Chapter 4: Who is Reed?

74 4 3
                                    

Sinundan ni Black Knife ang mga goons sa condo ni Julia. Pagkadating sa hagdanan kung saan kasalukuyang naglalakad si Julia paakyat ng kanyang kwarto. Pagkapasok sa stairway, dinukot ni # 9 ang folding knife niya saka nilapitan from behind ang mga thugs saka na sinimulang saksakin ang mga hinayupak. Wala pang one minute mabilis at sunod-sunod ang pagsaksak ni Black Knife ang grupo ng mga lalaki. May isa sa gilid ng leeg. May iba sa tagiliran, paa, batok. May isang thug na nailabas ang kanyang baril at ipinutok yun kay # 9, ngunit mabilis niyang naiwasan ang bala at sinaksak ang wrist ng lalaki. Dahilan na napalingon ang mga kidnappers, kaya nilabas nila ang kanilang mga baril at pinaputukan sa assassin. Ngunit, sadyang kakaibang bilis at galing ang taglay ni Black Knife. Kaya wala pang one minute, nalalagas na ang mga tauhan ni Armando at Salvo. Nabibilang ang mga ito sa sampu. Karamihan ay sinisipa ni Killer # 9 pagtapos saksakin at nahulog sila sa hagdanan. Narinig naman ni Julia ang putok ng baril na yan, kaya ito ay ngumisi.

Julia: Sabi sayo. Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin, Armando. Kung sino ang mga nasa likod namin ni Regina. But for now, hahayaan muna namin kayong magpagod sa paghahanap sa mga nasa likod namin. We will just let you think that we are nothing but businesswomen or attorney.

Tugon niya sa sarili. Ngayong alam na ng dalagang CEO na hindi na siya masusundan ng mga goons, nagelevator na siya.

Dalawang tauhan na lang ang natitira, including yung in charge saka ang isa pang goon. Tinutok ng in charge ang kanyang baril kay Killer # 9, ngunit hindi niya ito naiputok nang walang kahirap-hirap na pinutol ni Black Knife ang trigger finger ng leader. Tapos yung isa pang natitirang goon ay akmang susuntukin na si Number 9, pero naunahan siya at sinaksak sa kanyang lalamunan. Mabilis na sinipa ni Black Knife ang leader na natumba at ito ay sinaksak niya sa dibdib, ngunit ang leader ay sinubukang pigilan ang kamay. Pero huli na, dahil ito ay nanghihina na at unti-unting binaon ni Number 9 ang blade sa dibdib habang matalim siyang nakatitig sa mga mata ng leader ng mga thugs. Hindi din nagtagal ay binawian na ng buhay ang natitirang thug. Noong lahat ng mga goons na nagtangkang kumidnap kay Julia ay patay na, saka na tinext ni Number 9 ang isa pang kapwa Killer niyang si Killer # 8 named Lincoln, the Police Chief na undercover ng Blood Seal.

Killer # 9: It's done.

Lincoln: Roger that. Go now. We'll take care of it. 

Saka na nilisan ni Number 9 ang condo ni Julia. Sumakay, humarurot ng sasakyan at umalis na sa lugar na yan. Then Killer # 8 called his elites papunta sa condo ni Julia to clean up the mess and to make sure na hindi matatrace sa kanila ang may kagagawan ng pagpaslang sa mga armed men. 

-----

Si Ava and Narda ay kasalukuyang on the way pauwi na sa bahay. Halos hindi pa din maalis sa isip ni Narda ang pagtrip sa kanya ni Regina na halikan siya kanina. Tapos yung pagbanta sa kanya ni Regina na hindi lang siya hahalikan.

Regina: Or else, hindi lang kita hahalikan. We'll do the unholy here. Or else in my condo. 

Hindi talaga mapakali si Narda at hindi alam kung paano siya magrereact sa ugali ng kanyang Lady Boss. Naisip din niya na kailangan niyang magdoble ingat sa kanyang kilos or yun nga ay baka mapilitan siya ni Regina na makipagOne-night stand sa kanya. Hindi pa din sure si Narda kung talaga bang gusto siya ni Regina sa una pa lang, or sadyang trip lang siya. Natauhan na lang siya nang marahan siyang tinapik ni Ava nang kanina pa nagsasalita.

Ava: Hoy, Narda! 

Narda: Ho?

Ava: Kanina ka pa hindi mapakali, ok ka lang ba?

Narda: Uh, okay lang po Tita. May sinasabi ka po pala?

Ava: Pinaalala ko lang naman yung time na si Kuya Danilo, si Tito Logan mo, at iba pang mga sumabak sa Task Warfare laban kay Zakarum and General Rooks na tinraydor ang mga kasamahan niya at pinaslang sila Reed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unity and Justice: My Boss' LoveWhere stories live. Discover now