mga salitang nanginginig pa.

May gulat sa mukha ng kanyang nobyo ngunit naagaw agad ng pagtunog ng alarm ang pansin nito. Mabilis na tumindig ang lalaki at tinapik ang kanyang likod.

"Kailangan mo nang pumasok. Pag-usapan natin 'to mamaya, Babe. Sorry talaga pero malapit na ang klase natin. Kailangan pang mag-prepare. . . Bakit nasa iyo 'to?" Napatigil ang lalaki sa pagliligpit ng mga gamit ni Athena nang mapansin niya ang isang pamilyar na papel na nakalagay sa isang plastic cover.

Ngunit hindi sumagot si Athena. She just looked away with her shaky gazes.

"Nadala mo yata yung final output ko? Bukas ko pa ipapasa 'to, Babe." Her boyfriend became confused. Nagkibit-balikat ito at kukunin na sana ang papel nang inagaw iyon ni Athena.

"I'm planning to throw it," she even stated.

The guy looked so shocked. "Throw, what?"

Athena's eyes met his. Nangungusap ang mga mata niya sa pagkakataong ito, hanggang sa nagmistulang yelong natutunaw ang mga ito. "Kung babagsak ako, samahan mo na lang ako." Nagawa pa nga niyang hawakan ang kamay ng nobyo.

Ngunit mabilis ding pumiglas ang lalaki matapos marinig ang sinabi niya. "Athena! Anong babagsak? Have you lost your mind? That's crazy! That's impossible!" Hindi na nga napigilang tumaas ang boses nito.

Athena's lips pursed. "Ayun na nga e! Ang galing-galing mo! You are always that charming, genuis guy! Hindi ka namomroblema sa acads even with your extracurricular activities tapos heto ako! Lunod na lunod na tapos hindi mo man lang ako tinutulungan tapos. . . tapos. . . ayaw ko na. . ." Athena broke down.

"Athena, hindi ako pwedeng bumagsak." He was so frustrated. Pinipilit niyang maging mahinahon kahit na naririndi na siya sa kanyang kasintahan. After all, Athena was not the only one who has problems here. "Mawala na sa akin ang lahat ngayon, pero ipapasa ko ang mga courses ko."

Athena stopped sobbing for a moment then she looked up to him once again. "Kahit ako?" She misunderstood it.

"Athena naman. . ."

"Bakit kaya wala ka ng oras sa akin? Ano bang ibang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Doon na nga nagsimulang lumikot ang imahinasyon ni Athena kahit wala namang pruweba ang kanyang mga iniisip. Nagpapadala lang siya ngayon sa kanyang nararamdaman.

"Tigilan na natin 'to." Her boyfriend tried to dodge the situation. Alam nitong may mas importante pang bagay kaysa sa pinagtatalunan nila ngayon.

"Oo! Itigil na natin!" Athena averred and that sounded like a double meaning statement.

"Yung away, Athena. Hindi tayo!" Napahilamos na nga lang ng mukha ang binata. Tumayo ito at bahagyang lumayo para huminga nang malalim.

"Nope! We better stop this nonsense!" Hindi pa rin nga tumitigil si Athena.

"Nonsense?! Nonsense 'to? Putangina, Athena, sa dami ng inambag ko sa relasyong 'to!" And that made Athena stun.

Ilang beses itong napailing-iling habang nakangiti, binabalikan ang lahat ng mga pangyayari ngayon sa buhay niya. Her practical exams in foundation of language learning. Her methodology class for language research. Her English structure worksheets. Her theater performance. Her breakdowns. Her abandonment trauma. Karamihan doon ay wala ang kanyang nobyo.

That conversation ended. Athena didn't say a thing. She just walked away after tearing the final output of her now ex-boyfriend.

Sunbathe Under The ThunderstormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon