Aasa ba 'ko sa'yo?

0 0 0
                                    


What a wonderful day! Wooooh ang hangin! Ang saya, tumatama sa mukha ko ang malakas na hangin. Buti na lang nakaponytail ako. Nakatayo kasi kami sa van na bukas yung roof. Aaaaaaand we're on our way sa ampunan! Volunteers kami at papasayahin namin ang mga bata ngayon. Katabi ko si Kuya Cyrus at nakapoker face lang sya. Crush ko nga sya eh shhhhh lang kayo ha. Pero di kami masyadong nag-uusap. Di naman kami close eh. Pero medyo ka close ko yung mga kapatid nyang babae. Ewan ko ba sa kanya kung bakit dito siya sumakay eh convoy naman yung sasakyan kung nasaan ang family nya. Ahhh baka kasi andito sina Kuya Maki. Oh well masarap ang fresh air. Kaso feeling ko na-absorb ko na lahat ng dumi, hala makaupo na nga.

"Oh Bella bakit umupo ka na?", tanong ni Tito Boy, siya ang nagdadrive at volunteer din sya.

"Ah,  okay na po ako sa nasagip kong hangin hehehe. "

"Osige isara ko na ha at mag-aircon na tayo. Napakainit ba naman ay, umupo na naman ang katabi mo. Cy, ayos na ba?" Tapos nag wiggle ng eyebrows si Tito Boy, di ko alam kung bakit. Natawa na lang ako kasi ang funny nga mukha nya Haha.  Joker talaga di Tito Boy. Tumango lang si Kuya Cyrus.

"Tiro Boy, matagal pa po ba ang biyahe? "

"Medyo. Isang oras pa. Tulog ka muna."

"Ahm hindi na po. Okay lang po ako."

Tapos may nag-appear na bottle of water sa harap ko.

Joke. Hawak pala ni Kuya Cyrus. "Inom ka?" "Ahhh okay po salamat." Di ako kinikilig. Slight lang mga bes. Pagkainom ko, binalik ko na sa kanya. Sayang di nya natouch kamay ko.

"Tulog ka muna."

"Hindi na po. Titingin na lang ako sa view hehe."

Tapos ininom nya yung ininuman ko. OMYGAH. Iwas tingin, Isabella. Walang malisya yun enebe.

Dumating na kami sa ampunan. Ayos, nakapila na yung mga bata. First time ko nga pala sa ampunan na ito. Inimbita kasi ako nina Kylie (kapatid ni Kuya Cyrus) at willing naman ako sumama.

Pinakilala na kami ng coordinator o namamahala sa ampunan. Pagkatapos ng introduction,  nagsimula na kami. May Program kaming sinusunod. Una, pinakanta namin ang mga bata at kinuwentuhan ng iba't ibang Bible stories.  Tapos naglaro sila (at pilit nila kaming pinasali, ang sarap bumalik sa pagkabata talaga, kamiss! ) at pinakain na namin sila. Nanay nina Kylie ang nag luto at sobrang sarap ng mga lutong pagkain ni Tita. Actually,  ideal family ko nga sila eh. Para kasing ang saya-saya nila. Ako kasi ay nakatira sa puder ng nanay ko tapos pag weekends sa tatay ko naman. So you get the point. Enough of my family, andito naman ako para pasayahin ang mga bata at iparamdam sa kanila ang maging belong sa mundo na ito.

Habang nag-iimis ng pinagkainan, nakita kong nakapalibot ang ibang bata kay Kuya Cyrus. May nakasakay pa sa likod nya at nakakandong sa lap nya. Ang cute!

Lumapit ako sa kanila at nakita naman ako nung isang batang babae na na kalaro ko kanina, si Chloe. "Ate Bella!", tawag nya sa akin at mukhang nagpapabuhat kaya kinarga ko na sya. Kiniss ko siya sa cheeks at binulungan, "Anong ginagawa nyo, baby Chloe?"

"Tinatanong po namin si Kuya Cyrus kung girlfriend nya po kayo. Bagay po kasi kayo eh!" "Yieeeeee!" Nanlaki naman ang mata ko at tiningnan si Kuya Cyrus. Nakatingin lang siya sa mga bata. "Ano na, Kuya Cyrus,  girlfriend mo si ate Bella?" Tatanggi na ako pero nauna siyang magsalita. At hindi ko inasahan ang sagot nya.

"Hindi pa eh."

*kuya @ media is who I imagined to be Cy*

One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon