Naging Sila. Promise.

5 0 0
                                    

Third Person's POV

This is it. This is the day. Whoooooooo, Lord, help me today. Sana maintindihan niya. Isip -isip ni Benedict.

Kinuha nya ang polaroid camera at iPhone nya at pumunta sa baba. Hinawakan niya ang kamay ng girlfriend na si Ivy at pumunta sila sa labas kung nasaan ang kanyang kotse.

"Saan tayo pupunta, Ben?"

"Wanna eat in a fine dining restau, love?"

"Okay lang. Lagi na lang tayong McDo eh, nakakasawa rin."

'Anong meron?' nagtatakang tanong sa isip ni Ivy. Sosyal pa talaga ah.

They entered the restaurant. Pinagbuksan pa ni Benedict si Ivy. Pinagsilbihan naman sila ng waiters at pagkatapos lang ng ilang minuto ay nagserve na rin naman ng food. Habang kumakain, nagulat naman si Ivy na kinukunan siya ng picture ni Benedict. Napansin niyang last week pa itong picture ng picture sa kanya. Weird, eh?

"Hey, nakain ako, Ben, please stop it."

"Nah, love, I'm just taking pictures of you." At patuloy pa rin itong picture ng picture.

"Tsk, Ben." Sinamaan na niya ito ng tingin at pinicturan pa rin yun ni Benedict. Hayst, ang kulit.

"Okay, we'll just eat."

Natapos naman na silang kumain at nagpapababa na lang ng kinain. Nakain pa ng dessert si Ivy samantalang tapos na naman si Benedict at ipinagpatuloy na naman ang walang sawang pagpipicture na ngayon ay selfie na rin at balak pa yatang pakisuyuan ang waiter na picturan sila. At pagkatapos nga noon...

"Bakit nagiging vain ka ngayon, Ben? Srsly? Uber sa pictures ha. Nakakairita. Ano bang meron?"

"Ivy..."

"What? Gagawa ka ba ng scrapbook or something? I know malapit na yung anniversary natin. Is this a surprise or what?"

"Ivy. I-L."

AY-EL. Aba't anong pakulo nito? Ano naman yung ay-el na yun?

"Love, I'm sorry." Kinabahan naman dun si Ivy. Is he breaking up with her? Tapos picture ng picture? Tss, you're thinking too much, Ivy.

"What is it? May kasalanan ka ba?"

Benedict held her hands. Pinaglaruan muna niya iyon habang nakayuko at nakatingin sa kamay ni Ivy. Nagtataka naman si Ivy sa inaasta ng boyfriend.

"Ivy, I'm leaving... Huminga muna ito ng malalim bago ipinagpatuloy ang sasabihin... next week."

"Ah. Okay, pasalubong na lang. Saan ba?"

"I'm going to Cali, love. I'm going to stay there for good. You know that my family already migrated there, right? Although magstay pa rito sina Dad, pinapaenroll na nila ako doon. Start na ng classes next week."

"You're not going back anymore?"

"NO! I am going back. Maybe, every year. I will come back for you."

"Oh. Then you shouldn't now, Benedict. Focus. On your studies. It's for your future."

"Hindi naman ganun ka-hassle ang course ko, love. I can take breaks."

"No, as I said earlier, focus on finishing your studies. Hassle ang course mo, Ben."

"What about you?"

"I can manage. Naabutan ako ng K-12 eh. May 2 years pa bago ako gumraduate ng high school."

"You can go to school there. Papaasikaso ko yung papers mo kay Mom. "

"Nah, don't bother. Don't worry about me anymore, Benedict."

"Why? Dahil ba aalis ako?"

"Yes. And... Benedict, it would be better if..."

"No, I hate where this is going, Ivy. I'm not - "

"I'm breaking up with you, Benedict."

"Please, Ivy, mapag-uusapan natin ito, It's for us, right? We can - "

"As much as I want to suggest and try long-distance relationship, it's not going to work. Bata pa tayo, Ben. May mameemeet pa tayong iba dyan. Don't limit yourself with me. I love you, Benedict, okay? But let's save this relationship on the right time. Paano kung may complications? Mahirap. Pangarap kong maging doktor. Let's strive hard for ourselves. It would be better if we'll not be each other's baggage, baby. Understand what I'm saying?"

Nginitian niya si Benedict kahit naiiyak sa loob-loob si Ivy. She needs to be strong. Umiiyak na ang nobyo nito at isinubsob ang mukha sa dalawang kamay. Pareho silang nasasaktan sa sitwasyon. Bata pa lang sila at medyo baguhan sa relasyong iyon. Hindi magiging stable at magiging mahirap kung ipagpapatuloy nila iyon. They need to let themselves free. Kailangan nilang iset aside muna at iprioritize ang pag-aaral. Para rin naman sa future.

Pero sabi nga nila, masamang pinangungunahan ang future. Mas maganda nga ba kung 'we will live in the present' o 'just go with the flow of life'? Di naman kasi natin alam ang mangyayari, diba?

Lumipas ang ilang taon. Ngayon ay nasa 'future' na sila, na iniisip at inaalala nila noon. Anuman ang nangyari ay past na iyon. Masaya na siya. Masakit pero masaya na sila. Madaming pinagdaanan pero tingnan mo nga naman, nasa unahan sa simbahan si Benedict. Nakangiti. Masayang-masaya at makikita ang luha sa mga mata gaya noong panahong naghiwalay sila. Pero noon, dahil sa kalungkutan. Ngayon? Dahil siguro papakasalan na nito ang babaeng mahal niya. Hulaan nyo kung sino.

One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon