Chapter 31

205 5 0
                                    

Chapter 31

Nagising akong nasa hospital bed. May mga nakakabit na aparato sa akin. Kahit iniinda ang sugat sa tagiliran ay pinilit kong bumangon.

Natagpuan ko si Aldrin na nakatayo sa gilid ko. "Don't move. Huwag mo muna piliting bumangon," sabi niya, inalalayan ako.

Hinawakan ko ang tiyan ko nang may maramdaman akong labis na sakit doon.

"Kamusta yung baby ko?"

Bago ako mawalan ng malay, halos maligo ako sa dugo. Mayroong dugo na umaagos pababa sa binti at hita ko.

Tahimik lang niya akong tinignan. "Please, magpahinga ka na muna..." tanging naisagot niya, may namumuong luha sa mga mata niya.

Tumanggi ako.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakokonpirma na maayos ang lagay ng baby namin. Bakit hindi niya masagot 'yong tanong ko?

"Anong nangyari sa anak natin?" Napatulala siyang tumingin sa'kin. Hinawakan niya ang mukha ko habang pinapakalma ako. Parang may gusto siyang sabihin ngunit walang lumalabas sa bibig niya. "Sagutin mo ko! Anong lagay ng baby natin?!"

Lumayo siya sa akin. Napansin ko ang pagkawala ng kulay sa mukha niya, nilukob ng lungkot.

"Patay na ang anak natin..."

My hands began to tremble. Napatulala ako sa narinig. I broke down into tears after that. Half of my heart died upon hearing it. Para akong pinatay nang paulit-ulit.

Umiling ako, hindi makapaniwala. "No. Hindi 'yan totoo! Sabihin mo sa'kin na buhay pa ang baby ko!"

Tuloy tuloy na umaagos ang luha sa mata ni Aldrin. Hindi makatingin sa'kin ng diretso.

Unang beses ko siyang nakitang umiyak sa harap ko. Unang beses na nagpakita siya ng kahinaan.

I want him to retract his words, na sabihin niyang buhay ang anak namin pero wala akong narinig mula sa kanya.

Tanging maririnig sa silid ay ang pagpigil niya sa mga hikbi at pagtangis ko sa pagkawala ng anak ko.

Wala akong tigil sa pag-iyak. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap... wala na. Hindi ko kayang tanggapin. Ayokong tanggapin.

"Janine..." pag-aalo niya sa akin ngunit wala akong lakas upang harapin siya.

"Please, iwan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa."

He tried to get my hand to hold it but I refused.

"Kung kailangan mo nang kausap, nandito ako—"

"Ano ba?! Sabi nang iwan mo muna ako e!" galit kong tugon sa kanya. Inihilamos ko ang kamay sa mukha habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.

Napaawang ang labi niya at nabigla sa naging reaksyon ko. Hindi na siya nagsalita, tumalikod siya at lumabas ng pinto.

Makalipas ang dalawang araw ay umuwi ang magulang ko mula sa U.S. upang bisitahin ang lagay ko. I was planning to tell them about my pregnancy, pero hindi ko nasabi bago ako nakunan. Hindi sa ganitong paraan ko gustong ipaalam sa kanila.

"Ayos ka lang ba, anak? Anong nararamdaman mo?" tanong sa akin ni Mom, nakaupo sa tabi niya si Dad na umiiyak para sa kalagayan ko.

Ilang araw na akong tulala. Hindi makausap nang maayos. Ilang araw ko nang dinidibdib ang nangyari sa anak ko. Wala akong maayos na tulog dahil binabangungot ako ng pangyayari.

Ayos lang ba ako? Kasi kahit ako, hindi ko alam kung paano sasagutin 'yong tanong na iyon.

Hindi ko alam kung paano maging maayos o kung paano mabawasan iyong sakit.

Love Me Harder (Contract Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon