Epilogue: Koa

55 6 2
                                    

MY EARS almost rang after hearing Mr. Jocson's words for me. "You still have two days and you give up already? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa 'yo, Sembrano. . . Hindi yata ikaw yung Sembrano na nakausap ko five years ago."

Nagpabalik-balik ang lakad ko sa labas ng opisina. Baka mamaya sabihin niya kay Athena kung paano kami nagkakilala five years ago. Baka malaman ni Athena kung paano talaga kami naging malapit ng ama niya. . .

I couldn't help but gulp when Mr. Jocson gave me a hand shake with a narrowed eyes. "Mukhang sa maling pagkakataon tayong nagkakilala, Sembrano."

Sembrano. . . Tawag niya sa akin matapos kong ipakilala ang sarili ko, kung ano ako sa buhay ni Athena, at kung ano ang nangyari sa amin kamakailan lang.

"Gusto mo bang gisingin ko si Athena para makapag-usap kayo?" Tatalikod na sana siya pero tumikhim ako dahilan para matigilan siya at humarap sa akin ulit.

"Huwag na po, Sir," I calmly yet firmly declared.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mr. Jocson. "Ayaw mo bang. . . .magkaayos kayo?"

Kung itong bersyon ng isang Koa Orpheon Sembrano ang babalikan niya, huwag na lang. I was not even confident that this version of myself could handle Athena's current state. Parehas kaming may gusto pang patunayan sa buhay, at hindi iyon para sa isa't isa. Those thoughts helped me conclude one thing. "Hindi na po muna, Sir. Aayusin ko po muna ang buhay ko, at hahayaan kong maging okay rin ang kalagayan ni Athena. Baka makasagabal at magkasakitan lang din po kami," I said in finality with a short smile drawn on my lips. "Saka kayo po talaga ang sadya ko," I admitted.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Mr. Jocson pero isa lang ang sigurado ako, hindi siya galit sa akin kahit na may nagawa akong hindi maganda sa anak niya, kaya naman nang yayain niya akong pumasok para uminom saglit, hindi na ako tumanggi. Siguro parehas din kami ng rason, gusto naming makilala ang isa't isa. . .

"Ano ba ang kailangan mo?" Mr. Jocson started. Kasabay noon ang paglagay niya ng brandy sa basong para sa 'kin.

Gustuhin ko mang umatras, hindi ko 'yon pwedeng gawin. Kaya wala akong nagawa kung hindi mapalunok, kasabay ng paglunok ko sa pride ko. "Kailangan ko po ng trabaho."

"Trabaho? Work? I thought you and Athena are in the same year." Confusion filled Mr. Jocson, nakita ko kung paano malukot ang mukha niya sa hindi inaasahang pabor na hinihingi ko.

"Kung hindi po ako magtatrabaho, hindi po magiging maayos ang buhay ko. Sir, my Dad is currently in his lowest. Baldado at clinically diagnosed po ng severe depression. Na-bankcrupt po kasi ang business niya na inaasahan ng pamilya namin. Iniwan naman po kami ng nanay ko dahil sa bigat ng pangyayari at nakahanap na rin agad ng ibang pamilya. May kapatid pa po akong kailangan mag-aral." Mahaba ang paliwanag ko pero kita ko kung paano ako pakinggan ni Mr. Jocson ngunit wala siyang imik hanggang sa huli, kaya naman tumikhim ako. "Please give me a chance to prove myself to you and I promise to go back to Athena if we meet again after years. Kapag stable na po ako sa lahat ng aspeto at kapag kaya ko na po siyang harapin, babalik po ako para sa kanya. Ako na lang din po ang magpapaliwanag sa kanya ng mga bagay na hindi namin napag-usapan bago kami maghiwalay. Please, Sir. I will never disappoint you with my work," kumbinsi ko pa.

"If you ever disappoint me, I will tell Athena everything." Then he sealed our deal with a smile during a hand shake.

But few seconds after, the smile on my face gradually faded. Parang bigla kong naalala kung anong klaseng ama si Mr. Jocson base sa kwento ni Athena. Nakapagtataka lang na ganoon ang nakikita ko ngayon.

Sunbathe Under The ThunderstormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon