RTP 2

32 4 1
                                    

Mabilis ang naging pag-eenroll ng dalawa dahil na din sa taas ng kanilang grado at bukod pa doon ay napunta silang dalawa sa first section. Kasalukuyan na nila ngayong nililibot ang buong kampo ng school para na din makapagpahangin dahil mainit at para na din maging pamilyar sila dito.

"Kuya Ze—este Marco, ang daya naman..." biglang sabi ni Shaira sa katabi nyang lalaki na si Marco. Napalingon naman sa gawi nya ang lalaki dahil sa ginawa nyang pagtawag dito.

"Hmm? Bakit naman, Shai?" tanong nito sa babae at tumigil muna sa paglalakad at hinarap ito "Paano ba naman kasi Kuya, ikaw fourth year samantalang ako third?" angal ng babae na nakatingala sa lalaki dahil sa tangkad nito.

"Ano namang masama dun?" tanong ng lalaki at bahagyang nag-bend para hindi na mangawit ang babae kaka-tingala sa kanya "Tama lang naman yun kasi yung edad ko hindi na pang-third year" paliwanang nito sa babae na agad namang sumimangot.

"Nasaan na kasi yang Ian na yan at ng matapos na natin 'to..." may pagtatampo sa boses nito at kung hindi mo susuriin ay hindi ka maniniwala na isa itong spy at third year student dahil sa parang bata nitong pagkilos at pagsasalita.

Napatawa naman ng mahina si Marco dahil sa sinabi nito at ginulo ang buhok ni Shaira bago nagsalita "Para namang bago ka sa trabaho nating 'to. Tyaga-tyaga lang Ri, matatapos din natin 'to in no time" nakangiti nitong saad at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Yung buhok ko na naman!" angal ni Shaira dahil sa nagulo nyang buhok.

'Bakit ba hilig na hilig ng mga matatanda ang manggulo ng buhok ng may buhok? Ito naman si Kuya, kung gusto nya ang buhok ko willing ako mag-donate para ipatong sa ubanin nyang buhok o di kaya bilhan ko na lang sya ng pangkulay para naman di mabawasan yung buhok ko'

May itsura naman kasi ang naging bagong mukha ni Zenon ngunit kung ikukumpara ito sa totoo nyang mukha ay mas gwapo sya sa normal nyang itsura. May katangusan ng ilong at maputing balat ang lalaking si Zenon samantalang kayumanggi at medyo may kaliitan ang ilong ng lalaki na bumagay naman sa mukha nya ang mukha ni Marco. Ang blonde na kulay ng buhok ni Zenon na parang nagkukulay puti naman ay nabago dahil medyo may pagka-dark brown ang kulay ng buhok ni Marco pati na din ang kulay ng mata nila ay nabago mula sa hazel na kulay na mata ni Zenon ay napalitan ng kulay Brown dahil sa kulay ng mata ni Marco. Mukha lang naman at boses ang nagbago sa kanila ngunit ang pangangatawan at iba pa ay wala namang pagbabago.

Ganito din naman ang nangyari sa mukha ni Maria, may kaputian din naman ang dalaga ngunit ng nagpalit sya ng mukha bilang si Shaira ay naging kayumanggi na din ito. Wala namang nagbago sa kanyang ilong at iba pang bahagi ng kanyang mukha at katawan maliban lamang sa nagbago nitong kulay ng mata at buhok. Ang totoong kulay ng mata ni Maria ay parang abo na syang nagbago at naging kulay dark-brown nang magpalit sya ng mukha bilang si Shaira. Ang dati namang brunette na kulay ng buhok ni Maria ay naging itim. Katulad ng kay Zenon ay wala nang gaanong naging pagbabago sa kanilang katawan.

Nang makauwi na ang dalawa ay agad na sumalampak sa couch si Maria at agad na pinalitan ng tunay nyang itsura ang kanyang mukha. Sumunod naman na sa kanya ang lalaki ngunit nahuli ito ng kaunti dahil kinausap pa ito ng isa sa kanilang kapit-bahay tungkol sa naging pagpapa-enroll nila sa eskwelahang iyon.

"Maria, tara dito at may ipapakita ako sa'yo" biglang tawag ni John sa nakaupong si Maria. Kahit na naguguluhan ang dalaga dahil sa biglaan nitong pagtawag ay walang angal naman itong sumunod sa lalaki na nagdala sa kanya sa isang may di kalakihang pader na malapit lamang sa may kitchen nila. Nakatayo doon habang nakatalikod sa kanya si John at ng maramdaman nito na nandoon na ang babae ay may kung ano syang pinindot sa gilid nito at ang kaninang pader ay napalitan ng isang gawa sa metal na pinto.

Rogue: The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon