January 31, 2016
Galing akong school at gabi na. Naku po, nadala ko pa man din ang susi sa bahay. Niraratrat na ako ng nanay ko ng text di daw siya makapasok sa bahay hahaha. Kyaaaaaaah takbo lang Meishi takbo! Masarap naman hangin ngayong gabi! Taaaaakbo!
At habang tumatakbo ako, parang nagslow motion kaya tumigil muna ako. I catched my breath. Kapagod, woooh kasi naman. Uy ang gwapo naman nung nakasalubong ko. Nakablue tshirt siya. Kapitbahay ba namin yun? Bakit ngayon ko lang nakita? Kaso ang layo pa ng bahay namin, 30 plus pa lang yata ako, pang51 bahay namin. Hayst nandemonai I have to run. Wait lang, mama!
*******
February 14, 2016
Sabi ko sa sarili ko, pag hindi nakared (Ibig sabihin inspired sa pag-aaral, in short taken) si Ken at si Kaya pareho, aamin ako kay Ken. Pagdating ko sa school, ayon, nakared sila pareho. Sabi na nga ba eh, sila na. Ako naman, ang isang cute na tulad ko na walang nagkakagusto ay lugmok. SINO BANG HINDI MALULUNGKOT? HA?! Ang sakit kaya! Umasa akon may chance ako kay Ken eh! (Mabait lang talaga sya, gentleman pa. Leche ka Kaya ang swerte mo long-time crush ko si Ken!)
At eto ako ngayon, naglalakad na naman, walang pakialam sa mundo kasi nasasaktan ako. Kahit crush lang yon, ano. Masakit pa din. Hayst gusto ko maranasan kiligin! Hindi lang sa wattpad, kdramas and movies, gusto ko maranasan sa sarili ko. Cute naman ako ah! May nagsasabi naman sa aking maganda ako. Oo, chubby pero cute! Cute ako! Bakit walang nagkakagusto sa akin?
Tumingin ako sa langit habang naglalakad pa rin at tumutulo na yung luha ko. Bigo na naman kasi. Lagi na lang. Dapat sanay na ako diba? Diba?
"AHHHHHHHHH, why?"
"Why?" Anak ng tipaklong, may nagsalita sa likod ko! "Why? Uh, what?" Hah ano daw nagbuffer utak ko di ko sya magets
"Ha? Pinagsasasabi mo?"
"Why are you crying?"
"And what is it to you?"
"Well, a girl is crying in the middle of the night. Probably from a broken heart. Breakup?"
"How I wish. Hindi naman siya naging sa akin. At bakit ba kita kinakausap? Ugh, bye."
"Wait, hatid na kita. Gabi na eh. Mapahamak ka pa."
"Haller, tagadyan lang ako. No need, I can handle myself."
"Pero delikado, gabi na."
"Eh ano? Sanay na nga ako. Hindi naman delikado, mababait naman mga tao dito."
"I don't know. But I insist."
"Kuya, paumanhin ngunit salamat na lang sa iyong tulong. I trust my neighbors. At hindi kita kilala. Hindi mo din ako kilala. Kaya bye."
Naglakad na ako at nagmoment muli. Para kaming shunga na nag-uusap na hindi magkaharap. Nakatungo lang ako habang nadadama ko na naman ang unti-unting muling pagbiyak ng puso ko. Panira naman ng moment yung nagsalita na yun eh. At nakablue tshirt yata siya. Wala lang, napansin ko noong dinaanan ko siya kanina. Hala, baka multo yun? Omg wag ka lilingon, Meishi. Huwag.
"Bakit ka tumigil?"
"AHHHHHHH MULTO KYAAAAAAAAAH" Tapos nagtatakbo ako sa may poste at umupo sa kalsada. I crouched under the light from the lamppost and covered my face with my arms. Nooooooo, sabi na nga ba eh, dapat hindi ko na lang siya pinansin.
"Hey, I told you ihahatid na kita." Titingala na sana ako pero no, baka mamaya duguang mukha ang bumulaga sa akin. Huwag kang lilingon.
"I'm not a ghost. Stand up." Tapos hinawakan niya yung braso ko. I felt chills kaya tinabig ko. Natatakot ako, hindi ko pa rin siya tinitingnan. "Go. Walk. Ihahatid lang naman kita. At hind nga ako multo. I have a good intention here, miss."
"Fine. Pero hindi kita titingnan."
"Alright. Saan ba bahay nyo? Baka lampas na ah."
"Ito na. Yung brown na gate. Alis na. Shoo. Don't bother me, Casper."
"Okay. Bye. Ingat next time. Huwag ka pagabi." And I heard his footsteps walking back to where we were. Nilingon ko na siya.
"Are you real? Answer me and don't face here." Hinarap ko siya and good thing na nakatalikod na siya. Nakablue tshirt nga siya. Galing talaga ng apat kong mata (nakaeyeglasses kasi ako).
"Yes. I'm not a ghost. I'm your neighbor." Nakatayo na lang siya habang nakatalikod na sinagot ang tanong ko. Kumuha ako ng maliit na bato at binato ko siya sa ulo.
"OUCH! WHAT WAS THAT FOR?!" Pumikit ako baka kasi bloody face makita ko. Pero umaray naman siya so tao siya, diba? Binuksan ko yung mata ko at nakita ko siyang galit at nakaharap na sa akin.
"Hehe, sorry. Tao ka nga. Bye bye. Thank you din!" And I flashed him a toothy grin. Yehey tao siya.
"Ma, andito na me! Makakapasok ka na!"
"Buti naman! Bilis! Ihing-ihi na ako!"
*******
January 31, 2017
Sabi ni Lord. Love your neighbor daw. Okay po. Kasi ngayon, sure na ako sa feelings ko. Pero hindi ako aamin, ano. I just acknowledged my feelings. But I don't want to assume anymore. You've grown up, Meishi. Huwag na ibully si ghost. Mahal mo yun eh.
BINABASA MO ANG
One-Shots
Fiksi RemajaI always daydream. I just want to write it down so that I can look back and visualize them whenever I want to. I want to share it with you, too. ;)