"Oh? Kamusta si Sam? Nakasama ko dati sa MTAP 'yun, eh" Ani Ezequiel habang pababa sila ng hagdanan
"Gago? Ikaw? Nag-MTAP?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryder, nanlaki pa ang mata nito at napahinto sa pagbaba ng hagdan kaya naman binatukan siya ni Theodore.
"Oo, dati kasi kapag kasama ka sa MTAP 'matic matalino kaya sumali ako. Limang session lang naman na-attendan ko!" Bungisngis na sabi ni Ezequiel kaya napakamot nalang ng batok si Ryder at napahilamos ng mukha si Theodore, "Ayun na nga, okay naman daw si Sam. Kailangan lang mag-bed rest tiyaka binabantayan na rin naman ni Nurse Elaine." pagpatuloy ni Ezequiel sabay aya sakanila sa cafeteria.
Madami-dami ang tao ngayon sa school nila dahil ito inaabangan na araw ng lahat, bukod sa misa ay mayroon din iba't ibang stalls, sports competition, at higit sa lahat dance and singing competition. Ang dance and singing ang pinaka inaabangan ng lahat dahil na rin siguro sa mga judges for this year's foundation week celebration.
"Tangina, pre.. 35 pesos na corndog? 'Wag na, bili nalang ako sa palengke mamaya!" Reklamo ni Ezequiel nagpatuloy 'to sa pagreklamo hanggang sa makaabot na sila sa grounds kung saan halos nagtipon lahat ng mga estudyante, faculty and employees, pati na rin ang mga bisita tulad ni Ryder.
"Magandang morning ulit, mama chabs!" Bati ni Ezequiel sa dumaan na si Ms. Chavez
"Good morning, Ms. Chavez!" Bati rin ni Theodore, siniko naman nito ang mahiyaing si Ryder
"Good morning po.." Malumanay niyang sabi sabay ngiti kaya napangiti rin si Ms. Chavez
"Good luck mamaya, mga anak! Laban lang! Oh siya, bago magstart 'yung competition dapat magkakasama na kayong magkaklase. ah? Mauna na muna ako" Ani Ms. Chavez bago sumama sa teachers
Sakto pagkaalis ni Ms. Chavez ay rinig na rinig naman ang pagsimula ng misa sa chapel nila sa taas, nagmasid-masid si Ryder dahil bago lang sakanya ang lugar. May maliit na vikings, mayroon din caterpillar ride, may mga booth din kung saan puwede ka makakuha ng premyo kung manalo ka— lahat ng mga tao dito ay may bakas na ngiti sa mukha nila kaya naman napaisip ang binata kung ano kaya gagawin ng ate at mama niya kung nandito sila ngayon.
"Ano kaya gagawin nila ate kung nandito sila ngayon?" Tanong niya kay Theodore kaya napatigil sa pag-inom ng gatorade ang kasama niya. Si Ezequiel na nakikipagbardagulan sa kaklase niya ay napatigil din.
"W-What do you mean if they were here?" Kinakabahang tanong ni Theodore
"I mean.. kung nandito sila ngayon sa personal? Mags-send lang kasi ako pictures baka mainggit lang sila. Bakit?" Ryder obliviously asked his friends, pero napatigil siya nang makaramdam siyang may nambatok sakanya
"'Yung tanong mo kasi. Akala tuloy nila patay na sila Tita Renee and Ate Ralene." Pagpaliwanag ni Erin na kakadating lang sa pinwestuhan nila
"Ay.. sorry hehe.." Ani Ryder na hineadlock ni Theodore sabay ginulo ang maayos nitong buhok. Tawang-tawa naman si Erin sa kalokohan ng mga kaibigan niya at nakisakay din sa trip ni Theodore.
"Tangina talaga nito akala ko tuloy wala na sila tita! Paiyak na ako, gago!" Ani Ezequiel habang tinuturo si Ryder, tawa rin nang tawa ang kaklase nito. "Tara na nga! Pwesto na tayo, hanapin na natin iba pa nating tropa!" pagaptuloy ni Ezequiel, tumayo na sila at hinanap ang mga kasama nila.
"Rin, do you know Denarie and Allison?" Tanong ni Ryder kay Erin habang naglalakad sila papunta sa pwesto ng senior high school students, tumango naman ang dalaga at tinignan ang binata.
"Yep! Since elementary nagiging kaklase ko na sila, why why?" Tanong pabalik ni Erin kaya nagbago ang isip ni Ryder
"Wala, nadaanan ko lang sila kanina. Nagtanong ako kung saan 'yung St. Albert kasi mukhang approachable naman sila." Ryder did not expect that a white lie would come from him, pero he thinks it would be best na 'wag nalang muna malaman ni Erin ang nangyari dahil baka umabot sa competition ang kaba at stress nito. Naisip din ni Ryder na baka mapiyok si Erin nang wala sa oras.

BINABASA MO ANG
ZONE 04 (APOCALYPSE AU)
AksiIt was supposed to be another normal day in the Sons of Thunder Academy- everyone was busy getting ready for the foundation week. The whole place covered in happiness and fun, not until panic and fear overshadowed the smile on everyone's faces. Alli...