RTP 5

25 4 1
                                    

Sa tulong na din ng mga koneksyon ng mga spies ay hindi naibalita ang nangyaring pagsabog sa loob ng bahay kung saan nakatira sila Zenon at Maria. Mag-uumaga na din ng makauwi ng bahay nila si John na punong-puno ng dumi ang katawan at galos. Hindi na rin nag-usisa pa ang mga kapitbahay nila sa nangyari dahil nagawan na din ito ng paraan ng kapwa nilang spies ng mabalitaan ang nangyari.

Hindi naman nakapasok ng eskwelahan ang dalawa dahil sa mga natamo nilang sugat at dahil na din sa panghihina ng kanilang katawan. Nakakakilos na ng kaunti si Maria at kasalukuyang hinahanda ang almusal na kakainin nila. Wala pa ring malay hanggang ngayon si Zenon na naubusan ng maraming dugo samantalang hindi naman makatayo sa kinahihigaan nya si John dahil sa panghihina nito. Noong araw pala na halos ay hindi na ito naka-uwi ay dinala pala ito ni Cade sa isang masukal na gubat at kinulong sa isang kubo sa gitna ng gubat. Ito ang ginawang pagkakataon ni Cade para magaya si John at ang boses nito't pagsasalita.

"Paano ka nga ba kasi napunta doon, John? At sino ba si Cade?" tanong ni Maria ng mailapag na nya sa bagong bili na coffee table ang isang tasa ng juice at mga tinapay na may palamang mayonnaise. Nasa may sala ngayon si John at nakaupo.

Bago magsalita si John ay ininom nya muna ang juice na nasa lamesa ngunit parang biglang tumaob ang sikmura nya ng matikman ito, "Yuck! Ano bang nilagay mo dito Maria, bakit ang pakla naman ng lasa?" hindi maipintang tanong ni John at kumagat sa isang tinapay na wala namang ibang lasa.

"Ah, nilagyan ko nitong mga vitamins para lumakas ka agad" inosente nitong sabi at pinakita pa ang isang bote ng multi-vitamins na halos nangahalati ang laman. Napangiwi naman si John dahil dito, kaya naman pala mapait na hindi ko maintindihan ang lasa ng juice dahil ginawa nitong asukal ang multi-vitamins na 'yon.

Umupo sa kasalungat na upuan nya si Maria at tiningnan nya ng maigi si John hanggang sa mailang ito at nagsimula ng mag-kwento. Napabuntong-hininga si John at naging seryoso na ang itsura nito bago nagsalita.

"Naaalala mo ba kung bakit ako ginawang malachi ng mga nasa taas?" tanong nito kay Maria ng nakayuko ngunit kahit hindi na sumagot ang dalaga ay pinagpatuloy pa rin nya ang kanyang sinasabi, "Dahil umibig ako sa isang tao na misyon ko. Maganda sya at mabait kaya agad na nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam na may misyon din pala sya sakin at sa mga kauri ko ng trabaho, espiya din pala sya. Sinubukan nya akong patayin pero hindi sya nagtagumpay" mahaba nitong kwento at dahil dito'y napakunot ang noo ni Maria.

"Anong kinalaman nun sa tanong ko?" nagtataka nitong tanong at napatawa naman ng mahina dahil dito si John at nag-angat ng tingin.

"Ginaya kasi ni Cade ang mukha ng babaeng iyon" may kapilyuhang sabi nito ngunit halata pa rin sa mata nito ang kalungkutan, "Akala ko ay nagbago na sya kaya nya ako binalikan but it was just a trap para makulong ako sa gubat na'yon. I'm sorry for what happend last night" sabi ni John na puno ng pagsisisi at muling yumuko.

"Para naman sa pangalawa mong tanong kung sino si Cade, sa tingin ko ay dapat si Zenon ang tanungin mo tungkol sa bagay na yan. Hindi ko kasi alam ang totoong nangyari ng mga araw na iyon at tanging si Zenon lamang ang nakaka-alam ng tunay na nangyari"

***

Maagang pumasok sa GAU si Ian dahil sa sabik sya na maturuan muli ang mga estudyante nya sa Section one ngunit bigla syang nakaramdam ng kung anong emosyon ng hindi pumasok ang transfer student na si Shaira. Medyo lumilipad din ang isip nya dahil na din sa nangyari kagabi kung saan ay muntikan na syang mamatay. Agad nya namang kinuwento kay Senior ang nangyari noong gabing iniwan nila sya at hindi na ito nagtaka pa kung bakit nakatakas ang espiyang babaeng 'yon.

Natapos ang araw na magulo ang isip nya at napapansin din iyon ng mga kapwa nyang guro lalong-lalo na si Ms. Mendez na dalaga din at ahead lang sa kanya ng dalawang taon sa pagtuturo. Maganda ito at simple lang mag-ayos hindi katulad ng iba pa nitong kapwa guro na ka-edad nito na sobra-sobra ang blush-on sa mukha. Ramdam din naman ni Ian na halos may mga crush sa kanya ang ibang babaeng guro doon sa GAU lalo na si Ms. Mendez dahil minsan ay dinadalhan pa sya nito ng lunch pero wala pa sa isip nya ngayon ang magkaroon ng kahit na anong relasyon dahil magulo pa ang buhay nya at ayaw nyang may madamay pang iba doon.

Kabababa pa lamang ni Ian sa tricycle ng napagdesisyunan nya na dalawin ang estudyante nya na si Shaira dahil na din sa nag-aalala sya dito at gusto nya din itong kamustahin sa paglipat dito. Dumiretso sya sa bahay ng babae at nag-doorbell ng walang sumagot ay napagpasyahan nya na kumatok na lamang at maghintay. Samantalang nasa loob pa ng kwarto nila Zenon si Maria dahil sa pinalitan nya ang benda nito sa balikat ng marinig ang pagkatok sa pinto nila. Nawala din sa isip ng dalaga na isuot ang salamin o ang vivid eyeglasses nya.

"I-Ikaw? Paanong..." nanlalaking mata ni Ian ng makita ang babaeng nagbukas ng pintuan nila Shaira. Gulat at pangamba naman ang naramdaman ni Maria ng makilala kung sino ang lalaking nasa harap nya.

"He-Hello po" sambit ni Maria ng wala ng iba pang masabi dahil sa bilis ng pagtibok ng puso nya na parang kahit anong oras ay bigla na lang lalabas.

---

"Ganoon ba?" tanong ni Ian kay Maria na ngayo'y nagsasalin ng juice sa baso ng lalaki.

Nasa sala nila ito ngayon at pina-upo nya muna dahil sa nakakahiya naman kung may makakakita pa sa kanila sa labas na parehong nagtititigan. Sinabi nya din na wala dito si Shaira dahil lumuwas muna ito sa probinsya nila dahil sa may namatay itong kamag-anak at kailangang makiramay.

"Oo eh kaya pasensya na kung napag-alala ka pa nya" nahihiyang sagot ni Maria. Paano ba naman sya hindi mahihiya kung halos sa buong pag-uusap nila ng guro eh nakatitig ito sa kanya na para bang inaalisa sya.

'Sana di nya ako makilala...' dasal nya sa kanyang isip, 'Bakit ba kasing nalimutan kong isuot yung salamin? Hay, Maria naman!'

"Okay lang naman yun. Pangalawang araw pa lang naman ng klase pero baka ma-miss nya yung mga test kaya I suggest na magpadala ka na lang bukas ng excuse letter para naman ma-excuse yung kapatid mo" sabi ni Ian at ngumiti bago nagpasyang tumayo at aalis.

"Sige, aalis na'ko. Pumunta lang naman ako dito para sana kamustahin yung batang yun. Salamat ulit sa juice" ani ni Ian habang nakangiti. Pinagbuksan naman sya ng pinto ni Maria at sinamahan pa hanggang sa palabas ngunit bago pa makaalis si teacher Ian ay may tinanong muna ito na labis nakapagbahala kay Maria.

"Pasensya na ah, pero pwede ba kitang matanong?"

"Uhm, sige po. Ano 'yon?" nag-aalinlangang sagot ni Maria habang nakatingin kay Ian na muli ay tinititigan sya.

"Nagkita na ba tayo? Let's say na sa isang lugar na malapit lang dito... mga ganon?"

Kahit na dumadagundong na ang puso ni Maria sa kaba ay nagawa nya pa ring sagutin ang lalaki ng hindi nauutal at ng hindi naipapakita ang kanyang pagkabahala. Marahil ay magaling nga talaga sila magtago ng nararamdaman at magpakita ng isang emosyon na iba sa tunay nilang nararamdaman dahil na din sa mga training at misyon na nagawa na nila.

"Sa tingin ko hindi pa... pero familiar ka ho talaga sakin. Nakita ho ata kita doon sa may convenience store sa labas nitong sub." Sagot ni Maria at napatango naman si Ian na mukhang kumbinsido naman sa sinabi nya.

"Ahh... ganon ba? Pasensya ka na, napagkamalan pa kitang kung sino. Siguro nga nakita na rin kita doon sa Seven-Eleven, suki na ata talaga ako doon, mahilig kasi ako sa mga root beer" sabi nito at tumawa.

Tiningnan muna ni Maria ang papaalis na pigura ni Ian bago pumasok sa loob ng bahay nila at sinara ang pintuan ng sobrang lakas kaya naman kahit nanghihina ay napabangon si John para lamang makita si Maria na hawak-hawak ang parte kung nasaan ang kanyang puso.

"Oh, anyare sa'yo? Bakit ganyan ang itsura mo?" nagtataka nitong tanong kay Maria na tinulungan nya na maka-upo sa pinakamalapit na upuan dahil na din sa para bang nanghihina ito sa kung anumang nangyari sa kanya.

"Yung puso ko John, ang lakas ng tibok" nakakunot-noo nitong sabi at biglang napahawak sa ulo ng biglaan itong sumakit.

***

This is just a work of fiction.

Thanks for all your support. Keep reading and voting for my story...

~S

Rogue: The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon