Savior, He can move the mountains

0 0 0
                                    

Mahigit 2 weeks nansiguro yung nakakaraan simula ng unang banggitin ni mama yung about sa work. Na magtrabaho na daw ako kase wala na kaming pera.

Matigas din naman kase ulo ko, ingrato, dabog,  mura sa kanila..
Hindi kalugod lugod sa harapan ng Diyos.  Kase kasama sa utos ang 'Honor thy father thy mother' pero hindi ko maiwasan na hindi maglash out sa kanila...

Bilang Kristyano napakamali nun... Sabi pano ka pagpapalain ng Diyos kung ganyan ang ginagawa mo sa magulang mo...

21 Sept ng pansamantalang madetain si papa... Nakaaksidente kase sya... Yung truck ng minamaneho nya ay nabangga ng motor sa likod. Bali naka park sya para umihi sa gilid ng daan at doon na nga bumangga yung nakamotor...

Bata pa ika nga nila, 21 daw yung lalaki... At may balak mag piloto pero sa kasamaang palad namatay yung bumangga...

Walang kasalanan daw si papa sa pagkamatay nung binata... Nakapark at nakahazard.. Kasalanan daw nung bumangga kase lasing or karera ata...

Pero syempre nangyari na kawawa yung namatay.. Nakalabas naman na si papa, nakipag-areglo na daw sa namatayan.. Buti nalang tumulong yung employer para magkaareglo pero yung mga magulang nung namatay ay nagtetext pa rin kay mama, humihingi ng dagdag na pera 300k ba o 30k..Pero san naman kami kukuha ng ganung pera...

Si papa ang main earner namin,  bread winner... Dahil sa aksidente 2 weeks sya hindi pwede bumyahe, orientation and all ang kailangan nya bago makabyahe ulit..

Natapos na naman na yung orientation nila pwede na syang bumyahe... Okay na sana pero hindi pa rin... Yung pinagkakaltas sa sweldo nya mas malaki kesa sa naiuwi nyang sweldo...

Dito na naghihimutok ang butsi ng mama ko... Kumuha na daw ako trabaho na ang tanda ko na daw para magtrabaho, na ang laki ng katawan ko para hindi magtrabaho, na magwork study ako,  suportahan ko daw yu ng sarili ko since matigas naman yung ulo ko, kaya ko na daw mabuhay ng sarili ko..

At first deny deny ako... Ayoko, bahala kayo jan, hindi ako magtrabaho, tumigil na lang ako kase ganun din yung mangyayari.. Kaklase ko matalino, magaling, mabait,  maganda crush ng room. Kailangan nya daw magwork (BPO) due to their financial situation. Naisip ko kung magstart na ako magwork mahihirapan ako at matutuloy na ako sa dropping ng course ko..

Hindi naman sa masama ang mga work-study student pero hindi ko pa kaya... Lalo at pilit pa... Walang araw na hindi ko narinig or hindi ko mabasa sa chat nya na magwork na ako... Hindi na nila kayang tustusan yung pag-aaral ko.. Naririndi na lang ako.. Mas lalong umiinit pa yung ulo ko kapag naririnig ko yon at hindi ko maiwasang bumulyaw mainis sa kanila pabalik...

Kaya naman sama lang ako ng sama sa mga kaibigan ko milktea milktea lang sila tumatambay... Hindi ako bumibili, hindi ko afford kase ayaw na rin nila akong bigyan ng baon.. Halos ayaw kong umuwi... Kung pwede stay nalang dun wag ng uuwi kahit nakakastress na yung mga school works... Assignment, recitation, prelim ng major subject, putok ang ugat,  mentally exhausted na kami sa mga topic.

Kaya naman pinagsamang gusto ko ng umuwi kase tapos na yung school na nakakapagod at nakakarindi at nakakasakit na sa bahay na mga salita..

Isip ko san ba ako pwede umiyak na hindi masyadong pavictim... Ayoko sa school baka mapicturan lang ako sobrang nakakahiya nun or kung sa jeep eme ka gurl attention seeker sa public transportation pa talaga... Or bahay ayoko magpakita na mahina at na iyakin ako sa mga salita na sinasabi nila... Unbothered ang script natin.. Kaya pangatawanan

Friday night at Sabado
Pupunta kami sa pinagmimisyonan namin.. Naririnig ko na naman yung mga boses nila kaya naman kinuha ko yung headphone ko nagpatugtog ako ng malakas na praise and worship songs kasabay nun nahahanap ko sa mga ads na dumadaan sa newsfeed ko ng mga work from home, naisave ko na rin yung email ng Jollibeeeee na pwedeng pagsendan ng resume or cv, post pa dun na work from home or site send info like name, cp number,  email, saang place branch mo gusto pinili ko Cainta parang malapit kase... Tas nagtingin tingin na rin ako ng dorm malapit sa school.. Nakwenta ko na rin yung naibigay sakin nung debut ko na pera hanggang kelan tatagal yun pang baon ko lang... 2 months di kaya to..

Sunday
Ako Nagturo sa sunday school namin.. Then pumunta ulit kami sa pinagmimisyonan namin.. Hapon na ng makauwi kami pagpasok na pagpasok ko ng pinto utos agad... Punta kami sa bahay ng tito ko na pinapaupahan kase alisin na yung gamit nya kase may tenant na dun.. Walang ano ano pinilit ko na yung kapatid ko para sumama at tumulong pero ayaw pero napilit naman... Medyo naiirita na ako nito bali dalawang beses kami bumalik dun kase pinilit namin na pagkasyahin lahat ng gamit nya para hindi na kami babalik pa...

Pero sabi ni papa san daw lalagay yung mga gamit ni tito eh ayaw kong ipalagay sa kwarto namin kase makalat na. Tas tanong nya san yan ilalagay sabi ko sunugin ayon pintig tenga nya ayusin ko daw pagsagot ko nabasagin nya daw..  Ayon nanahimik na lang ako at baka ano pang masabi nanaman ng bibig ko... Hala siniksik namin yung gamit ni tito sa kwarto ng lola namin ayun masama pa rin yung loob... Inom juice pang pakalma... Medyo okay namng pangpakalma yung juice

Biglang sumagi sa isip ko 'painless death'.. Death due to helium asphyxia painless daw... Helium pano gumawa pak methane hot air balloon parang madali lang to... Asphyxia lack of oxygen resulting fainting and death... Edi ayos hindi masakit matutulog lang tapos na...

Ayan tinigil ko na kase vaka biglang maglaro yung isip ko at maisearch ko yung step by step para makumpleto...

19:23 nag chat si Pres ng room namin.. Requirements para ata sa scholarship sabi ko nice peraaa... Scroll facebook walang iiyak... Wala pang dalawang scroll iyak agad... Super thanks kay Lord yung pera na prinoproblema ko boom wala pa pero napaiyak nalang ako... At nagpasalamat habang tahimik na umiiyak pinipilit kong manahimik pero may mangioan ngilan na lumabalas na hikbi... Narindi na siguro si Lord sa mga thanks ko...  Kase isipin mo yon... Matigas ulo ko... Hindi ako kalugodlugod sa harapan nya pero blessing at forgiveness yung binibigay nya..

Thank you Lord kahit napakatigas ng ulo ng lingkod mo.

just random thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon