Chapter 1: Narda Meets Regina

95 6 1
                                    

WARNING: YOU ARE ABOUT TO READ SOME DISTURBING AND FATAL SCENES. KAPAG HINDI KAYA NG SIKMURA, SKIP NA LANG PO. NOT FOR MINORS ALSO. THANKS PO!

Ilang araw ang lumipas, may dalawang framed pictures ang nakapwesto sa harapan ng Northford na nasunog, at remains na lang ang natitira. Dalawang framed pictures nang may kasamang mga flowers and candles. May mga iilang mga students and teachers ang nakagather doon para makiramay sa pagkamatay ni Leonor at Rex na naiwan sa nasabing Northford na nasunog tapos sumabog. 

Doon naman sa bahay nila Narda, kasalukuyang nagaganap ang lamay kay Leonor. Nakita naman ang bangkay nila ni Rex. Ngunit ito ay mga sunog na. Kaya yung urn na lang ni Leonor ang kanilang pinaglalamayan. Habang sa likuran ay may litrato niya. Si Trevor ang nagarrange ng funera service para kay Leonor doon nga sa bahay ni Narda at Ding. Labis ang lungkot ng mga kapitbahay nila Narda. Gaya nila Mara saka ng pamilya niya. Kaya maraming mga dumadalo. Si Ding ay nagkulong sa kwarto. Habang si Narda ay hindi umaalis sa pwesto niya sa harapan kung saan nga ang lamay ni Leonor. 

Si Trevor ay kasalukuyang ineentertain ang kanilang bisita. Habang si Brian ay abala sa pagdidistribute ng food. 

-----

Next day nun, ang konsehal Zaldy Vallesteros ng Nueva Esperanza ay kasalukuyang namumulitika. Habang si Narda ay sinasamahan ni Mara at Brian patungo sa bahay nila ng kanyang inang si Leonor. Titira na sila sa bahay ni Lola Berta nun. Patungo sila sa bahay para kunin ang mga gamit nila ni Ding. Habang sila ay naglalakad, napansin naman sila ng isang kapitbahay nila kaya ito ay tumakbo at dito nga ipinakilala si Narda bilang anak ng kamamatay lang na si Leonor. Kaya agad siyang nilapitan ng konsehal. Kahit na kitang-kita ang bakas sa mukha ang lungkot ni Narda, pilit pa ding nakikiramay si Zaldy. Ngunit, ramdam ni Brian and Mara na hindi sincere ang ginagawa ni Zaldy.

Zaldy: Narda. Nakikiramay ako sayo. Isang kabayanihan ang ginawa ng nanay mo.

Tapos inilagay ni Zaldy sa kanyang dibdib ang kamay niya para lalong ipakita kay Narda na siya ay nakikiramay. Ngunit, alam ni Brian and Mara na yun ay pakitang tao lamang. Halata na din sa mukha ng konsehal na plastic lang yun para nga pabanguhin ang pangalan. 

Zaldy: Kaya naman taos puso akong nagpapasalamat sa sakripisyong ginawa niya para sa Northford students and teachers at lahat ng mga taong nakaligtas doon.

Inexpress pa ni Zaldy ang pagpapasalamat sa pagbabango ng kanyang pangalan. MAtapos nun, saka na nagsalita ang assistant niyang si Maisha.

Maisha: Tama! At mga kasama! Dahil mahal na mahal tayo ng konsehal Zaldy, meron kaming hinandang ayuda para sa inyong lahat!

Sabay lapit ng mga tao na excited dahil nga sa nasabing ayuda. At halos madistract sila mula sa pagkalungkot na nangyari kay Leonor at Rex Vanguardia. Habang si Narda ay halos balisa pa din at bingi mula sa pagpapakitang tao ni Zaldy. Noong nagpilahan ang mga tao, agad na inalalayan ni Brian and Mara si Narda na maglakad.

Mara: Ginamit pa talaga nila si Tita Leonor para mamulitika.

Brian: Oo nga naman. Namatayan na nga, pero mas iniisip pa ang pagbabango ng mga pangalan nila. 

Kaya nun umalis sila sa lugar na yun patungo sa bahay nila Narda. 

Pagdating doon ay agad na nagkusa si Brian na kunin ang mga damit at iba pang kagamitan ni Ding sa kwarto nito. Habang si Mara ay sinasamahan si Narda patungo sa kwarto ng inang si Leonor. Pagbukas ni Narda ng cabinet ni Leonor, saka dito siya unti-unting humagulgol at lalo pang humagulgol nang kinuha nito ang favorite blouse and EMT shirt ni Leonor.

Narda (sobbing): Paborito to ni Nanay.

Saka siya umupo sa higaan ng ina. At saka nun lalong humagulgol ng iyak, tapos siya ay inakap ni Mara ng mahigpit para icomfort ang sobrang lapit na kaibigan. Halos ilang minutes pa ay naimpake na ni Brian ang mga kagamitan ni Ding. Saka ito tumungo kay Narda and Mara. 

Unity and Justice: My Boss' LoveWhere stories live. Discover now