RTP 4

32 3 0
                                    

Bandang ala-syete ng gabi ng umalis sila Maria, Zenon at John sa kanilang bahay at sumakay sa isang itim na van na naka-park lang sa mismong labas ng kanilang bahay. Nakasuot ang dalawa ng kasuotan na ginawa ng mismong ina ni Maria. Isa lamang itong simpleng shirt na sleeveless na pinatungan ng isang navy blue colored na jacket. Sadyang ginawa ang damit na ito para lamang sa mga misyon na gagawin nila, ang tela na ginamit dito ay bullet proof dahil na din sa naimbento ng papa ni Maria. Ang kanila namang pantalon na sadyang tinahi para sila ay makakilos ng maayos ay maraming mga bulsa para mapaglagyan ng maliliit nila na sandata katulad ng kanilang jacket na may mga sekretong bulsa. Simpleng t-shirt naman at shorts lang ang suot ni John na sya namang magiging look-out ng dalawa sa gagawin nila ngayong gabi.

"Ano, ready na ba kayo jan mga bata?" tanong sa kanila ni John ng matapos nitong mag-seat belt at makapasok sa loob ang dalawa.

Pinasadya ang loob ng van kaya imbes na mga upuan ang makikita sa loob ay mas umaangat ang mga makabagong teknolohiya na nandoon katulad na lamang ng iba't-ibang klase ng computers, even weapons and liquids that are placed inside a vail. Umupo ang dalawa at imbes na sumagot ay sabay silang tumango, hindi nila ngayon dala ang salamin na ginawa ng ama ni Maria kaya naman ang tunay nilang mga itsura ang makikita. Masyado ding pansinin ang buhok ni Zenon na sa sobrang pagka-blonde ay parang nagiging puti na kaya naman nagsuot na lamang sya ng sumbrero para matakpan ito kahit papano. Pinaandar na ni John ang kotse at nagpasya na pag-usapan ang kanilang pupuntahan at kung ano ba talaga ang ipupunta nila doon.

"Pupunta kayo ngayon sa isa sa mga tagong warehouse na medyo may kalayuan dito, may nakuhang impormasyon ang mga taga-HQ na may magaganap daw na transaksyon ngayong gabi doon" sabi ni John na nakatuon pa rin ang tingin sa daan.

Bahagyang napakunot ang noo ni Maria habang wala namang mababakas na emosyon sa mukha ni Zenon, "Pero ano ba ang kinalaman namin doon? Dapat ay focus kami dito sa misyon at may mga pulis naman o iba pa naming ka-spy na maaring pumunta dun, bakit kami pa?" tanong nito kay John ngunit imbes na sagutin sya ni John ay naunang sumagot sa tanong nya si Zenon kaya napalingon sya dito.

"Kasama kasi dito ang sinusubaybayan natin kaya tayo ang pinadala ng HQ para magmasid sa mangyayari. Don't worry wala naman tayong gagawin doon kundi ang manood, susunod na din ang iba pang pulisya sa hudyat ni John" mahaba nitong paliwanag at tinuro si John gamit ang isang metal na bagay na kasing laki lang ng USB.

"Anong di kaaworry-worry dun? Eh hindi manlang tayo makakapag-banat ng buto. Gusto ko naman ng kaunting aksyon ano" sabi nito kaya naman napangiti si Zenon at ginulo ang buhok nito na naka-pusod.

"Yung buhok ko!" reklamo nito pero tawa lang ni Zenon ang narinig nya.

Madilim ngunit may kakaunting liwanag ang lumalabas sa maliit na siwang ng warehouse kung saan ngayon ay dahan-dahang naglalakad ang dalawa ng walang ginagawang anumang ingay. May maliit na vent na kasya lamang ang isang tao at tamang-tama lamang ito na pasukan nila dahil kahit papano ay madilim ang bahaging iyon. Umapak sa isang container box na hindi gaanong kalakihan pero kayang ma-handle ang bigat ng hanggang sa ilang katao. Umkyat din dito si Zenon at pansamantala silang nagkatinginan bago makahulugang tumango. Pumwesto si Zenon in a crouch style at pinagdikit ang dalwa nyang kamay sa kanyang harapan para may maapakan si Maria sa gagawin nitong pag-akyat. Naka-akyat naman ang dalaga ng walang nagagawang ingay, dahan-dahan syang bumaba sa isa na namang container box na nakapatong pa sa iba pang mga box sa loob. Para bang ipinuwesto talaga ang mga ito para lamang may makadaan o gawin itong hagdanan na sya namang pinagtataka ni Maria kaya sinenyasan nya si Zenon na huwag munang umakyat at maghintay na lamang muna sa labas.

Lingid sa kaalaman nila ay naka-plano na talaga ang lahat ng ito...

***

Naka-receive agad ako ng tawag kay Senior kanina ng maka-uwi agad ako sa bahay. May mangyayaring transaksyon daw ngayong gabi at kailangan daw na nadoon ako dahil may supresa daw sya sakin na magugustuhan ko daw. Kung alam lang talaga ni Senior na ang lahat ng ito ay hindi ko nagugustuhan.

Rogue: The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon